Maluha-luha si Tina kasama ang mga babae. Nakaramdam ng lungkot si Dionne pero wala siyang magawa. Nakataas ang kamay nang lumapit sila.
"Nasaan na ang kasama niyo?" Tanong ng isang commander na naatasan ni Andrei para hulihin ang Steven na kasama nila.
"Naiwan na sa tinutuluyan namin, huwag niyo siyang papatayin dahil hindi siya pumapatay ng sundalo!" Sagot ni Dionne. "Pero kung gusto niyong mapalaban, patayin niyo siya."
"Dead or alive siyang kailangan ng gobyerno, kaya pwede namin siyang patayin."
"Pero bukod sa hindi niyo siya kayang patayin ay masusugatan pa ang ilang sundalo kaya kung ako sa inyo ay huwag na kayong mag-aksaya ng panahon."
"Wala nang iba pang pagkakataon kapag umatras kami."
"Isa siya sa makakatulong sa bansa natin. Ngayon kung gusto niyo parin siyang hulihin ay wala na akong magagawa pa. Nagpapagod lang kayo. Gulo lang ang hanap niyo."
"Dapat hinuli mo na si Steven. Abot kamay mo na siya. Paano kung patayin niya ang Ama mo?"
"Oo hindi ko siya masisisi kung mapatay niya ang Ama ko dahil naiintindihan ko siya. Masakit man sa'kin pero kailangan kong tanggapin. Ang magagawa ko lang ay pigilan siya pero hindi ko siya magagawang patayin o ipahuli dahil kailangan ko siya. Bulag kasi kayo at duwag. Mas gusto niyong kumita kaysa labanan ang totoong kaaway."
"Siya ang nag-iisang sakit ng ulo ng bansa natin. Kailangan mo siyang ipahuli, masama siyang tao. Kakaiba ka sa lahat ah. Nilalagay mo ang Ama mo sa panganib."
Sumabat si Tina. "Hindi masamang tao si Steven, hindi siya pumapatay ng kahit sino maliban sa mga taong may atraso sa kaniya. Malay niyo masasamang tao ang mga 'yun. Oo masama siya sa paningin ng mga tao pero tapos na ang misyon niya. Pinatay na niya ang mga gusto niyang patayin."
"Hindi na pwedeng baguhin ang utos!" Sabi ng Commander. Napansin ni Dionne ang dalawang nakatingin sa kaniya, mga bounty hunter na nakilala niya sa Japan na si Sakono at Hitachi na ngayon ay huhuli kay Steven. Nangangamba siya dahil nasa Ohayo ang grupo ni Andrei at andito rin ang malakas na grupo. Maya maya lang ay isa isa nang nag hanap ang mga sundalo kasama si Hitachi at Sakono. Dumaan pa ito sa harap niya at tumingin pa sa kaniya ang dalawa.
-
Nag simula na rin na maghanap ang grupo ni Andrei. Nakaabang lang si Steven. Biglang nakarinig na nang putok si Andrei at nagbagsakan ang mga sundalo sa unahan niya.
"Mauubusan din 'yan ang bala! Sige, palibutan niyo!" Utos ng isang namumunong sundalo. Walang mga tao at sarado lahat ng bahay.
Tumakbo si Andrei para habulin si Steven pero nasa likod na niya ito at tinawag siya. "Andrei!!"
Humarap siya, nasa unahan na ang ibang sumugod na sundalo. "Paano ka nakarating diyan?!" Tanong ni Andrei sabay tutok ng baril.
Binaril siya ni Andrei pero inilagan niya. Gumanti siya nang baril nang mahiga siya. Mabilis na nakatakbo si Steven pag tayo niya at nagtago sa isang haligi ng malaking bahay. Pinabalik ni Andrei ang mga sundalo pagkat wala sa unahan ang hinahanap nila. Naka abang si Andrei at ang ibang sundalo sa pinag tataguan ni Steven. Ayaw nilang umatake dahil baka mabaril sila. Mabilis kasi si Steven. Humahanap siya ng tyempo.
Pag tapos ay nakita nila si Steven na tumatalon sa mga bubong kaya binaril agad nila kaso hindi tinamaan. Sumenyas si Andrei na 'wag sumunod muna at sinundan niya si Steven sa lugar na tinutumbok nito. Pero nagulat siya dahil nasa likod na niya ito at dalawang kamay na bumaril.
Nakailag naman siya pero gumanti din siya ng putok. Kapwa sila mabilis at kayang umilag sa bala. Pero tumalon si Steven sa ibaba kaya hinabol siya ni Andrei. Nakita niya ito na tumatakbo pero nang barilin niya ay nasa gilid ito kaya hindi niya matamaan. Hinabol na lang uli niya ito. Maya maya pa ay nasa likod na naman niya si Steven. Binaril na naman niya pero mabilis na pumasok ito sa iskinita. Sinundan niya pero nasa likuran na naman niya. Nakita niya pa itong tumatakbo sa isa pang iskinita.
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
ActionMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.