101. Table Turned

346 8 1
                                    

"Mas malaya kang makakakilos kung wala ang suit." Sabi ni Knives habang hawak ang limang baraha at nakatingin sa naka-asul na padyama na si Dionne.

Tumingin si Dionne sa gawi ni Andrei. "Mag-ingat kayo." Paalala niya sa mga kasama niya.

Tumango lang si Andrei.

"Ngayon alam mo na." Sabi uli ni Knives kaya tumingin sa kaniya ang lahat. Nilabas niya ang sampu pang baraha. "May natitira pa akong Quads dito at isang Full House--"

"At Royal Flush!" Dugtong ni Dionne.

"Ang galing mo." Ngumiti si Knives. "Pero ayon sa itsura nating dalawa, malalaman kung sino ang dehado."

Pinakita niya ang limang baraha sa kanan at sa kaliwa ay naglabas din siya ng lima. "Siguraduhin mo na tatama 'yan. Pasalamat ka pa nga pinagbigyan kita. Pero kung hindi kakayanin niyan na madampian ako, tapos ka na."

"Sige salamat kung ganon." Humakbang si Knives.

"Dionne, mag-ingat ka." Paalala naman ni Andrei.

"Huwag mo akong alalahanin, Andrei. Ang isipin mo kung paano kayo makakaligtas. Kasama mo ako na tutulong sa'yo pero hindi mo ako matutulungan."

Nagkibit balikat lang si Andrei. "Magtiwala ka lang." Bulong ni Kelvin. "Alam ko naman na napansin mo ang dahilan kaya hinubad niya ang suit."

"Tama ka pero mukhang kampante pa itong kalaban niya." Sabat ni Jessica.

"Oo nga pero dapat tinapos na siya ni Dionne kung talagang kaya niya." Tumingin si Andrei kay Eagle na walang malay.

"Basta, hintayin na lang natin."

"HUMANDA KA!" Dinig nilang sigaw ni Knives. Nanatiling kampante si Dionne na napansin naman ng lahat. Pero desidido si Knives. "Ten Cards Assult!"

Hinagis ni Knives ang sampung baraha nang sabay sabay. Nakahanda ang lahat. Papalapit na ang sampung matutulis na baraha. Nakatingin lang ang lahat at nakahanda pero lumampas lang lahat kay Dionne ang baraha at tumusok lahat sa bato. Sa lakas ng pagtusok ay sumabog bahagya ang mga bato.

Nagulat ang lahat. Nakatingin lang nang seryoso si Dionne kay Knives. Nainis ang itsura nito.

"A-anong nangyari? Bakit walang tumama sa kaniya?" Tanong ni Agatha.

"Inilagan lang niya ang mga ito!" Galit na tugon ni Karen.

"Ano?"

"Halos hindi na nakita ang paglihis niya ng katawan sa sobrang bilis."

Gulat na gulat si Agatha.

Tumingin si Dionne kay Andrei. "Basta mag-ingat kayo. Sa susunod na atake niya ay mas malakas."

"Si-sige." Sagot ni Andrei.

"Anong nangyari? Bakit parang dinaanan lang siya?" Tanong ni Jessica.

"Inilagan niya ang lahat." Sagot ni Kelvin.

Namangha si Jessica sa narinig.

"Knives!" Sigaw ng isa. Lumingon siya dito. "Inaaksaya mo ba ang oras? Bakit ayaw mo pa kaming tumulong?"

"Diyan lang kayo, may natitira pa akong baraha." Sagot nito.

"Bilisan mo. Hindi tayo naglalaro dito."

Tumingin si Knives kay Dionne. "Isa na lang ang pag-asa ko." Nilabas niya ang natitirang baraha. Double Straight Flush ito. Kapag ito pa ay nalampasan mo, susuko na ako dahil wala na akong kayang gawin pa."

Ngumiti si Dionne. "Bahala ka."

Humanda si Knives. Nakaupo lang si Alyana at takot na takot habang nakatingin kay Dionne.

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon