SEASON 4: BLACK GEMSTONE
Naglalakbay ang barko kung nasaan nakasakay sila Kelvin, Andrei, Jessica at Eagle. Nang biglang may hindi inaasahang mga sundalo ang lumapag sa barko gamit ang rocket na suot ng mga ito. Kasalukuyang nasa loob ang grupo nila. May kumatok. Binuksan ni Kelvin ang pintuan. "Boss Eagle, hinahanap kayo ni Karen."
Napatayo si Eagle sa narinig. "Nasaan siya?"
"Nasa itaas, malalagot daw tayo kapag hindi kayo nagpakita."
Nagalit ang itsura ni Eagle. "Magtago kayo. Haharapin ko siya." Utos nito sa mga kasama.
"Huhulihin niya ba tayo?" Tanong ni Jessica.
"Oo, hangga't maaari, kailangan nating lumaban at tumakas."
"Pero nasa dagat tayo." Sagot naman ni Andrei.
"Boss, nasa sampung katao sila." Singit ng isang sundalo.
"Wala tayong pagpipilian. Sabi ko na nga ba, isa itong patibong. Hindi ko makakausap si Kevin. Paano na 'to?"
"Kailangan nating lumaban." Kinuha ni Kelvin ang dalawang baril niya.
"Boss, ano ang sasabihin ko?" Tanong ng sundalo.
Hindi makapagsalita si Eagle. Nakatingin lang ito.
"Hindi kami pwedeng mahuli dahil may misyon kami." Sabi ni Andrei.
Maya maya lang sa taas ay inutusan ni Karen ang mga kasama niya. Nag-alisan ang mga ito para pumasok sa kaliwa at sa kanan ng barko. "Agatha, maghiwalay tayo." Utos ni Karen sa kasama niya kaya lumakad sila papasok. Walang nagawa ang mga sundalong Marino.
Umakyat si Eagle para harapin si Karen. Nagkasalubong na sila. Nakita ni Eagle na naglalakad pababa si Karen. "Eagle, nasaan ang mga kasama mo?" Tanong agad ni Karen.
"Wala sila." Tanggi ni Eagle.
"Isuko mo sila sa'kin sa lalong madaling panahon."
"Ayaw mong maniwala?"
"Ang mga kasama mo na mismo ang nagsabi na andito sila." Hindi makapagsalita si Eagle. Hindi niya inaasahan na matutunton sila. "Mapipilitan akong hulihin ka kung hindi mo sila isusuko agad."
"Ipagpaliban mo muna ang paghuli sa kanila. Kailangan nilang maging malaya. Hindi sila masasamang tao."
Tumingin ng seryoso si Karen kay Eagle. "Pero pinag-utos sa'kin na hulihin ko sila."
"Hindi mo dapat ginagawa ito, Karen."
"Bakit hindi?"
"Mga mahihina sila kumpara sa dapat mong hulihin. Ipaubaya mo muna sila sa mas mabababang sundalo. Ang mga masasama ang pag-ukulan mo ng pansin."
"Lahat sila ay kailangang hulihin. Inuuna ko lang ang mga madadali. Pag-aaksaya ng oras kung wala akong mahuhuli. Hindi sila malalagay sa wanted list kung wala silang kasalanan. At isa pa, magagaling sila. Hindi na sila pwedeng makapagtayo ng malakas o mas maraming bilang na hukbo. Sa ngayon, mahina pa sila."
"Sino ang nag-utos sa'yo?"
"Si General Rece!"
Nagalit ang itsura ni Eagle. "Sabi ko na nga ba't isa itong patibong."
"Hindi ko sila ikukulong. May misyon akong kailangang gawin."
"Ano 'yun?"
"Saka mo na malalaman."
Tinutukan ni Eagle ng baril si Karen pero lumapit lang ito sa kaniya. Hanggang lumampas. Hindi makagalaw si Eagle. "Huwag kang aalis diyan dahil kahit anong gawin mo ay huhulihin ko sila."
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
ActionMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.