UNEDITED CHAPTER.....
________________________________________________________
TBG 43 : Family dinner
Lead's POV
Sabay sabay kaming papunta ngayon sa classroom pero nang maisip kong may kailangan pala akong kunin sa locker ko ay bigla akong napahinto at pinauna nalang silang pumasok. Paparating na ako ngayon sa locker ko. Tss! Bakit ba kasi naiwan iwan ko ang notebook ko sa history. Tsk! Pagkabukas ko sa locker ko ay bigla akong nakakita ng maliit na papel. Ano naman kayang pakulo 'to? Kinuha ko ito at tinignan kung ano ang nakasulat.
Sign that you're inlove:
Hindi ka makatulog ng maayos sa kakaisip sa kanya.
~unknown.
Pinunit ko naman kaagad ito at tinapon sa malapit na basurahan. Porket pumasok sa isip ko ang babaeng 'yun inlove na ako? Malaking katatawanan iyon. Tss! Hinanap ko nalang sa locker ko ang notebook ko sa history at maya lang ay naglakad na uli ako patungo sa silid-aralan namin.
Pagkarating na pagkarating ko ay nandun na kaagad ang guro namin. Ang bilis naman! Ang aga pa para magsimula siya sa klase niya.
"You're early Mr. Tyson." Sarkastiko nitong sabi.
"Sorry!" Pilit na hinging paumanhin ko. Maaga naman talaga akong pumasok. Kung titignan natin masyadong maaga pa para magturo siya alas syete palang ng umaga. Masyado siyang excited. Tss! Tinahak ko nalang tuloy kung 'san ako nakaupo at tahimik na nakinig sa pagtuturo ng aming guro. Masyadong boring. Hindi paimagkakaila ng mga kaklase ko na kapag minsan nakakaantok talaga ang pagtuturo niya. Pinilit ko nalang makinig kahit lumalabas naman sa kaliwa kong tenga ang mga pinagsasasabi niya.
~*
Hindi nga lang talaga matagal ang oras dahil recess time na naman namin ngayon. Balak ko na sanang umalis nang harangan ako ni krystal. What the hell is she want?
"Lead, I just want to remember you na may family dinner tayo mamaya. Bye!" WTF?? Lakumpake kung may family dinner sila. May family naman siya kaya bakit hindi nalang sila ang magdinner huwag nila kaming idamay. Tsk!
"Naks! Ibang-iba ka talaga pre." Sabi ni neon at tinapik tapik pa ang balikat ko.
"Baliw!" Nasabi ko nalang na tinawanan nila.
Habang tinatahak namin ang daan patungo sa canteen nang bigla naming nakasalubong si krypton. Nagkasalubong rin ang aminh mga tingin pero ako na mismo ang kusang umiwas.
"Lead, sandali..." Napahinto kaming lima kahit ako lang naman ang tinawag niya. Sinabihan pa ako ni neon na tinawag daw ako. Narinig ko yun dahil hindi naman ako bingi. Bakit inulit ulit pa niya? Sinabi naman ni antimony kung hindi ko raw ba lilingunin si krypton. Ano namang pake nila kung hindi ko lingunin ang babaeng 'yun? Magpapatuloy nalang ulit ako sa paglalakad nang mapansin kong nasa harapan na namin siya ngayon.
"Hoy! Sandali...." Iiba na sana ako ng direksiyon nang hawakan niya bigla ang kamay ko. At putsa dahil parang nakuryente ako sa ginawa niya. Kinabahan rin ako dun ha?
"What?" I coldy said nang hindi man lang nakatingin sa kanya.
"May kasalanan ba ako?" Tanong niya.
"Why don't you ask yourself if you have fault in me." Seryoso kong sagot at tinignan siya saglit pagkatapos ay tinalikuran ko n siya. Naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin nung apat. Nang makarating kami sa likod ng canteen ay inasar-asar pa ako ng gagu.
BINABASA MO ANG
The Blackmailer Gangster (Snail Update)
AdventureHighest Ranking #5 A story of a Blackmailer Gangster who fell inlove with an ordinary girl.
