92. Ang Pagsasanay

394 8 7
                                    

Naglalakad si Dionne kasama ang mga tagapag-silbi ng palasyo at ibang sundalo. Isang bayan na maraming tao ang nilalakaran nila. Nagbibigay pugay ang lahat ng tao na makakita sa kanya. Nalaman ng lahat ng tao sa bansa na siya ang hinalal ng hari para maging pinuno. Kilala din siya sa buong bansa. Tingnan ni Dionne ang buong paligid hanggang makarating sila sa pinakadulo ng malaking isla. "Ito na po ang pinakadulo."

"Ang rocket." Utos niya.

Ibinigay agad ang rocket sa kanya at lumipad pagkatapos isuot ito. Nakatingin sa kanya ang hukbo na kasama niya habang papaakyat siya sa itaas. Hanggang marating niya ang isang libong talampakan ang taas. Nakita niya ang kaunting bundok sa kabuuan ng isla. Muli siyang bumaba.

"Kakaiba pala ang hugis ng isla na ito." Sabi niya at tumingin sa mapa. "Saan ba galing ang mapa na ito?"

Sumagot ang isa. "Pinadala 'yan dito ng world government."

"Wala pala kayong sariling mapa?"

"Walang kakayahan ang bansa na ito para tignan ang buong isla kaya inasa na lang sa iba ang pagpapagawa ng mapa."

Nag-isip si Dionne. "Naniniwala kayo na tama ang mapa na ito na nakalagay mismo sa mapa ng buong mundo?"

"Wala naman pong dahilan para baguhin nila ang hugis."

"Pero iba ang hugis na nakita ko."

"Paano niyo po nasabi?"

"Ang kaharian ay nasa dulo din. Kaya madali itong nasakop. Pero may nakaharang na malaking bundok bago tayo makarating dito kaya imposibleng makita ang perpektong hugis. May palagay akong wala pang dumadaan na eroplano dito o tignan sa mataas na himpapawid ang eksaktong sukat. Tinantya lang nila ang laki sa pamamagitan ng pagsukat sa lupa o layo ng bawat lugar. Sa tingin ko'y hindi nabigyan ng malaking pondo ang lugar na ito para sa mapa kaya tayo na ang magbibigay ng halaga para malaman ang tunay na hugis ng isla."

"Iibahin niyo ang mapa?"

"Malaking tulong kung malapit sa katotohanan ang sukat ng isla dahil nasa plano ko ang pagpapapasok ng maraming turista dito."

Tumango lang ang lahat hanggang makabalik sila sa kaharian. Buong araw niyang nilibot ang isla. "Kamusta na?" Tanong sa kaniya ni Demetri.

"Pinag-aralan ko ang ibang magagandang lugar. Medyo maraming rehabilitasyon ang magaganap kung ako ang manunungkulan. Sa ngayon ay unahin natin ang mapa ng isla."

"Huwag muna natin gawin 'yan."

"Bakit?"

"Unahin natin ang ensayo mo. Hindi ko pa natuturo ng ilang istilo. Kailangan mong mabihasa sa Sacred dahil hindi na kailangang patagalin pa ang misyon mo. Hindi pwedeng ang kakayahan mo lang ang dadalhin mo dahil masasayang ang kapasidad ng espiritu."

"Tama ka, Lolo. Pero ano ang masasabi mo sa plano ko sa mapa."

"Matagal ko nang alam na mali ang mapa pero eksakto ang dami ng lugar kaya hindi ko muna ito inalala. Pero kung gusto mong baguhin, ikaw ang bahala."

"Hindi tama ang hugis. Magkakaroblema ang bansa kung may mga dayuhan na susuri nito. Kailangan ay bago pa natin buksan ito sa mga tao ay wala na silang masisilip pa."

"Hindi ako nagkamali sa'yo."

"Lahat naman maiisip 'yan."

"Alam ko pero hindi ko inaasahan na ganito. Hindi ako panatag na unahin ang panunungkulan mo hangga't alam kong may dapat kang unahin. Mas panatag ako kung alam kong wala ka nang problema. Sa ngayon magpapatuloy tayo sa nasimulan ko."

"Kung 'yan ang gusto mo."

"Pero natutuwa ako't habang nagpapahinga ka ay hindi ka nag-aksaya ng oras. Pwede na tayong magsimula bukas."

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon