4. Impersonator

1.9K 74 4
                                    

Naglalakad si Steven sa kahabaan ng syudad. Walang pwedeng makaalam na dito siya nagtatago kaya nagpanggap siyang mahina sa dalawang pulis na nakakita sa kaniya. Sinadya niyang magpunta sa lugar na walang mga bahay. Tanging nag-iisang hotel sa kalsada ang makikita mong gusali. Maliit na matutuluyan ng mga taong gustong magpalipas ng magdamag. Pero nasa loob na siya ng madiskubre niyang may dalawang pulis na tutuloy sa hotel. Nagulat siya
Pero nakita siya agad ng dalawa. "Ikaw?" Halos magkasabay pang bungad ng dalawa. Hindi siya makapagsalita.

"Taga saan ka ba bakit mag hohotel ka pa?" Tanong ni Tina. "Wala ka bang bahay?"

"Magpapahinga lang ako at aalis din ako bukas." Gulat na paliwanag ni Steven. "Pagminamalas nga naman."

"Anong minamalas? Kung wala kang kasalanan wala kang dapat itago. Hindi kaya asset ka ng isang kriminal?" Tanong ni Tina.

"Maniwala kayo, aksidente lang ang pagkikita natin."

"Ano ba ang ibig mong sabihin? Sino ka ba talaga?" Tanong ni Luna.

"Baka isipin niyong sinusundan ko kayo. Hindi ako asset. Wala akong plano sa inyong masama."

"Wala kaming sinasabing ganun ah." Sabi ni Tina at pinosasan agad si Steven.

"Paano niyo nasabi na asset ako? Huwag niyo nga akong posasan." Nataranta si Steven pero wala siyang magawa.

"Nakakapagtaka kasi, kung nasaan ka.. andun din kami." Sabi ni Luna.

"Kayo siguro ang sumusunod sa'kin."

Hinawakan ni Tina si Steven sa kwelyo at nilapit ang mukha nito sa kaniya. "Wag mo kaming binabaliktad ah, baka nakakalimutan mong mga pulis kami?"

"Sorry na po, hindi ko sinasadya, papasok na ko sa kwarto ko. Hindi ako si Steven at lalong hindi tayo pwedeng magsama-sama sa iisang kwarto lang."

"Teka lang, dito ka sa kwarto namin matutulog." Sabi ni Luna. Napatingin si Tina kay Luna. Nabigla si Steven.

"Bakit Luna?" Tanong ni Tina.

"Kinukutuban ako dito sa kamukha ni Steven eh!" Sabay tingin dito. "Ikaw ba si Sam?"

"Anak ng tokwa naman kayo. Ako nga si Sam. Kung ako si Steven kanina pa ako nakatakas. May mga tama na kayo ng bala." Paliwanag niya. "Wag niyo na akong iposas."

"Hindi kami basta basta maniniwala sa'yo. At kung hindi talaga ikaw si Steven, sana maisip mong kamukha mo siya kaya walang masama kung pansamantala ka naming hulihin."

"Baka kapag tulog na kami tumakas ka." Sabi ni Luna. "Tapos ikaw ang magsuplong sa'min sa mga terorista na pumapatay ng mga pulis."

"Bahala na kayo." Mas pinili na ni Steven na maniwalang kamukha lang siya.

Katabi niya ang dalawang babae matulog at hindi siya komportable hindi gaya ng dalawang babae ay humihilik pa. Pinag iisipan niya kung tatakas siya o hindi. Iniisip niya na baka mahalata siya pag tumakas siya kaya hinayaan na lang muna niya.

Kinabukasan.

Nagising si Luna na nakayakap siya kay Steven. Nagulat siya at sinampal si Steven kaya nagising ito. "Bakit?!"

"Kunyari ka pa, nag eenjoy ka pa, bumangon ka diyan at aalis tayo."

"Patakasin niyo na ko, isasama niyo ba ako?" Tanong ni Steven dahil mapipilitan siyang tumakas at pag dinala siya nito sa presinto ay mahahalata ang finger print niya na ginagamit kapag gumawa ng krimen.

Hindi niya pinansin ang tanong nito. "Tina! Gising na, aalis na tayo." Nasa labas na sila at nakasakay sila sa taxi. "Aalis tayo sa lugar na 'to, wala dito si Steven." Sabi ni Luna.

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon