Typos?✔Grammatical erros?✔Wrong spelling?✔other ERROS?✔ so, please bear with it nalang. Salamat :D
____________________
TBG 5 : JOKE
Krypton's POV
Nagulat ako nang makita kong ilalagay na niya sana si chasey sa basurahan, pero nagulat siya nang makita rin niya ako, kaya bigla niya nalang nabitawan si chasey. Lumapit ako sa kanya at pinagpapalo ko siya sa dibdib.
"Waaahh! ANONG GINAGAWA MO KAY CHASEY HA? BA'T MO SIYA ITINATAPON? ANG SAMA MO ANG SAMA SAMA MONG TAO" Sunod-sunod kong sigaw, habang patuloy na pinapalo siya. Umiilag naman siya gamit ang mga braso niya.
Ang sama niya, bakit niya nagagawang magtapon ng isang pusang wala namang ginagawang masama sa kanya. Inano ba siya ni chasey ha? Nakakainis siya ah!
"HINDI KA NAMAN YATA INAWAY NI CHASEY AH, PERO BA'T NAKITA KONG ITINATAPON MO SIYA. WAAAAH! ANG SAMA SAMA MO TALAGA. MASAMA KA" Patuloy ko paring sigaw.
"ANO BA! CAN YOU PLEASE STOP HITTING ME" Sigaw niya habang umiilag parin.
"ANG SAMA M---" Naputol ang sinabi ko, dahil hinawakan niya ang magkabila kong kamay, para matigil ako sa pagpalo sa kanya. Ang lapit na ng mukha niya sa mukha ko ngayon. Kitang kita ko kung gaano siya nakatitig sa akin. Ang seryoso nang mukha niya.
"Hoy a---" Again he cut me off.
"Pwede ba makinig ka muna sa eksplenasyon ng tao sa'yo bago ka manghusga" May pagkairita niyang sabi habang hawak hawak parin ang kamay ko. Tinanggal ko naman kaagad ang kamay ko sa kanya. Baka isipin pa ng lalaking 'to na ine-enjoy ko ang pagkakahawak niya sa akin tsk! Napaayos naman ako at napatango.
"When I woke up earlier I saw your fvcking annoying irritated ugly cat in my back. I don't know why is this happened at dahil sa inis ko kung bakit may isang pangit na pusa ang napadpad sa kwarto ko. Kaya napag-isipan ko nalang ipatapon at ayaw ng yaya kong gawin ang itapon yang pusa mo, kaya ako na mismo sana ang maglalagay dito sa basurahan nang bigla ka namang umeksena" May pagkabored niyang paliwanag. Pinagpapalo ko na naman ulit siya.
Pasalamat pala na dumating ako, kundi baka tuluyan na niyang naitapon si baby chasey ko. Kawawa naman 'yun kung nagkataon. Inalagaan ko pa naman 'yun ng mahigit na taon tapos ipapatapon niya lang pala. How bad he is. Tsk! Pasalamat lang talaga kasi dumating ako at nailigtas ko si chasey kahit hindi ko alam kung anong klaseng pagligtas ang ginawa ko XD
"HOY! HINDI PANGIT SI CHASEY. WAAAH! YOU'RE SUCH A BAD PERSON" Inis kong sabi.
"OUCH! ANO BA! TUMIGIL KA NGA. PASALAMAT KA NA DITO KA LANG SA BAHAY KO NAG-I-ESKANDALO" He said then he held my hands again. Inis kong tinanggal ulit ang mga kamay ko sa kanya. At papaluin na naman sana siya nang bigla siyang magsalita at automatikong nafreeze ang mga kamay ko.
"Try to hit me again or else...." -siya
"Or else what ? Ipapakulong mo ako? Ipapabaranggay mo ako? Papamultahin mo ako? An----"
"I will tell to anyone your secrets" - siya.
Hindi agad ako nakapagresponse sa mga sinabi niya. Alam niya ang sekreto ko? Pero paano? Bigla nalang akong nakaramdam ng kaba at hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Feeling ko napako na'ko sa kinatatayuan ko ngayon. Hindi pwede 'to. Hindi niya pwedeng malaman kung ano-ano ang mga tinatago ko.
"JOKE" Nakahinga naman ako ng maluwag nang binawi niya ang mga sinabi niya. Akala ko pa naman may alam na siya. Jinoke lang pala niya ako.
"Oh! Bakit parang namumutla ka?" Tanong niya habang may mga nakakalokong ngiting bumubuo sa labi niya. Umiwas naman ako nang tingin.
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AbenteuerHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.