43. Special Forces

775 21 2
                                    

"Hindi nila piniling mas malayo ang byahe nila. Kasi hindi naman nila alam kung nasaan tayo. Basta ang alam lang nila ay nasa East tayo." Sabi ni Andrei nang naghihintay na lang sila. Magkakasama na silang lahat.

"Pero may paraan ba tayo para makatakas sa posibleng pagbitag nila?" Tanong ni Jethro.

Dalawang sasakyan ang magkatabi. Nag-uusap usap sila sa labas ng sasakyan habang ang mga bihag ay nasa loob ng van. "Bawat isa sa atin ay may kakayahan. Ang pinakamabisang gagawin nilang pangbitag ay gumamit ng malalakas na sundalo kaya naisip kong may pag-asa tayo." Sabi ni Andrei. "Hindi ko sinasabing pabigat kayo sa grupo Tina at Luna pero kayo ang dapat targetin ang kaso hindi naman nila alam 'yun dahil hindi pa nila tayo kilala nang lubos."

Napalumbaba lang si Luna.

"Limang minuto na lang. Hintayin muna natin ang tawag." Sabi ni Steven.

Lumipas na nga ang sandali. Nakatanggap na ng tawag si Steven. "Hello, gusto kong makausap si Nao." Sabi ni Jill.

Lumapit si Steven sa bintana. "Ikaw ba si Nao?" Tanong ni Steven kay Nao. Madaling mahulaan kung sino si Nao.

Tumaas ang kilay ni Nao kaya tinanggal ni Steven ang masking tape sa bibig nito. "Hello." Bungad ni Nao.

"Sinaktan ka ba nila?" Tanong ni Jill.

"Hindi. Kasama ko si Commander Luaissa."

"Sige, paki balik na ang telepono sa kaniya. Huwag ka nang matakot, Nao. Ligtas ka na."

Ibinalik ang telepono. "Ano ang kailangan naming gawin?" Tanong ni Steven.

-

Ngayon ay nasa tulay na sila. Konti na lang ang sasakyan dahil madaling araw. Pumasok sila ng isang daan pang metro sa tulay. "Kailangan natin na sumunod." Sabi ni Andrei. "Gaya nga ng sabi ni Eagle. Propesyonal na negosasyon ito. Maaaring malaman ng kalaban ang husay natin pero hindi sila babali sa usapan." May napansin silang sasakyan na malaki sa 'di kalayuan at nakita nila na bumaba si Dionne. Wala ito ni anumang bagay na nakakabit. "Kalagin niyo ang tali sa dalawang bihag." Utos ni Andrei. Naisip niyang para patas ang laban.

Tumawag uli si Jill. "Hello. Andito na kami nakikita niyo naman. Ilabas niyo na ang bihag."

Nilabas nila at sinimulan ng palakarin gaya ng utos ni Jill. Napansin nila na naglalakad si Dionne. Hanggang sa magsalubong ang tatlo. Nakatingin lang si Nao sa mukha ni Dionne pero hindi na tinapunan pa ng tingin ni Dionne ang dalawa. Hanggang sa madaling nakalapit si Dionne sa grupo. Nakatingin si Kelvin sa mukha ni Dionne habang papalapit ito. "Mabuti at tumupad kayo." Seryosong sabi ni Dionne ng lumampas ito kay Kelvin.

"Sinaktan ka ba nila? Binastos o ano?" Tanong ni Kelvin.

"Umalis na tayo. Pag-usapan na lang natin sa tahimik na lugar ang lahat. Wala silang ginawa sa'kin dahil sila ang batas. Kahit masasama sila, pera lang ang kailangan nila. Hindi nila ako pwedeng tapusin kaya hindi sila pwedeng masira sa madla ni kahit anong chismis."

Sumakay si Dionne sa kotse. Wala nang nagawa ang lahat kundi sumakay na. Nakahinga ng maluwag ang bawat isa. Umandar ang kotse. Doon sumakay si Steven at Kelvin. Kasama nila si Andrei na nagmamaneho. "Mabuti at hindi sila kumilos ng masama." Sabi ni Kelvin.

"Hindi nila gagawin 'yun." Sabi ni Dionne. "Ang mga katulad nila ay may isang salita. May nalaman akong sikreto pero mamaya ko na sasabihin."

Pumikit si Dionne habang umaandar ang sasakyan. Naisip nilang hayaan na dahil alam nilang hindi ito nakatulog ng maigi. Tatlong oras pa ang lumipas at naramdaman ni Dionne na tumigil na ang kotse. "Andito na tayo." Sabi ni Kelvin nang mapansin niyang nakadilat si Dionne. Pumasok sila sa loob ng inuupahan nila.

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon