25. Ang Droga

1K 28 7
                                    

Nasa dulo ng daanan si Steven. Wala na siyang tatakbuhan. Nasa harap niya ang taong humahabol sa kaniya. "Steven, magpahuli ka na dahil wala ka nang takas ngayon." Sabi nito nang nakangiti.

"Sigurado kang magpapahuli ako?" Sagot ni Steven na walang pag-aalala sa mukha. Tangan parin niya ang posas na nailagay sa kaniya.

"Talagang kailangang patayin ka muna bago ka mahuli."

"Oo! At kumpleto parin naman ang reward kung macapture mo ako kaya ano bang kinakatakot mo?! Patayin mo na ako."

"Hindi ako natatakot, Steven! Ayoko lang patayin ka pero sa tingin ko, mapipilitan akong pumatay ngayon." Tinutok nito ang baril niya kay Steven. Napangiti lang si Steven sa ginawa ng kaharap. "Sa tingin mo mapapatay mo ako?" Nakakalokong tanong ni Steven.

Nakatingin lang ito sa kaniya. "Kilala ako na hindi sumasablay pero ang hindi ko lang alam kung pinapalakas mo lang ang loob mo o talagang hindi mo ako kilala."

"Paano kita makikilala? Sarili ko lang ang kakilala ko. Wala nang iba kaya iputok mo para makilala kita." Nakangiti parin si Steven at hindi kumukurap man lang. "Sigurong ako ang hindi mo kilala kaya akala mo may pag-asa kang mahuli ako?"

Hindi din kumukurap ang lalaki. Alam niyang ang kumurap ay talo. Ang tanging magagawa lang kasi niya ay habulin si Steven pero hindi din siya sigurado kung mahuhuli niya ito. "Matanong kita, Steven. Paano ka makakatakas kung hindi kita kayang hulihin?"

"Bakit ko sasabihin sa'yo? At kung sabihin ko man, magsisinungaling ako dahil hindi ako tanga."

"Pwes hindi ka ganun kagaling. Ang isang mabilis ay hindi kayang hulihin kahit alam na ng humuhuli ang gagawin. Ngayon, dahil ayaw mong sabihin kung papaano, malamang natatakot ka, tama ba?"

Tumawa ng malakas si Steven pero isang mabilis na bala ang pinakawalan ng lalaki. Ginamit ni Steven ang posas para tamaan ang bala kaya sa bilis ng pag hampas niya ng kamay niya ay sa posas tumama ang bala. Kitang kita ng kaharap niya ang nangyari. Nanatiling nakangiti si Steven. "Nakakatawa ka talaga. Kung totoong kilala mo ako, papatakasin mo na lang ako dahil miski isang porsyento ay hindi ka magkakaroon ng pag-asa."

"Hanga ako sa'yo, Steven. Pero 'yun lang ba ang kaya mong gawin?"

"Ganito na lang. Pag hindi mo ako nahuli, at ikaw ang nahuli ko, magiging tauhan kita. Payag ka?"

Tumawa din ito. "Paano kapag nahuli naman kita?"

"Sa'yo ang reward."

"Ganun lang 'yun? Sa tingin mo papayag ako?"

"Alam kong hindi ka papayag dahil alam mo sa sarili mo na hindi mo ako kayang hilihin. 'Yan ang katotohanan na hindi mo makita. Malamang papayag ka sa kondisyon ko kung sigurado kang mahuhuli mo ako." Nakangiting salaysay ni Steven kaya unti unting nanginig ang kamay ng kaharap. "Ano nangyayari sa'yo? Ganito na lang. Patakasin mo ako para wala nang gulo. Kung ayaw mo, pumayag ka na lang sa kasunduan, tutal sigurado ka naman yatang kaya mo akong hulihin."

Pilit na ngumiti ang lalaki. "Paano kung traydorin kita?"

"Hindi mo magagawa 'yun."

"Sigurado ka?"

"Oo. Kaya traydorin mo ako kung gusto mo. May problema ba?"

"Papayag kang traydorin kita?"

"Oo, bakit hindi? Basta pumayag ka sa kasunduan na magiging tauhan kita." Nanatiling nakatutok ang baril sa kaniya. "Bibilang ako ng tatlo. Pag hindi ka pa nakapagpasya, kikilos na ako... Isa..." Nakatutok parin ang baril. "Dalawa.." Pinagpawisan na siya pagkakataong ito. "Tat--"

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon