17. Save The Country

1K 39 2
                                    

Nakausap naman ni Dionne ang ama niyang si Damien. "Wala ka sa wanted list dahil walang nagreklamo sa'yo. Ang mga pinatay mo ay mga dating mga kriminal din kaya pwede kang maabswelto." Sabi ni Damien sa anak.

"Daddy, hindi ako susuko, may plano kaming gagawin. Alam kong alam mo 'yun."

Natigilan si Damien bago mag salita. "Sakit ako sa ulo kaya mas gusto kong ipaubaya na ang sarili ko kay Steven."

"Dad, hindi kita hahayaan na patayin ni Steven.. kukumbinsihin ko siya, mabait na tao si Steven at tingin ko'y pagbibigyan niya ako. Alam kong alam mo na posibleng paghihiganti ang dahilan kaya ka niya gustong patayin."

"Kung alam ko lang na magkakaganito ay sana hindi ko na sinabi sa'yo ang tungkol sa problema ko kay Don Chinchao. Hindi ko akalain na tutulungan mo ako. Sobrang mapanganib ang gagawin mo."

"Tapos na 'yan, Dad. Hindi na pwede pang baguhin ang isip ko!"

Natigilan na naman si Damien bago magsalita. "Nagmana ka sa Mommy mo. Naalala ko na naman siya."

"Dad, huwag mo nang ipaalala si Mommy sa'kin. Pareho lang tayong malulungkot. Ang importante ay nagbago ka na."

"Nagsisisi na ako sa lahat ng ginawa ko noon. Alam ko na kapag pinatay ako ni Steven ay hindi na ako maghihirap gaya ng mga pinatay niya noon. Isang baril lang sa ulo, pero nakahingi na ako ng tawad sa Diyos, bahala ka na Dionne, mag iingat ka."

"Hindi ka papatayin ni Steven pero for the meantime, mag ingat ka muna, baka totoo na triplet sila, kasama ko ngayon ang magkambal, baka isa ang sumalisi diyan. Baka aminin na nila na triplet sila kung totoo na triplet nga sila."

"Ipapaubaya ko na ang sarili ko kay Steven o kahit sa kapatid niya dahil napakalaki na ng atraso ko sa kanila."

Napaiyak si Dionne dahil natitiyak niyang totoo ang sinasabi ng Ama niya. Wala siyang masisi miski ang magkapatid. Binaba ni Dionne ang telepono. Nakasandal siya pader. Naramdaman niyang may dumating.

"Okay ka lang?" Tanong ng dumating.

"Pa'no ako magiging okay kung hindi mo pa binabawi ang misyon mong patayin ang Daddy ko?" Balik niya dito.

"Kung ayaw mong patayin ko ang Ama mo, mas mabuti pang patayin mo na ako. Hindi mo ako kayang ipahuli kaya 'yun na lang ang tangi mong pag asa."

"Hindi ko kaya, Steven. Marami pang kaso ang hindi ko pa nalulutas. Hindi kita ipapahuli para matulungan mo ako."

"Kung gusto mo, sumuko ka na muna, magkita kita na lang tayo pag tapos ng anim na buwan. Alamin mo ang lahat para makalaya at makakilos ng maayos."

"Hindi ako papayag. Gaano ba ako nakakatiyak na magpapakita kayo sa'kin pagtapos ng anim na buwan? Walang katiyakan ang lahat at baka tapusin mo ang misyon. Hindi ko kayo gustong kalabanin dahil malaki ang maitutulong niyo pero mas lalong ayoko din na patayin niyo ang ama ko."

"Tiwala lang Dionne, sapat na pagkatiwalaan mo kami. Maraming bantay ang ama mo kaya kung sakali na gawin namin 'yun ay mahihirapan parin kami. Isa pa, pwede mo siyang protektahan kaya sana huwag kang mangamba."

"Ayokong mawala ka sa paningin ko ngayong nakita na kita." Tumingin si Dionne sa mukha ni Steven at naalala ang sinabi ng ama niya na magpapaubaya dito kaya natakot siyang pakawalan ito. Malaki ang pag-asa na magtagumpay itong patayin ang ama niya.

-

Ngayon ay magkakasama silang lahat para pag-usapan ang susunod na gagawin dahil naudlot ang plano nila dahil kay Andrei.

"Marami akong nabasa tungkol sa nakaraan. Mga kasaysayan sa mundo na pwedeng maulit dahil sa kasamaan ng mga tao." Sabi ni Dionne sa kanila. "Napag-iiwanan ang bansa natin dahil lahat ng namumuno ay makasarili. Puro sariling interes lang ang gusto. Ang mga kagamitan natin ay halos kapareho ng kagamitan ng bansang America 40 years ago. Sobrang nahuhuli na tayo dahil lahat ng kinikita ng bansa ay hindi napapakinabangan sa tamang paraan."

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon