TBG 46 : Trouble

594 29 0
                                    

UNEDITED... Ohmy! Pinagpuyatan ko ang pagsulat sa chapter na'to. Hope you enjoy it guys. Thank you! Don't forget to vote. Comment and share. Thank you :*

___________________________________________________________________

TBG 46 : Trouble

Antimony's POV

Paparating ako sa locker nang bigla kong makita si shine na papalayo dito. Muli ko siyang tinawag kaya huminto naman siya at tinignan ako.

"Oh, may kailangan ka?" Tanong niya habang papalapit ako sa kanya.

"I have a good news." Nakangiti kong sabi.

"Yeah! Halata nga sa mga ngiti mo pa lang. Ano bang good news 'yan? Siguraduhin mong good 'yan ha." Tumawa naman ako. Sasabihing ko bang good news kung hindi talaga good? Hays naman!

"Promise! Sigurado akong matutuwa ka rin dito." Syempre! Kami lang ang may alam nito kaya alam kong matutuwa siya.

"Talaga? Ano ba 'yun?" Kunot noo niyang tanong.

"Mahal na talaga ni lead si krypton." Natutuwa kong sagot. Hahaha! Hindi naman sa hindi ko inaakalang magmamahal ang leader namin. Natutuwa lang din ako dahil kaya pala parang iba na siya kasi nagmamahal na pala ang loko. Iba naman pala ang nagagawa ng pag-ibig. Ilang minuto muna ang lumipas bago magsink-in sa utak niya ang sinabi ko.

"Di nga? Sure ka?" Hindi makapaniwala niyang tanong. Wala 'to oh! Nahalata na nga niya noon na parang may gusto si lead kay krypton tapos ngayon parang hindi makapaniwala. Tsk!

"Oo nga! Dahil nakausap ko siya kahapon." Kakamot kamot ako sa ulo ko habang sinasabi iyon. Maya pa'y nanlaki ang mga mata niya at biglang tumalon talon.

"Waaahhh? Talaga? Yieeee..." Nang sabihin niya iyon ay bigla siyang napayakap sa akin.

"Hoy! Tama na! Chumachansing ka lang e." Natatawa kong sabi. Bigla naman siyang napahiwalay at hinampas ako sa balikat.

"Tse! Hindi ko lang kasi napigilan sarili ko. Whoa! So, totoo talaga ang hinala ko? Astig!" Natutuwa niyang sabi.

"Yeah! Pero alam ko namang naguguluhan pa siya kung ano ang totoo niyang nararamdaman kaya hindi na muna namin 'to sasabihin sa mga tropa namin dahil gusto kong si lead na mismo ang magsabi na gusto na niya si krypton." Sabi ko.

"Sabagay! Kailangan kasi na sa kanya mismo manggaling kung ano ang totoo niyang nararamdaman." Sabi naman niya.

"Mismo! Siya nga pala nandito sa akin ang mga signs na sinulat mo sa papel. Hahaha! Ibang iba ka rin 'no?" Natatawa kong sabi at dinukot mula sa bulsa ko ang papel na tinapon kahapon ni lead. Kaagad naman niya itong hinablot sa akin.

"P-paano napunta sayo 'to?" Tanong niya.

"Malamang! Tinapon 'yan ni lead at nakita ko naman saka binasa ang mga nakasulat. Hindi ko na ibinalik pa sa kanya dahil baka punitin niya lang, sayang pwede pa kasi 'to magamit ng ibang taong naguguluhan sa kanilang totoong nararamdaman. Hahaha!" Tatawa-tawa ko pang sabi. Gusto ko pa sanang kunin iyon sa kanya kaso hindi na niya ibinigay pa pabalik. Hindi na rin naman ako nagpumilit. Bahala siya kung saan niya yun ilalagay.

"O sige, paano mauna na muna ako. May next class pa kasi kami. Bye!" Nginitian ko nalang siya at naglakad naman ako pabalik sa locker ko. Pabukas na ako sa locker ko nang bigla akong nakarinig ng salita.

"Did you know where lead is?" Sa ingles palang alam ko na kung sino siya. Malamang si krystal.

"Yeah! I know." Sagot ko.

The Blackmailer Gangster (Snail Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon