99. Nakakatakot Na Lakas

327 11 8
                                    

"Kelvin! Kelvin!" Bulong ni Dionne. Dumilat si Kelvin.

"Si-sino ka?"

"Si Dionne 'to."

Napahawak si Kelvin sa braso niya. "Ikaw?"

"Oo ako nga."

Tumingin sa paligid si Dionne. Napansin niya kung sino ang mga nakapaligid sa kaniya.

"SINO ANG NAKIALAM?!" Dinig niyang sigaw ng malaking lalake na sinuntok niya.

Napansin niya ang ilang sundalo at napansin niya si Eagle na duguan na nakadapa. Nakita niya na nakadapa din si Jessica at nakaposas, nakatingin din ito sa kaniya. Nilibot pa niya ng tingin ang paligid at napansin niya si Andrei na may sundalo na nakadagan dito. Napansin din niya na hindi gaanong malala ang kalagayan ng dalawa maliban kay Eagle at Kelvin. Nagulat siya sa nakita niya. Nakita niya si Abdul. Napansin niya din na nakatingin sa kaniya si Karen at ang kasama nito sa ikalawang palapag.

"SINO KA NAMAN?" Tanong ni Gareth kay Dionne.

Lumakad siya at binaba si Kelvin sa isang sulok. Nakatingin parin sa kaniya ang lahat.

"Isang Rocketman na nakialam sa atin? Hindi ako makapaniwala." Umiiling na sabi ni Alyana.

Tinanggal ni Dionne ang helmet niya matapos niyang ibaba si Kelvin. Nagulat si Andrei at Jessica kasi namukhaan nila si Dionne maliban kay Abdul.

"Dionne, ikaw ba 'yan?" Tanong ni Jessica. "Salamat at niligtas mo si Kelvin. Hindi ako makapaniwala na dito ka didiretso."

"Dionne, ikaw nga!" Sabi ni Kelvin. "Ano ang nangyari sa mahaba mong buhok?"

Gulat na gulat si Abdul ng marinig ang pangalan ni Dionne. "Mahabang kwento. Tinatawagan ko kayo ayaw niyong sagutin kaya tinunton ko kayo dito. May radar ako." Sagot ni Dionne. Lumapit siya kay Eagle at tinignan ang sugat nito. Hiniga niya ito at tinignan kung may pulso pa. "Buhay pa siya." Sabi nito.

Kinuha niya sa bulsa niya ang isang maliit na bote at nilagyan ng gamot ang sugat ni Eagle. Kinarga niya ito at itinabi kay Kelvin. Nilagyan din niya ng gamot ang ulo ni Kelvin. "Mabuti at pinabaunan ako ni Ginang Aba ng mabisang gamot sa kahit anong sugat."

"Hoy ikaw!" Napatingin si Dionne kay Gareth. "Gusto mo bang mapasama sa kanila?"

Nakatingin si Karen kay Dionne. "Siya nga si Dionne Parker." Sabi nito. "Hindi ko alam kung makakatulong siya pero mas maigi din na dumating siya."

"Pero iba ang itsura niya sa litrato." Sabi ni Agatha.

"Maaaring nagpagupit siya."

"Pero katapusan na nila."

"Tignan natin. Sa tingin ko'y magkasing lakas sila ni Andrei kaya may pag-asa na may maitakas siya sa mga kasama niya."

"Mahihirapan siya kay Lady Alyana."

"Kailangang malaman niya agad ang tungkol sa Void."

Napatingin si Agatha kay Karen. "Hindi pwede."

Umiling lang si Karen.

Tumingin si Dionne sa gawi kung nasaan si Abdul kaya medyo nasorpresa siya. "Isa pala siyang babae na may maiksi na buhok." Sabi ni Alyana. "Sa totoo lang mas nasisiyahan akong parusahan ang kapwa ko babae."

Biglang lumapit si Dionne sa gawi ni Andrei nang nakapabilis kaya nabigla ang lahat. Sinipa niya pakanan ang sundalo na nakadagan dito kaya agad umalis sa pagkakadagan. Tumalon ito palayo. Sinenyasan agad ni Dionne si Andrei na magpunta sa gawi ni Kelvin.

"Mabilis siya." Komento ni Alyana.

"Para lang siyang pusang pumasok sa kulungan ng mga tigre." Sabi ni Gareth. "Alam mo na ang gagawin."

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon