Tumatakbo si Jethro habang nakatingin sa paligid. Alam niya kung nasaan si Ursula kaya alam niyang doon pupunta si Diego. Malapit na siya sa Gatni ng biglang.. "Hindi ko ba ako titigilan?" Nakita niyang nasa likod na niya si Diego.
Agad siyang humarap pero biglang isang malakas na pag-atake ang ginawa nito. Mabilis itong lumapit sa kaniya at binigyan siya ng isang malakas na siko sa mukha. Isang sipa pababa pagkatapos kaya tumama ang likod niya sa lupa. Tumalbog ito at binagsakan pa ng isang sipa para hindi siya makabangon. Tinutukan siya nito ng baril. "Hindi ako mag-aaksaya ng panahon sa'yo pero sagabal ka." Binaril siya nito sa noo pero inilihis ni Jethro ang noo niya kaya sa gilid lang ito tumama. Nakatapak parin ang paa nito sa tiyan niya.
Biglang mabilis na umalis si Diego dahil nagpaputok ng baril si Jethro. Tumayo ito at humarap kay Diego. "Plano mo talaga akong tapusin ah." Sabi ni Jethro.
"Kung gusto mo akong tapusin magpapakita ako sa'yo. May kailangan lang akong unahin." Sabi ni Diego. Pero biglang umatake si Jethro. Nagsabayan sila ng pag-atake kaya nagkakapalitan sila ng suntok at sipa.
-
Nagpunta si Ursula sa likod ng bakuran kung saan hindi siya nakikita. Nakatingin siya sa isang sniper na nakaabang. Mataas ito kaya kailangang maging mabilis siya. Isang pagkakamali lang niya ay makakaalis na si Gaspar. Nag-ingay siya sa pamamagitan ng paghagis ng bato at nang malipat ang atensyon ng sniper ay binaril niya agad ito gamit ang maliit na baril na may silencer at mabilis na umakyat sa taas. Sinalo niya ang katawan nito para manatiling nakatayo. Unti unti niyang inusod ang lalaki at ginamit ang rifle. Sinilip niya ang paligid. Hindi nahalata ng ibang sniper ang nangyayari. Binaril niya ang katapat na sniper kaya nakabuo siya ng ingay. Wala nang dipensa dahil ang dalawa pang sniper ay nasa harap ng bakuran. Naglabasan ang mga bantay ng makarinig sila ng putok. Napansin nila ang isang walang malay na tao sa harapan nila. Nagsikalat ang mga ito. Hanggang sa isa-isa nang natumba ang mga bantay dahil sa putok. Lahat ng makita ni Ursula ay binabaril niya. Pumasok siya sa pintuan ng malaking mansyon. Sinalubong siya ng maraming bantay kaya nagtago siya nang may mga bala na sumalubong sa kaniya. Bigla siyang lumabas at ginamit ang dalawang baril. Tumalon siya sa taas habang bumabaril. Bumagsak ang mga bantay sa isikinita kaya dahan dahan siyang pumasok. May nakita siyang mga tao na itinaas ng mga ito ang kamay nila. "Walang gagalaw, nasaan si Gaspar?" Tanong niya.
"Nakalabas na ng masyon." Takot na takot na sabi ng isa.
Nagmadaling tumakbo si Ursula. May nakita siyang dalawang lalaking tumatakbo palabas. Alam niyang may sniper sa unahan ng bakuran kaya sa iba siya dumaan. Mabilis siyang tumakbo sa gilid. Binaril niya sa malayong distansya ang isang sniper at agad umakyat sa hagdanan. Binabaril siya ng isa pang sniper pero iniilagan niya ito hanggang makarating sa rifle kung saan wala nang malay ang sniper na binaril niya. Kinuha niya ang rifle at tumalon sa ibaba, habang nasa ere siya ay inasinta niya ang sniper at binaril gamit din ang rifle ng sniper. Tinamaan ito at inilipat niya ang teleskopyo sa dalawang taong tumatakbo. "Hindi niyo ako matatakasan." Sabi niya at agad bumagsak ang dalawa ng tamaan ng rifle. Malawak ang bakuran kaya hindi agad nagawang lumabas ng dalawang lalake na hinihinala niya na isa dito si Gaspar. Pero mali pala siya ng akala. "Nasaan si Gaspar?" Tanong niya sa isa.
"Hindi ko alam!" Hirap na tugon ng isa.
"Bubuhayin ko kayo kung ituturo niyo!"
"Nasa underground siya. Madali mo itong makikita dahil sundan mo lang ang hagdanan pababa. Ikaw na ang bahalang maghanap."
Biglang binaril ni Ursula ang isang lalake at binuhay ang lalaking nagturo kung nasaan si Gaspar. Agad niyang tinungo ang loob. May mga bantay na naman siyang nakita. Habang binabaril niya ang ilan ay may sumipa sa kaniya. Tinamaan siya sa mukha pero ginantihan niya agad ito ng baril. Nakailag ito. Lumapit ito sa kaniya at umatake. Inilagan niya ang bawat atake nito pero marami pang bantay kaya habang umiilag siya ay binabaril niya ang mga bantay sa paligid. Nang maubos ang bumabaril na bantay sa paligid ay agad niyang sinipa sa mukha ang lalake at pinaputukan agad hanggang mawalan siya ng bala. Duguan ang lalake na nakahilata sa daanan. "Aanhin niyo ang malaking sahod kung mapapatay lang kayo?" Sabi nito habang naglalakad at nagpapalit ng magazine. Tinahak niya ang daan pababa hanggang makita niya ang isang pintuan. Binuksan niya ito at agad na tinutok ang dalawa niyang baril sa loob. May nakita siyang apat na taong nakaupo. Ang tatlo ay biglang tumayo. Itinaas ng mga ito ang kamay nila. Ang isa naman ay kumpirmadong si Gaspar na. Nakaharap ito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
ActionMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.