Nagpatuloy sa paglalakbay ang tatlo kaya hindi alam ni Steven ang magiging resulta. "Pakawalan niyo na kasi ako!" Angal ni Steven. Hindi niya kasi pwedeng pwersahin ang dalawa dahil masisira ang pagpapanggap niya. Baka lalo lang malaman ng lahat kung nasaan siya pag nakahahata ang dalawa.
"Hindi pwede!" Tutol parin ni Luna.
Nakarating uli sila sa isang maliit na hotel para matuluyan.
"Pang dalawang tao lang po ang kwarto dito." Sabi ng babae na empleyado sa hotel.
Nag isip si Luna bago magsalita. "Tina, sa kabilang kwarto ka." Utos nito.
"Katabi mo si Sam? Hindi ba pwedeng tayo na lang ang magkasama?"
Nakikinig lang si Steven sa dalawa. "Disidido talaga kayong hindi ako patakasin ah." Bulong niya.
"Hindi pwedeng malingat dahil makakatakas siya." Sagot ni Luna.
"Hindi mo siya pwedeng makatabi, Luna, lalaki siya."
"Umiral na naman 'yang pagka-konserbatibo mo, nagtraining tayo para 'wag matukso, alam mo dapat 'yan."
Nainis si Tina sa plano ni Luna. Si Luna kasi ang laging nasusunod sa kanila. Pinosas ni Luna si Steven sa kamay niya. "Bakit sa kamay mo pa? Pwede namang 'wag na?" Tanong ni Tina.
"Bakit ba nakikialam ka? Para sure na hindi siya makatakas." Sagot ni Luna.
"Ano ba talaga balak mo, Luna?"
"Hindi na natin hahanapin si Steven at ito na ang ipapahuli natin."
Nagulat si Steven. "Pero hindi siya ang totoo, maniniwala ba si General niyan?"
"Aayusan natin siya na parang siya nga si Steven pagtapos ng isang taong pagliliwaliw natin. Isang taon para mapaniwala natin sila na nahuli nga natin si Steven. Hindi maniniwala si General kapag nahuli natin siya agad."
"Isang taon? Paano kung mabuking tayo?"
"Kunwari'y akala natin siya si Steven, mapapaniwala na natin sila."
"Eh ang reward? Paano?"
"Kukunin natin ang reward at itatakas natin siya."
"Hindi pwede! Bibitayin na siya pagtapos ng isang linggong pagkakahuli."
"Mga pulis tayo kaya maitatakas natin siya."
"Paano ang finger print?"
"Babayaran natin ang mga aasikaso sa finger print, pagtapos nun ay itatakas natin siya. Malamang hahanapin tayo kaya magtatago tayo."
"Magiging wanted tayo?"
"Hindi tayo magiging wanted dahil lalabas sa imbestigasyon na tumakas siya at hindi natin kasalanan 'yun, magtatago tayo para hindi na uli tayo maatasan na mag hanap sa mokong na Steven na 'yun."
"Magandang idea ang magliwaliw ng isang taon pero kinakabahan ako sa mangyayari."
"Basta, pag nabuking man tayo ay hindi nila tayo masisisi. Sila na ang bahala kung saan tayo idedestino. Bahala na sila kung tanggalin tayo sa serbisyo."
"Haaay naku, mga tamad kayong pulis." Sabat ni Steven.
"Ano sabi mo?" Kinuwelyuhan ni Luna si Steven.
"Joke lang naman, Luna."
Hinila siya bigla ni Luna para dalhin sa kwarto. Sila na lang dalawa ang magkasama. Pinosas niya ito sa kama at nagpunta siya ng toilet at nagbihis. Matapos ang ilang sandali ay lumabas din agad siya.
"Ako naman ang magbibihis, maliligo din ako, kayo lang ba may karapatan?" Tinanggal ni Luna pansamantala ang posas at hinayaan siyang magbihis at maligo.
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
ActionMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.