54. Ang Paghahanap

710 16 2
                                    

"Dionne, hindi ko gustong masaktan ka pa." Sabi ni Kaled.

Nakahiga si Dionne. Hindi makatayo dahil sa tinamo niya. "Hindi ako natatakot kung ano man ang mangyari sa'kin." Kahit hirap ay may paninindigan na sinabi ito ni Dionne.

"Mas pipiliin mo pa 'yan?!"

"Oras na mangyari sa'kin 'yun. Hindi ko pag-sisisihan dahil alam ko sa sarili kong may nagawa ako!"

"Pero, Dionne! Hindi ka nabuhay o lumaki dito. Bakit mo kinakayang tumulong kahit alam mong hindi ka makakatulong?!"

"Hindi ko kayang makitang naghihirap ang mga tao. Mas masakit sa'kin 'yun kaysa sa mamatay o masaktan ng literal."

Nagsalita si Demetri. "Magtatalo na naman ba kayo?!" Tumahimik sila. "May punto ka, Kaled pero wala kang talino. Ikaw naman Dionne ay may talino at awa pero hindi mo kailangang lumaban kung alam mong hindi ka mananalo. Wala nang pag-asa kung pareho kayong hindi magkakasundo. Kailangang magtulungan kung magsasakripisyo din lang."

"Lolo, hindi sa wala akong talino, lumalagay lang ako sa tama. Tama bang lumaban nang walang kalaban-laban?"

Magsasalita sana si Dionne pero inunahan siya ni Demetri. "Walang kalaban-laban dahil duwag kayo. Subukan niyong gawin ang ginagawa ni Dionne. Magkakaroon pa ng pag-asa. Ano ka, umaasa na mahulog ang bunga ng puno nang hindi mo pipitasin?"

"Walang makaka-intindi sa'kin!!" Tumayo si Kaled at umalis.

Nagkatinginan si Dionne at Demetri. "Dumito ka muna. Magpagaling ka. Hindi kita masisisi." Sabi ni Demetri kay Dionne.

-

"May bisita kayo!" Sabi ng isang kasambahay kay Jessica.

Tumingin si Jessica sa dalawa niyang kasama sa mansyon. Si Andrei at Kelvin. "Andiyan na yata ang hinihintay natin." Tinignan nila sa labas kung sino. Nakita nila si Eagle na may kasamang dalawang sundalo. Pinatuloy nila.

Pumasok sila sa kwarto ni Jessica para makapag-usap ng sikreto. "Bakit kayo na'ndito?" Bungad ni Eagle.

"Mahabang storya." Sabi ni Andrei. "Nakita ko na lang silang magkasama." Tinuro niya si Jessica at Kelvin.

Tumalon si Kelvin mula sa eroplano habang nakatingin si Jessica sa kaniya. Sumunod siyang tumalon kaya tinantya niya kung saan ito babagsak. Dali-dali niyang pinuntahan ang lugar kung saan bumagsak si Kelvin. Hinanap niya ito at nakita niya. "Kelvin!!" Tinawag niya. Lumingon ito.

"Jessica?!"

Timakbo siya at niyakap si Kelvin. "Mabuti na lang at hindi tayo sa City bumagsak. Kanina pa kita hinahanap."

"Natandaan mo ba ang gawi ni Andrei?"

"Siya ang unang tumalon. Nasa malayo siya."

"Tawagan mo."

"Walang signal eh."

"Lagot. Sinundan pa naman siya ng jet!"

"Maghanap na lang tayo."

Hanggang sa wala silang makita. Nagutom na sila. "Ano ang gagawin natin?" Tanong ni Jessica. Nakakita sila ng isang mayaman na Ginang na bumaba ng kotse. Nagpunta ito sa isang restaurant. "Naisip mo ba ang naisip ko, Kelvin?"

"Oo." Napakamot si Kelvin. Nakita nila ang mga gwardya nito na naiwan sa labas.

"Wala na tayong magagawa. Kailangan natin ng pera."

"Bahala na."

Nilapitan nila ang mga gwardya. Kaya paglabas ng Ginang ay hindi na makakilos ang gwarya niya. "Anong nangyari sa'yo?" Tanong ng Ginang. Nginuso nito ang loob ng sasakyan.

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon