58. Ang Pagiging Alipin

648 18 8
                                    

Seryoso lang uli na nakatingin si Hagad kay Dionne nang dalawin niya ito kinabukasan. Wala parin itong malay.

"Aalis tayo at magtatrabaho." Sabi ni Hagad. "Pero oras na gumising si Binibining Dionne, sasama ako sa kaniya para ibuwis ang buhay ko."

"Wala naman tayong magagawa diyan." Sabi naman ni Demetri. "Kung papatay si Abdul ng maraming kalahi natin, ganun parin naman ang mangyayari."

"Natakot ang iba." Sagot ni Hagad. "Pero ang iba ay gusto nang mamatay lalo na ang mga dilag na nagagahasa."

Sumagot si Kaled na kasama din nila. "Wala nang silbi ang buhay nating lahat. Sasama ako sa inyo. Kahit konti lang ang pag-asa, ang mahalaga'y hindi nasayang ang buhay natin kung mamamatay tayo ng hindi lumalaban." Seryoso lang na nakatingin si Demetri kay Kaled. "Lolo, naniniwala akong hindi tayo pababayaan ng Diyos. Nararamdaman kong hindi mapupunta sa wala ang pinagpaguran natin sa bayang ito. Oo, noon akala ko'y wala na tayong pag-asa. Pero dahil kay Sono at sa araw araw niyang pagdadasal ay nagising ako sa katotohanan na hindi pwedeng maging ganito tayo habang buhay."

Hinawakan ni Demetri sa balikat si Kaled. "Lalaban ako. Makakatulong ako kahit papaano. Himukin natin na lumaban ang lahat. Kailangan lang na ibuwis ang buhay para sa pag-asa."

Ilang oras ang lumipas. Wala pang malay si Dionne. Binabantayan siya ni Sono. "Ate, gumising ka na." Sabi ni Sono habang nasa tabi niya si Dionne.

"Bumubuti na ang lagay niya. Hindi na siya gaanong maputla ngayon. Maayos na din ang paghinga niya." Sabi ni Demetri. Sila lang ang tao sa bahay na iyon dahil nasa trabaho na si Kaled.

"Gigising na po ba siya, Lolo?"

"Oo, ano mang oras. Kaya ihanda mo ang kailangan niya. Prutas at sabaw ng dahon. Siguradong gutom siya dahil kahapon pa siya hindi kumakain."

"Oo nga Lolo, pumayat siya."

"Pero babalik agad siya sa dati sa loob lang ng isang Linggo kung gigising siya mamaya."

"Sana nga. Hangga't nabubuhay si Ate Dionne, hindi ko siya iiwan."

"Napansin kong hindi kasi siya madalas uminom ng tubig at kumain ng katamtaman. Mahina siyang kumain. Nararamdaman kong pinapahirapan siya ng sakit niya. Sana sa pag-dilat ng mata niya ay maging normal na ang pagkain niya."

"Sana makatulong ang dahon na gamot, Lolo."

"Oo, makakatulong talaga ito. Bitamina kasi ang dahon na 'yan. Pangparami ng dugo kung kulang ka sa dugo. Pero hindi ako siguradong babalik siya sa dati."

"Ipagdadasal ko siya Lolo."

-

Naglalakbay ang dalawa. Si Tina at Jethro. Isang disyerto ang nilalakaran nila. "Bilisan mo Tina, kailangan nating makarating sa kabilang bansa." Sabi ni Jethro kay Tina habang pagod na itong naglalakad.

"Bakit ba kasi kailangan nating dumaan dito? Pagod na pagod na ako."

"Para sigurado. Alam mo naman na wanted tayo."

"Paano tayo madedetect niyan?"

"I deactivated the device. Hindi tayo madedetect talaga. Kaya kailangan nating lumayo muna."

"Bakit ba kasi natatakot kang mahuli tayo? Sure ba tayong may nakahuli kay Andrei?"

"Malay mo. Oras na tama ang hinala ko.. Mahuhuli tayong lahat. Kaya alam kong nakadeactivate din ang iba. Kailangan lang na mabalitaan natin ang nangyari. Hayaan mo, kapag wala talagang balita, sasagap tayo ng signal." Walang magawa si Tina kundi maglakad at magbuhat ng gamit na nakulimbat nila sa lugar na inalisan.

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon