TBG 48 : PARTY

583 23 0
                                        


TBG 48 : PARTY

_______________________________________________________

Krypton's POV


Friday na naman ngayon at huwag na kayong magtaka kung bukas saturday na. Obvious din 'diba na magkasunod yun? Ahihih! Kasalukuyan akong nakaupo dito sa classroom nang lapitan ako ng president namin. Akala ko mag-aattendance na naman siya pero wala naman akong nakitang papel o ballpen na hawak niya.



"Ms. Portejo, may naghahanap sayo sa labas." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumakad na siya palayo. Tumingin muna ako sa labas pero wala naman akong nakitang naghihintay do'n kaya naman tumayo na ako at naglakad na patungo sa labas. Pagkatingin ko sa gilid ng classroom namin ay nakita ko si shine.



"Shine, ba't ka nandito?" Tumingin naman siya sa akin at dali dali akong hinila. "Uy! S-saan tayo pupunta?" Nakakapagtaka e, wala naman siyang sinabi sa akin kung bakit siya nagpunta doon sa classroom namin at bigla bigla akong hihilain. Wala man lang sinabi 'tong babaeng 'to kung saan niya 'ko balak dalhin. Hindi na muna ako nagsalita dahil baka magmistulang hangin na naman ako kaya minabuti ko nalang ang magpahila sa kanya hanggang sa makarating kami sa library. Oh? Ano namang gagawin namin dito? Pati pagpasok ng library ay hawak niya pa rin ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa isang vacant table. This time binitawan na niya ako.


"Hoy! Ang weirdo mo. Bakit mo ba ako dito dinala?" Tanong ko.


"E, gusto ko kasing may kasama sa pagbabasa." Natatawa pa siya habang sinasabi iyon. Napaupo naman ako sa sinabi niya. Jusko! Akala ko importante ang paghila niya sa akin dito pero nagpapasama lang pala sa pagbasa.


"Sa totoo, trip ba 'to?" Napapabuntong hininga kong tanong. Bigla naman siyang nagpeace sign.


"Peace tayo okay? Heheh!" Pabulong niyang sabi.

"Naku! Mabuti nalang talaga at wala kaming guro ngayon tsaka wala akong ginagawa." Sagot ko. Nagsorry naman siya sa akin. Hindi ko alam kung sincere ba 'yun dahil natatawa siya habang humihingi ng pasensya. Tumayo na muna siya at inaya akong kumuha ng librong babasahin. Umiling nalang ako dahil hindi ko feel magbasa ngayon. Baka natatamad lang ako. Kaya siya nalang!


Pagkabalik niya ay dalawang libro ang kinuha niya, isang makapal na libro at isang story book na manipis. Seriously, kakayanin niyang basahin ang gano'n kakapal na libro? O baka naman kunwari lang yun na magbabasa siya pero ang babasahin lang naman ay yung story book. Naku! Naku! Alam ko 'yan. Ganyan din yung iba. Minsan nga may pumunta lang dito sa library para matulog. Itatakip lang yung libro sa may ulo 'di kaya sa mukha para magnap. Hahaha!



"Gusto mo magbasa nito?" Nakangiti niyang tanong habang nakalahad sa harapan ko yung librong makapal.


"Nah! Ikaw na magbasa niyan." Pagtatanggi ko. Tinawanan niya lang naman ako ng marahan at umupo na siya sabay buklat sa story book na hawak hawak niya. Habang busy siya sa pagbabasa ay kinuha ko na muna ang headset kong nasa bulsa ko lang. Mabuti nalang pala at nailagay ko 'to sa bulsa ko. Kahit papa'no hindi ako mababagot dito. Sekreto kong kinuha ang cellphone ko, nilagay ko sa ilalim ng table ang kamay ko kung saan hawak ko do'n ang cellphone ko. Kinuha ko muna ang makapal na librong nasa gilid ni shine. Natigil siya sa pagbabasa at tinignan ako.


"Pahiram muna." Pabulong kong sabi. Tumango-tango naman siya at muling bumalik sa pagbabasa. Samantalang ako binuklat ko na yung libro at kunwaring nagbabasa pero sa totoo hindi talaga. Kung sakali kasing makita kami ng librarian, hindi ako masisita. Bwahaha! Pasekreto kong nilagay ang headset ko sa tenga at plinay na yung music na napili ko.

The Blackmailer Gangster (Snail Update)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon