Season 3; Abdul (Green Island Arc)
Dumilat si Dionne. Isang bata ang bumungad sa kaniya. Matangkad ito pero alam niyang sobrang bata pa nito. "Gising ka na pala." Sabi nito.
"Ano ang.." Tumingin si Dionne sa paligid. Napansin niyang nasa makalumang istilo siyang kahoy na bahay. "Ano ang ginagawa ko dito?"
"Nakita ka namin na nakahiga sa 'di kalayuan dito kaya sinama ka namin para iligtas. Mukhang nanggaling ka sa isang laban dahil may galos ka."
Napansin din niyang ginamot nga siya. May tagpi pa ang bawat sugat sa katawan niya. At may bigkis ang tiyan niya. Takang taka siya. Magtatanong sana siya pero may dumating na isang malaking lalaki. Tinignan niya ang mukha nito. "Gising ka na nga." Napansin niya ang tangkad nito. Sa tingin niya ay nasa pitong talampakan ito at may kalakihan ang katawan. Naalala niya si Keith dahil matangkad din ito at may katawan na parang magkatulad sila. "Tatanungin muna kita." Sabi uli ng lalaki. Umupo ang lalaki sa harap niya. Kasama nito ang batang babae na kamukha nito. "Saan ka galing? Paano ka napadpad dito?"
"Hi-hindi ko nga din alam." Nakatingin lang sa kaniya ang dalawa. "Ang pagkakaalam ko'y nakipag-laban ako. Natalo, at may kumuha sa'kin. Pagkatapos nun ay wala na akong alam."
"Sino ang nakalaban mo?"
"May kilala ka bang Karen Wong."
Kita sa reaksyon ng mata ng lalaki na kilala niya si Karen Wong. "Oo kilala ko siya. Ano ba ang pangalan mo?"
"Dahil sa tulong niyo, halatang mababait naman kayo. Sasabihin ko ang pangalan ko.. ako si Dionne Parker."
"Ako naman si Kaled.." Pakilala ng lalaki at tumingin sa batang babae. "Siya si Sono. Kapatid ko siya."
Nagtaka si Dionne sa pagkakaiba ng pangalan nila. "Salamat sa inyo. May kilala ba kayong Kevin? Siya ang kumuha sa'kin matapos kong matalo kay Karen. Baka tinapon niya ako pero hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari."
"Kevin? Magkakilala ba sila ni Karen?"
"Halatang magkakilala sila kasi pwersahan niya akong inagaw kay Karen. Saglit pa silang nag-usap at naglaban."
"Talaga?" Nagkatitigan sila. "Si Kevin ay isang Army. Guardian Commander siya at isa sa Special Forces. Ano naman ang naging dahilan niya kung bakit ka niya kinuha at dinala dito?"
"Hindi ko din alam." Nanlalambot lang si Dionne. Ang buong akala niya ay nakakulong na siya.
"Ano ba ang kasalanan mo?"
"Wala naman. Nanggaling ako sa bansang Pilipinas." Nagdadalawang isip si Dionne kung sasabihin ba niya ang totoo.
"Bansang Pilipinas."
"Oo. Maliit na isla na nakahiwalay sa mga bansa at kabilang sa Asya."
"Alam ko 'yun." Tumingin lang si Dionne sa lalaki. "Tingin ko'y isa kang kriminal." Hindi maitanggi ito ni Dionne dahil nakalaban niya si Karen. "Hindi ko naman kayo hinuhusgahan. Madaling husgahan ang katulad mo pero base sa pananalita mo ay hindi ka naman talaga masama. Nakakapagtaka lang. Ano ba talaga ang atraso mo? Si Kevin ay isang masamang Army dahil protektado niya ang masamang Guardian."
"Gusto kong, ilihim sa'yo. Hindi pa kasi kita kilala. Pero mabuti akong tao. Napagkamalan lang kaming kriminal."
"Bakit nga? Sige, sabihin mo.. makikinig ako. Hindi ako masamang tao. Magtiwala ka."
Nakahinga ng maluwag si Dionne. "Gusto ko sanang intindihin mo ang sasabihin ko sa'yo."
"Sige."
"Ang bansa namin ay isang mahirap na bansa. Walang sariling gamit at nanghihiram o bumibili lang sa ibang bansa ng ilang instrumento para lang makasabay. Kaya ang mga negosyante sa ibang bansa ay kumikita sa'min. Mahal ang bilihin. Isa pa, hindi namin kayang gumawa ng droga na naimbento pa sa ibang bansa." Tumingin ng diretso si Dionne kay Kaled. "Pati ang ilegal na droga ay nakakapasok sa bansa namin. Gusto kong maitigil ito dahil sunod sunod na ang krimen sa'min taon taon na parami ng parami. Hindi kaya ng gobyerno namin na supilin ang droga dahil ang karamihan sa kanila ay sakim. Sarili lang ang iniisip kaya mabayaran lang sila ng malaki ay nakakapasok na ang droga. Hinanap namin ang pinagmumulan nito para sirain pero hindi kami nagwagi. Napagkamalan kaming kriminal dahil gusto naming patayin si Vince na alam naming pumoprotekta sa sindikato ng droga sa mundo. Isa siyang Guardian ng world government. Kaya nang makilala niya kami, hindi maiwasan na maging kriminal na kami."
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
ActionMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.