Nahihirapan si Dionne sa kalagayan niya. Hindi niya matamaan si Vince at siya ay duguan na. 'Hindi ako makapaniwala na kaya niyang gamitin ang kapareho ng Leaf Blade ni Master Kamegay.' Hindi makapaniwalang sabi sa sarili ni Dionne.
"Ano, titingin ka na lang ba? Gumawa ka ng paraan. Maiksi na ang buhok mo." Mapang-asar na sinabi ni Vince. "At dahil hindi mo kayang patotohanan ang mga sinabi mo ay mananatili ka na lang sa pagiging Marionette. Kakatuwang bansag ko sa'yo hindi ba?"
Nakatayo parin si Dionne habang malapit na sila sa nagliliyab na gusali. Gumawa siya ng isang konsentrasyon kaya muling lumakas ang hangin.
"Mananatili ang sinabi ko at hindi na mababago pa 'yun. Pilitin mo man akong humingi ng dispensa sa ginawa ko." Seryosong sambit ni Dionne. Ngumiti lang si Vince.
"Bakit ko gagawin na pahirapan ka pa? Wala din namang saysay. Wala ka nang pag-asa pa ngayon. Ipapakilala ko sa'yo si Don Chinchao ngayon din. Pero bago 'yan ay bibihagin muna kita."
Lalapit na sana si Vince ng biglang nanggalaiti ang apoy sa paligid. Nagtaka siya at namangha. "Gagamitin mo uli ang Wind Technique mo?" Kalmadong tanong ni Vince.
"Mamamatay ako ngayon din kung totoong nagkasala ako!!" Tumalon si Dionne ng mataas. Hinigop niya ang apoy. Umaligid sa katawan niya ang apoy at bumaba sa lupa para lumapit kay Vince. "Tatapusin ko na ngayon 'to!!" Tumalon uli siya para magbigay ng atake na may tangan na apoy sa paligid ng katawan niya.
"Kahanga-hanga." Namamanghang sabi ni Vince habang hinihintay ang pag-atake ni Dionne. "Lumakas pa ang aura na nanggagaling sa'yo. Sa tingin ko'y ngayon mo lang ito ginawa. Ang isama sa Wind Technique ang apoy."
Tinuwid niya ang apat niyang daliri at inabangan si Dionne.
"Kamikaze, Rocket Punch!!"
Pero hindi pa tumatama ang kamao ay inunahan na siya ni Vince sa pamamagitan ng isang mabilis na pag-atake. "Stigma!!" Sinalubong niya si Dionne at nilampasan matapos hiwain sa katawan. Bumagsak si Dionne sa lupa habang nakatalikod sa kaniya si Vince at ang kamay ay animo'y isang espada na tumama ng mabilis na pag-atake. Nakatayo siya habang nasa likod niya si Dionne na duguan at nakadapa.
Ngumiti lang siya. "Didiretso sa'kin ang malakas na impact ng suntok mo na may kasamang apoy." Humarap si Vince kay Dionne at nanatili parin na nakadapa si Dionne. "Wala akong magagawa kahit dumipensa ako dahil masusunog ang kamay ko. Kaya gumamit ako ng counter attack dahil mas mabagal ka." Kinuha ni Vince ang sigarilyo niya. "Siguro naman papayagan mo na akong sindihan ito." Sinindihan niya ang sigarilyo at ibinuga ang usok.
Nanginginig si Dionne at ibinuka niya ang mga mata niya. Nagsalita siya ng mahina. "Ito na ang pinaka-nagawa ko. Ang kaya kong gawin." Sinara niya ang kamao niya. "Siguro ngang tama si Daddy, hinayaan ko na lang sana ang mga bagay na ito. May mga bagay na hindi na kayang resolbahan pa. At sa pagtatapos ng buhay ko ay hinding hindi parin ako magsisisi. Hindi payapa ang loob kong nabubuhay ng may iniisip na tao. Pasensya na.." Kahit hindi niya maitingala ang ulo niya ay tumingin siya sa taas. "Kung hindi Mo din lang papayagan na magtagumpay ako ay kunin Mo na lang ako at tatanggapin ang kaparusahan na nag-aabang sa'kin sa impyerno."
May tumapak sa kamay niya. Nasaktan siya sa ginawa nito at nakaramdam siya ng isang pagtutok ng rifle sa batok niya.
"Clark, huwag mo ituloy!" Dinig niyang sabi ni Vince kaya alam niyang hindi si Vince ang tumapak sa kamay niya. Narinig niyang naglakad ito papalapit.
"Kailangan na niyang mamatay dahil sa laki ng pinsala na ginawa niya. Baka maging inspirasyon pa siya at tularan ng ibang kriminal." Sagot ni Clark.
"Bakit naman ngayon ka lang?" Tumigil sa paglalakad si Vince. "Nanganib ang buhay ko. Saan ka ba galing. Pinagtangkaan akong tapusin ng babae na 'yan."
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
ActionMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.