TBG 29: Last Practice
Krypton's POV
Linggo ngayon at huling araw na ng pagpapractice namin para sa gaganaping 'search for Campus Couple'. Ewan ko ba, pero wala akong napi-feel na excitement. Kinakabahan pa nga ako e, dahil first time kong sumali sa ganitong uri ng kumpetisyon. Mabuti na nga lang dahil kabisado ko na lahat ng steps at paglakad patungo sa partner kong si zinc. Sila lead naman ay kuhang kuha narin nila ang tamang paglakad at steps. Tuwang-tuwa naman itong si krystal dahil nakikipagcooperate na sa kanya si lead. Kaya laki naman ang ngiti ni ate simmy nang makakita siya ng chemistry kina lead. Hindi ko nga alam pero parang nag-init ang mga mata ko sa sinabi niya.
Napatingin nalang ako sa unti-unting pagdating ng ibang contestants dito sa gym. Napangiti ako nang binati ako ng isang grade 8 representative na si arabelle. Palakaibigan naman siya, pati nga si krystal kinakaibigan niya kaso sadyang maldita lang talaga ang isang 'to, kaya ni-reject sa pakikipagkaibigan ni arabelle.
"Ate krypton, wala pa po ba sila ate anna?" Pangangalabit niya sa akin. Umiling-iling naman ako sa sinabi niya.
"Wala pa e, pati nga rin sila ate simmy at ate daniella. Wala pa!" Sagot ko. Tinanguan niya naman ako at naglakad siya patungo sa mga kaibigan niya. Wala naman kasing pasok kaya may ibang estudyante ang pumunta dito para manuod ng rehearsal namin, yung iba naman ay mga kaibigan ng ibang representative dito at nagchecheer sa pambato nila. Naglakad lang muna ako patungo sa labas ng gymnasium para makapagpahangin. Tinignan ko muna kung saang may parte ng mahangin at nang magpunta ako sa likod ng gym ay do'n ko naman naramdaman ang hangin na aking hinahanap. Umupo ako sa isang semento at pumikit saka napapangiti kong nilalanghap ang hangin. Saglit pa akong nagstay dito nang bigla kong naramdaman na may umupo na pala sa tabi ko. Minulat ko ang aking mga mata at tinignan siya. Si zinc lang pala.
"Oh! Zinc, anong ginagawa mo dito?" Nagtataka kong tanong. Umiling naman siya.
"Ikaw? What are you doing here?" Balik niyang tanong sa akin ng paenglish.
"Nagpapahangin..." Simple kong sagot.
"Kaya ikaw, ano nga ba talaga ang ginagawa mo dito?" Ulit ko.
"Nagpapahangin rin." Nakangiti niyang sagot.
"Ah! Okay." Nasabi ko nalang at saka pumikit ulit. Fresh ang hangin dito dahil napapalibutan ng mga halaman at bulaklak ang likod ng gymnasium.
*****
Zinc's POV
I smiled when I saw her perfect face. She's like an innocent child. Her eyes was closed and she feel the presence of fresh air. I caught her smiling and I think she's daydreaming. I hope I was the one in her nice dream. Pinagmasdan ko lang siyang napakipit habang napapangiti. Magkakaroon pa kaya ako ng pag-asa kung sakaling aminin ko sa kanya ang totoo kong nararamdaman? Maaalala kaya niya na isa ako sa naging kaibigan niya noong mga bata pa kami? Pilit akong napangiti sa mga naiisip ko. Siguro kung hindi dumating si krypton sa buhay ko baka ngayon nando'n na ako sa bahay at nanunuod ng basketball. Pwede ring kasama ko ngayon ang gang at nakikipagbugbugan na naman kami. I chuckled at nakita kong dumilat siya at kunot-noo akong tinignan.
"Ba't ka natatawa?" Alam kong curious na siya niyan. Hahaha!
"Nothing. May naisip lang ako." Naiiling kong sagot sa kanya. Tinanguan naman niya ako at napatingin nalang siya sa malayo. Bigla naman akong sumeryoso at tinignan uli siya.
Paano kaya kung aminin ko na sa kanya? Will she accept my love for her or she will just reject it?
"K-krypton....." Panimula ko. Tinignan naman niya ako.
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AdventureHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.
