"Ayokong mag aksaya ng oras para dito, umalis ka sa harap ko. Gusto ko lang ay huwag siyang pahirapan. Ganito ako kabait!" Binaril ni Steven si Dionne pero isang napakabilis na pag ilag ang ginawa nito. Dumaan lang sa gilid ng katawan niya ang bala at ang pangalawa niyang bala ay sa paa ang direksyon kaya tumalon pa si Dionne ng bahagya para makailag. Sabay tumakbo ni Steven pero nag iwan uli siya ng isang bala bago umalis. Bahagyang napaliyad ang katawan ni Dionne para makailag. Dahilan para makalayo si Steven. Sigurado siyang alam nito ang daan papunta sa ama niya. Hinabol niya ito at sa bubong ang punta nito, walang dalang baril si Dionne dahil wala siyang balak na barilin si Steven. Mas saulado niya ang bahay kaya naabutan niya si Steven, balak niyang yakapin ito para pigilan pero isang sipa sa mukha ang ginawa ni Steven. Pabagsak na si Dionne pero naikalso niya ang kamay niya sa sahig para maka bawi ng atake kay Steven, umilag si Steven sa sipa ni Dionne at binaril niya si Dionne sa paa pero sa balikat tinamaan si Dionne dahil mabilis na ibinaba nito ang katawan para protektahan ang paa na mas mahalaga. Sapul si Dionne at natumba. Tinungo agad ni Steven ang kwarto ni Damien, alam niyang nasa gitna ang kwarto nito at wala nang kandado ang mga pinto. Hinabol parin siya ni Dionne. Dumating si Luna at binigyan ng baril si Dionne. Walang tao sa mansyon kundi silang tatlo lang kaya tahimik ang paligid. Walang gumaganang camera. Dala ni Dionne ang baril nang hinabol si Steven.
"Steven!" Sigaw ni Dionne habang tumatakbo pero huli na ang lahat. Nakatutok na ang baril ni Steven kay Damien.
"Steven maawa ka!" Sabi ni Dionne habang lumuluha.
"Dionne, hayaan mo siya!" Utos ni Damien.
"Kung gano'n ay totoo nga na gusto mo nang mamatay." Sabi ni Steven. Napaluhod si Dionne at patuloy lang na nag mamakaawa kay Steven. Nakatutok parin ang baril sa likod ng ulo ni Damien. Dahil sa salaming dingding ay nakikita ni Steven ang pagluha ng mag ama. Napaluha narin si Luna. Ayaw gumalaw ng hintuturo ni Steven. Bumalik sa ala-ala niya ang lahat.
"Maawa kayo, may mga anak ako, pinatay niyo na ang asawa at mga kapatid ko, pag usapan na lang muna natin 'to!" Sabi ni Yusuka Navarro na ama ni Steven. Nakatingin lang si Jordan, ang 18 anyos na kapatid nila Steven, umiiyak ito at walang magawa dahil nakatali siya.
"Nasa'n na ang triplet?!" Tanong ng isang kasambahay sa isa pang kasambahay.
"Nasa kabilang kwarto kasama ni Esmi!" Bulong ng isang kasambahay. Si Esmi ay isa ding kasambahay.
"Sigurado bang hindi sila maririnig dun? Baka sumigaw ang isa at makita pa sila!" Tanong ng isang kasambahay.
"Nakalock ang pinto dun, patay ang ilaw, alam na ni Esmi ang gagawin." Balak kasing patayin ang lahat ng nasa-bahay at ang mga kasambahay ay nasa kaniya kaniya nang kwarto at tahimik na kinakabahan. Si Esmi naman ay kasama ang triplet na nasa katabing kwarto lang kung nasa'n si Yusuka at Jordan na nakatakdang patayin ng mga myembro ng sindikato. Dalawampu't dalawa ang natitirang pamilya ni Yusuka Navaro at lima nalang silang natitira dahil pinatay na ng sindikato ang lahat. Si Yusuka kasi ang nakakaalam nang lahat ng sikreto ng sindikato na pinamimunuan ni Damien Parker, Fernando Smith, Joseph Barrera at Ramon Hanagata. Sila ang mga nasalikod ng sindikato at lahat ng kagustuhan nila ang nasusunod. Isa si Sardo na papatay sa kanila ngayon na mamamatay tao ng sindikato. Iyak ng iyak si Jordan at naririnig ito ng apat sa kabilang kwarto. Naiyak na rin ang triplet pero inutusan ito ni Esmi na 'wag mag ingay. limang taong gulang palang ang triplet.
"Sardo, maawa ka, ubos na ang lahi namin dito, hindi naman kami magsusumbong. Gusto ko lang manahimik, maniwala ka!" Pagmamakaawa ni Jordan.
"Ang utos ay utos, nasaan pa ang ibang nakatira dito?" tanong ni Sardo.
"Wala na! Kami na lang ang natitira." Sabi ni Yusuka.
"Halughugin ang bawat kwarto!" Utos ni Sardo. Pinagbabaril ang lahat ng kasambahay na makita sa kwarto. Rinig ni Esmi 'yun at ng triplet kaya tahimik na lang silang umiiyak. Sikreto kasi ang silid na kinalalagyan nila.
