TBG 44 : Game

547 18 0
                                        


TBG 44 : Game

Krypton's POV

Saturday ngayon at malamang walang pasok. Kasalukuyan akong kumakain nang bigla akong lapitan ni chasey. Ngumiti naman ako at binigyan ko siya ng  kalahating piraso ng ham. Kakain naman ako ng sa'kin nang  biglang sumulpot si mommy sa harapan ko. May nilapag siya sa lamesa na supot kaya tinanong ko naman siya kung ano'ng laman nun.

"Mih, ano 'yan?" Tanong ko.

"Mga gulay lang 'to. Wala na kasing gulay na nakastock sa ref kaya bumili na'ko." Tumango nalang ako.

"O nga pala, kamusta na kayo ni lead? Napapansin ko hindi ka na niya sinusundo dito sa bahay? Nag-away ba kayo 'nak?" Natigil naman ako sa pagkain. Tama si mommy, parang natapos na ang pagsusundo ni lead sa akin dito sa bahay at ilang linggo na kaming hindi nagkakausap. Nag-away? Ewan! Hindi ko alam kung nag-away ba kami? Sa pagkakaalam ko naman wala kaming pinag-awayan. Ang weird lang talaga ng lalaking 'yun. Bakit ba kasi hindi niya nalang ako diretsuhin kung may problema ba siya sa akin. Malay niyo maayos namin 'to.

"Hindi ko po alam." Kibit balikat kong sagot.

"Naku! Kung may pinag-awayan man kayo, maiging pag-usapan niyo niyan." Nailing nalang ako sa sinabi niya. Hindi naman kami 'no, ewan ko dun sa lalaking yun. Kung makaiwas akala mo ang laki laki ng nagawa kong kasalanan. E, hindi ko naman alam. Hays!

Matapos akong kumain ay niligpit ko naman ang aking mga pinagkainan. Pagkatapos ay nagpunta na muna ako sa salas namin para manuod ng t.v. Palipat lipat ako ng channel dahil wala naman akong nakikitaang magandang palabas. Kaya minabuti ko nalang patayin ito at nagpunta na muna ako sa kwarto ko.

Kinuha ko ang cellphone ko baka sakali kasing magmessage sa akin si grey pero ilang minuto pa ang hinintay ko ay wala talagang nagpopop sa phone ko na number niya. Amboring naman! Gusto kong gumala pero wala naman akong maisip kung saan pwede. Isa pa wala akong kasama, mas lalong boring 'yun. Ano loner nalang ako gano'n? Paano kaya kung tawagan ko si shine? Siguro naman walang ginagawa ang babaeng 'yun ngayon. Tama! Tatawagan ko nalang. Kaagad kong pinindot ang number niya at saka ito tinawagan. Ilang ring palang naman nang sagutin na niya ito.

"O krypts, napatawag ka?" Bungad agad niya sa akin.

"Ah! Busy ka ba ngayon?" May pag-aalinlangan kong tanong.

"Hindi naman. Bakit?!" Siya.

"P-pwede bang samahan mo akong gumala?" Nakakahiya e baka may ginagawa pala yung tao. Edi naistorbo ko pa? Tsk! Tumawa naman siya. Oh? Anong nakakatawa?


"Amboring jan 'no? Hahaha... Sure! Wait... magbihis lang ako. Kita nalang tayo park. Bye!" Masyadong hyper na bata. Hindi na ako nakapagsalita pa, sinabi na niya rin naman kung saan kami magkikita kaya ibinaba ko nalang ang cellphone ko at kumuha ng damit saka nagpunta na sa c.r.

*****

Lead's POV

Wala akong magawa dito sa bahay kaya napag-isipan kong tawagan nalang 'yung apat. Group call ang ginawa ko.

"Naks! Napatawag siya oh, anong meron?" Tanong ni neon.

"Let's have a game." I said. Tumawa naman silang apat at sabay sabay na sumang-ayon. Sinabi ko na rin na doon maglalaro ng basketball kina zinc. May basketball court dun malapit sa kanila. Doon naman kasi kami madalas maglaro at minsan may pustahan.

~~**

Nakabihis na ako kaya naman nagpunta na'ko sa labas nang makita ko si krypton na kalalabas lang ng bahay nila. Napansin ata niyang nakatingin ako sa kanya kaya tumingin rin siya. Ako na mismo ang umiwas ng tingin. Pucha! Parang hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya parang may nanunukso. Alam niyo 'yun? Tss! Sinusihan ko nalang ang motor ko at sumakay na'ko saka mabilis itong pinaandar.

The Blackmailer Gangster (Snail Update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon