Nakatutok parin ang baril ni Steven. "Sam!! Itigil mo 'yan, pag napatay mo ba siya ay magiging nasaya ka?" Awat ni Luna.
"Luna, ako na ang pinaka masaya kapag napatay ko siya!" Tumingin lang si Steven kay Luna at ibibalik kay Damien.
"Iputok mo, Steven, hayaan mo na sila, ikaw ang anak ni Yusuka 'di ba? Sinadya ng tadhana na mabuhay ka para makaganti." Labas lang ng labas ang luha ni Dionne, gusto niyang tulungan ang ama niya pero wala siyang magawa.
Tumingin si Steven kay Dionne na may hawak na baril. Nalilito siya kung bakit nakatayo lang ito at ayaw man lang lumaban.
"Nagbago na siya, pag pinatay mo siya ay para mo naring pinatay ang maraming pamilya!"
Nagbalik sa isip ni Steven ang sinabi sa kaniya ni Dionne.
"Steven, 'wag mong patayin si Daddy nakikiusap ako!" Sabi ni Dionne habang nakaluhod.
Lumuha si Steven. "Pinatay niya ang Daddy at Mommy ko, Dionne. Kung ayaw mo siyang mamatay bakit ayaw mo 'kong labanan?!" Pasigaw na sabi ni Steven.
"Pag niligtas ko siya ay hindi siya magiging malaya, ilang taon na siyang hindi masaya sa pagtatago niya kaya handa na siyang mamatay, kaya nakikiusap ako Steven, 'wag mo siyang patayin at palayain mo na siya! Hindi kita pwedeng labanan dahil kakampi kita."
"Bakit mas gusto mo ang mapanganib na misyon? Bakit hindi mo na lang gawing misyon na patayin kaming magkakapatid?"
"Dahil hindi ko kaya. Mas kakayanin kong pakinabangan kayo kesa patayin. Mas daig ng kagustuhan kong mapabagsak si Chinchao ang ano mang mangyayari."
"Huwag mo akong utuin!" Hindi nagsalita si Dionne at binitawan ang baril. Hindi maigalaw ni Steven ang daliri niya. Naaalala niya ang nangyari nung mga bata pa sila. Sa murang edad niya ay nasaktan siya. Habang tumatanda siya ay nakikita niya ang pakiramdam ng Kuya niya. Tumingin siya kay Dionne na nakasubsob ang mga palad sa simento at nakayuko, pumapatak ang luha. Lumakas ang kaba niya sa dibdib. Pag hindi niya pinatay si Damien ay magagalit ang Kuya niya. Tumutulo na ang dugo mula sa balikat ni Dionne, dalawa ang tama ni Dionne nung nakipag laban sila sa mga sundalo at ngayon naman ay may tama uli siya. "Luna, dalhin mo sa ospital si Dionne, mag uusap lang kami ni Damien" Utos ni Steven.
"Ayoko! Hindi pwedeng wala ako dito, Steven!" Sabi ni Dionne.
"Tama siya Dionne, kailangan mo nang dalhin sa ospital, baka pati ikaw mapahamak!" Umiiyak na sabi ni Luna.
"Huwag ka munang makialam!" Sabi ni Dionne kay Luna. "Hindi ako mamamatay. Alam ko ang ginagawa ko. Sugat lang ito para sa'kin."
"Hindi ako naniniwala. Sumama ka muna sa'kin!" Hiling ni Luna.
"Hindi nag iisip, pa'no mo nagawang unahin si Chinchao gayong alam mo na ang papatay sa ama mo ay ako?" Sabi ni Steven.
"Basta hindi ako aalis." Sabi ni Dionne. "Matatalino ang ilang kriminal kaya pwedeng sinundan ka nila, Steven. Kailangan mo ako para makatakas ka. KUNG GUSTO MONG PATAYIN SIYA SIGE PATAYIN MO NA!"
"Salamat." Sabi ni Damien. Pumikit ito.
"Nababaliw na kayong mag ama, Dionne! Pwede mo akong patayin pagtapos nito, pero parang masaya ka pa?! Naririnig mo ba ang sinabi mo?!" Tanong ni Steven.
"Iputok mo na Steven! Para matapos na!" Sabi uli ni Damien.
Nanginginig ang kamay ni Steven.
"Wala akong balak na patayin ka Steven, pag pinatay mo ang Daddy ko, umalis ka na sa bansang ito, 'wag kang mag papahuli kay Andrei. Kailangan kita. Tulungan mo ako dahil itutuloy ko ang misyon kahit wala na si Daddy. Hindi ako nababaliw. Matuwid ang isip ko. At hindi ka titigilan ni Andrei kapag pinatay mo siya."
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
ActionMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.