Humahagulgol na si Jordan. "Tama na, Sardo! Patayin mo na 'ko at umalis na kayo, isama niyo na si Jordan." Sabi ni Yusuka na tila nagmamaka-awa na.
"Papatayin ko na kayong dalawa." Sabi ni Sardo at lumapit kay Yusuka.
"Maawa ka Sardoooooooh!!" Sigaw ni Jordan pero parang walang narinig si Sardo.
Tatlong putok na baril ang tumapos sa buhay ng ama niya.
Bulakta si Yusuka. Iyak ng iyak si Esmi sa narinig habang kasama ang triplet. Nakatakip ang mga bibig nila. Hindi kasi halata na may isang kwarto pang natitira sa kwartong kinalalagyan ng pinatay na si Yusuka. Iyak ng iyak si Jordan. Wala siyang magawa. Binato ni Sardo ang isa pang baril sa isang tauhan para patayin na si Jordan. "Boss sa labas ko na babarilin 'to!" Sabi ng isang tauhan. Pag labas nila ay pinatakbo niya si Jordan at nagpaputok ng baril sa itaas. Sobrang tamlay na ni Jordan at lambot na lambot. "Tumakbo ka na!" Bulong ng isang lalaki. Naawa ang lalaki kay Jordan dahil nag iisa na lang ito. Wala nang saysay kung papatayin pa. Naisip niya na hindi na siguro hahanapin ni Sardo ang bangkay nito. Nag alisan na ang mga tauhan ng sindikato kasama si Sardo at pinatapon lahat ng bangkay. Pero ang alam ni Sardo ay kasama si Jordan sa mga tinapon. Ilang oras pa ang lumipas ay malinis ang bahay nila dahil nilinis ito ng mga tauhan para walang ebidensya.
Lumabas si Esmi at ang triplet. Wala na silang nakita na bangkay kahit isa."Magbihis kayo at aalis tayo." Utos ni Esmi na balak dalhin sa probinsya ang triplet para ampunin. Iyak parin ng iyak ang tatlo.
"Nasa'n na si Daddy?" Tanong ng isa. Pero walang naisagot si Esmi dahil lingid sa kaalaman niyang patay na ito.
"Wala siya, baka umalis. Magmadali kayo!"
"Patay na si Daddy." Sabi ng isa. Ngunit ang dalawa pa ay seryoso lang. Umiyak agad ang isa pagkat mahal din naman nila ang ama.
Maya maya lang ay dumating si Jordan. "Jordan! Buhay ka!" Nagulat si Esmi nang makita si Jordan.
"Pinatakas ako!" Matamlay na sagot ni Jordan.
"Sumama ka muna sa'min sa probinsya."
"Nanang Esmi, alam mo ba ang kinalalagyan ng vault ni Daddy?"
"Alam ko, kaso hindi ko kayang buksan 'yun."
Nabuksan ni Jordan ang vault ng ama niya dahil sa talino niya. Naisip niya ang password nito dahil lang sa paghula. Kinuha nila ang napakaraming pera na nakalagay at lihim na ibinenta ang bahay. Sikretong pinag aral ni Jordan ang tatlo niyang kapatid. Sinanay niya ang tatlo na humawak ng baril para makaganti sila sa sindikato. Sa tulong ni Esmi ay nabuhay silang apat dahil maraming kamag anak si Esmi. Elementarya pa lang ang tripet ay marunong nang bumaril. Hanggang sa nabalitaan nila na buwag na ang sindikato. Binuwag na 'to dahil para hindi na malaman pa ng Gobyerno ang tungkol dito. Gulat na gulat si Jordan ng malaman na tumakbong gobernador ang mga kasapi na pinuno ng sindikato. Kaya nagplano siya agad habang mga bata pa ang triplet. Sa probinsya niya ito pinalaki. Dumating ang oras na marunong nang pumatay si Steven kaya pag akyat nito ng 17 anyos ay pinatay na agad niya ang isa. Nang tatlo na ang napapatay niya, saka siya nakilala ng mga pulis dahil sa finger Print niya. Nakunan pa siya ng litrato nang nakaharap kaya nang makilala siya ay naglabasan ang larawan niya sa social media. Alam ng maraming tao na mga politiko ang pinapatay nito at marumi ang politika kaya naisip ng marami na hindi masama si Steven. Nang panahon na 'yun ay lumitaw na si Andrei na siyang kinuha ni Damien bilang tagaligtas. Detective ito, kolehiyo pa lang ay marami na itong kaso na napagtagumpayan. Naisip ni Jordan na si Andrei ang tinik. Kaya pitong taon nang hindi nila mapatay patay si Damien ay dahil sa mga sundalo at kay Andrei. Kaibigan ni Damien ang ama ni Andrei kaya hindi siya nito pinababayaan. Alam ni Andrei ang dating trabaho ni Damien pero alam niyang mabait itong tao ngayon. Ilang ulit na nakalaban ni Steven si Andrei at mga kapatid niya pero hindi nila pinatay si Andrei, inuutakan lang nila ito sa paglinlang na iisa lang silang tatlo. Ayaw kasi nilang pumatay dahil alam nila ang pakiramdam ng namatayan, pero kailangan lang nilang patayin si Damien na sobra ang laki ng galit nila.
Itutuloy ...
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
ActionMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.