Narinig nila ang sinabi ng bihag. Ngumiti lang si Dionne. "Wala kaming pakialam. Pakay namin ay patayin si Don Chinchao na pinoprotektahan ni Vince. Papasabugin namin ang pinakamalaking laboratoryo ng droga sa mundo!"
Nagulat ang dalawa. "Kasinungalingan 'yan! Nasa wanted list si Don Chinchao pero kung siya ang may ari ng pinakamalaking laboratoryo ng droga sa mundo, bakit hanggang ngayon ay hindi siya hinuhuli ni Vince?"
"Tsk! Wala kayong alam." Sabi ni Andrei. "Kaya may alam kami ay dahil ang bansa namin ang pangunahing target ng droga sa mundo. Wala nga kaming makukuhang impormasyon dahil bulag pala kayo."
"Sundalo ako!" Sabi ng pinuno. "Hindi ko layunin na protektahan ang masama!"
Nagkatinginan si Kelvin at Dionne. "Dionne, mukhang magkakaproblema." Sabi ni Kelvin. "Hindi maniniwala sa'tin ang mga 'to. Pero mabuti pala ang loob nila. Kaya kailangang ipamukha sa kanila ang totoo." Tumingin si Kelvin sa lalaki. "Pwede natin siyang magamit oras na mapaniwala natin sila na mabubuti tayo!"
"Hindi ako naniniwala sa inyo! Mabuting sundalo si Vince. May ugali lang siyang mayabang at mapagmataas. Pero protektado niya ang bansa na ito sa masasama. Kaya kahit nagtatago dito ang maraming kriminal, walang malaking krimen ang nangyayari dahil takot sila kay Vince. Layunin namin ang kapayapaan."
"Pero paano kung totoo ang sinasabi namin na protektado ni Vince ang pinakamalaking laboratoryo ng droga? Ano ang gagawin niyo?" Tanong ni Dionne.
"Hindi totoo 'yan!"
"Wala kayong alam. Kaya hindi hinuhuli si Chinchao ay dahil kay Vince. Sobra ang laki ng pera na nakukuha niya kay Chinchao. Ngayong may nalaman kaming isa sa bagong droga na kakalat sa mundo, isa ang bansa namin sa makakatikim nun. May malasakit kami sa kapwa. Hindi namin hahayaan na mapahamak ang bansa namin kaya bago namin wasakin ang laboratoryo, kailangan naming patayin si Vince. Wala na kaming pakialam kung maging most wanted kami. Ang mahalaga, nailigtas namin ang matagal nang naghihirap na bansa namin dahil sa droga." Pahayag ni Dionne pero itsurang hindi makapaniwala ang bihag.
"Wala kayong katibayan!"
"Meron!" Nagsalita si Eagle. "Dati akong US navy. Binihag kami ni Vince. Ginawa kaming isa sa tagatikim ng droga. Nakatakas lang ako dahil ang bagong droga ay nakakapagpahusay sa tao kung may karga ka. Pag wala, mababaliw ka dahil sa lakas ng tama. Napag-aralan kong kontrahin ang droga kaya nang ipatikim sa mga bihag ang droga na 'yun. Nagkaroon sila ng plano na pinakamaganda. Dahil biglang nawala ang tama ng droga sa kalagitnaan ng pagtakas namin, naduwag at umatras sila pero dahil nasa akin na ang plano at wala kong tama ng droga, nagawa kong makatakas. Ngayon, alam ko na ang dahilan kaya nahuli kami. Dahil sa'yo!" Tinuro ni Eagle ang bihag. "May natatandaan ka bang barko ng Navy galing sa US? Nalaman niyong hinahanap namin ang laboratoryo pero hindi namin alam na nasa West pala ito. Kaya binihag niyo kami. Tama ba? Andoon ka ng mga oras na 'yun pero hindi sa inyo sinabi ni Vince ang dahilan at hindi niyo din alam na binihag kami 'di ba? Hindi mo ako namumukhaan?" Hinawakan ni Eagle ang kwelyo ng lalaki. "Kasalanan mo kung bakit kami binihag. Nagpapagamit ka kay Vince." Sasapakin niya ito pero inawat siya.
"Eagle! Huwag mo siyang saktan!" Awat ni Andrei. "May plano na tayo ngayon."
Tumahimik ang lahat. Kaya nagsalita ang pinuno. "Kahit ano pang gawin niyo, nasa panganib na kayo."
"Kaya papatayin na lang namin kayo!" Sabi ni Dionne.
"Hindi natin sila dapat patayin." Sabi ni Andrei. "Oras na magising sila sa katotohanan na may mali sa nangyayari--"
"WALANG MALI!" Pasigaw ng pinuno. "Ilang taon na akong nagsisilbi kay Vince. Saksi ako kung paano siya makipag-digma sa mga terorista. Hinding hindi ako bibitaw sa tungkulin ko para maniwala sa inyo!"
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
ActionMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.