Mahaba-haba din ang update na'to. Hope you'll enjoy! Thanks.
________________________________________________________________
TBG 57 : Game 1
Krypton's POV
Nandito ako ngayon sa classroom, hindi ako nakikinig ng lessons. Ewan ko ba, parang ayaw ko munang makinig ngayon. Siguro naman i-rerecap pa yun bukas. Wala dito ang lima dahil 'excuse' raw sila sabi ng guro namin. 'Lam niyo na, sila ang mga sasali sa basketball game na gaganapin mamayang hapon. Sa tingin ko tuwang tuwa ang mga 'yun. Akalain niyo kasi naexcuse pa ngayong araw na 'to.
Habang nagsasalita ang guro namin ay pasekreto naman akong tumingin sa upuan nila. Nakakapanibago, walang patao-tao.
"Copy this to your notebook." Napatingin naman ako bigla sa blackboard at nakita ko doon si teacher na may sinusulat. Kaya kinuha ko nalang ang notebook ko at sinulat ang mga nakalagay doon sa blackboard.
~~~****
Recess time at may 15minutes lang na ibinigay sa amin para magrecess dahil may gagawin pa daw kaming activity sabi ni teacher. Pwede bang i-extend yung time? Kahit 30minutes lang okay na 'yun. Hahaha! Pero syempre hindi naman ako pwedeng makapagreklamo dahil baka mamaya ako pa ang mapagalitan nito. Mahirap na!
Hindi na sana ako magrerecess kaso bigla naman akong pinuntahan ni shine sa classroom. Wala daw siyang kasama bumili ng pagkain kaya pumayag nalang akong samahan siya, hindi ako kakain. Sinasamahan ko lang siya.
Kasalukuyan akong naghihintay dito sa canteen nang makita ko si krystal na nakatingin sa pwesto ko, nakangisi siya ngayon na animo'y may masamang balak. Try niya! Ayoko ng gulo ha. Nananahimik ako dito. Huwag niya akong uunahan. Tss!
"Oh? Ayos ka lang?" Napatango nalang ako nang mapansin kong nandito na pala si shine sa tapat ko. May dala dala siyang dalawang burger at juice. Kinuha niya yung isang burger at juice saka binigay sa akin.
"Naku! Huwag na. Busog pa'ko." Pagtatanggi ko. Umiling naman siya at nilagay sa tapat ko ang mga ito.
"Okay lang talaga ako. Sa'yo na'to!" Ibabalik ko pa sana sa kanya iyon nang bigla niya akong pinigilan.
"Bawal tumanggi sa grasya. Sige na! Hindi naman kita sisingilin ng bayad. Libre ko na 'yan sayo tutal malaki laki rin naman ang binigay na allowance sa akin ni mama." Napatango nalang ako at kinuha ang burger.
"Salamat!" Nginitian niya lang naman ako at sabay na kaming kumain.
*****
Antimony's POV
"Coach, break po muna tayo." Hingal na sabi ko sa coach namin. Kaninang umaga pa kasi kami nagpapractice dito at tig-10 minutes lang ang binibigay sa aming oras para makapagpahinga. Masyado talaga naming kina-career 'tong practice na 'to ah? Syempre, dahil gusto namin makalaro kung sino man iyong makakalaban namin sa ibang school na ayon sa sinasabi ni Mr. Dimagiba ay magagaling daw. Baka naman mas magaling kami sa mga 'yun. Wahaha!
"WHAT?! BREAK? NAGING KAYO?" Gulat na gulat na tanong ni neon. Awtomatiko naman lumipad ang kamay ko sa batok niya at napuno ng tawa ang basketball court dito sa school.
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AventuraHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.