64. Labanan Sa Tore

547 8 3
                                    

Nagulat ang lahat ng makita si Dionne. Tahimik niyang pinabagsak ang lahat ng sundalo bago nagpakita sa harap ni Judah. Nakatingin lang sa kaniya si Judah at ganun din naman si Dionne sa kaniya.

"Di-Dionne!" Bigkas ni Kaled. Tumingin si Dionne sa kaniya.

"Ligtas na kayo." Simpleng sagot ni Dionne. Tumingin ito kay Elias. "Tulungan mo sila. Ako na ang bahala sa taong kaharap ko." Utos niya dito at ibinalik ang tingin kay Judah.

"HAHAHAHA!" Narinig nilang tawa ni Judah. "Nadagdagan pa ang papahirapan ko."

Inakay ni Elias si Hagad at Kaled sa isang tabi kasama si Helena.

"Binibini, tutulungan kita." Tumayo si Elias. "May lakas pa ako para lumaban. Mahihirapan ka sa kaniya."

"Hindi na kailangan. Dalhin mo sila kay Ginang Aba. Kailangan nilang magamot."

"Pero, paano ka?"

"Kaya ko na 'to."

Nakatingin si Kaled kay Dionne. "Dionne." Hirap nitong bigkas. "Ibang iba ka ngayon. Gumaling ka na ba?"

"Maayos na ako. Nilunasan na ako ni Ginang Aba."

"Hoy babae!" Sigaw ni Judah. Tumingin silang lahat dito. "Tatapusin ko kayo."

"Sige kung kaya mo." Kalmadong saad ni Dionne.

"Huwag tayong aalis." Sabi ni Kaled. "Hindi pa kami mamamatay. Gusto kong tumulong ka, Elias baka mahirapan si Dionne."

"Si-sige." Sang-ayon ni Elias.

Hawak ni Helena ang tubig ni Dionne. Nakatayo sila habang pinagmamasdan ito. Pinalaki pa ni Judah ang katawan niya. "Ngayon, wala nang tatalab sa'kin kahit ang parating na atake na hindi ko alam. Patawarin ako ni Abdul sa gagawi--"

Biglang hindi niya napansin si Dionne na nakaatake na pala sa kaniya. Napangiwi siya dahil ang siko ni Dionne ay nasa sikmura na niya. "Pasensya na. Nagmamadali ako." Bulong ni Dionne.

Umatras si Judah at humawak sa tyan. Gulat na gulat ang mga nakakita. Hindi nila nakita kung paano umatake si Dionne.

"Ang daya mo!" Sabi ni Judah at hirap na hirap dahil sa sakit. "Lumaban ka ng hindi patraydor." Angal pa nito.

Lumapit si Elias. "Judah, walang hurado para magreklamo ka!"

Napatingin si Dionne kay Elias. "Tama ka."

"Hindi maaari ito." Nagalit lalo si Judah. Umatake siya ng suntok pero sa gilid lang ng ulo ni Dionne tumama. Lumampas ang kamao ni Judah kaya nagtaka siya.

Kinuha ni Dionne ang kamay ni Judah at inipit sa kilikili niya ng mahigpit. "Aaaaaaaah!" Sigaw ni Judah. Umatake uli siya gamit ang isang kamay para makaligtas pero inunahan siya ni Dionne. Mabilis na binitawan ni Dionne ang kamay ni Judah at sinuktok ito ng malakas sa sikmura. "Agh!" Napaupo si Judah at namilipit.

Gulat na gulat si Kaled. "Ang lakas." Rinig niyang sabi ni Elias.

Tumalon si Dionne at binigyan ng sipa pababa si Judah sa mukha. Dumikit ang mukha ni Judah sa lupa. Napahiga ito. "Pasensya na. Ayokong maglaro lang." Sabi ni Dionne. "Kailangan kong iligtas si Lolo Demetri."

Umalis si Dionne at bumalik kay Elias. "Itali niyo si Judah. Bihagin niyo siya. Mamaya aatake ang iba sa palasyo." Utos ni Dionne pero nakita nilang kumikilos si Judah. Tumayo ito.

"Binibini. May droga ang katawan niya kaya hindi siya basta basta matatalo agad." Sabi ni Elias.

"Oo nga pala." Nakatingin lang sila kay Judah. "Pero wala na siyang lakas."

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon