"Wala munang aalis!" Sabi ni Dionne. Magkakasama sila sa tapat mismo ng sasakyan nila.
"Umalis na tayo. Malamang hahabulin na naman tayo ng pinuno." Sabi ni Steven.
"Pero sagabal ang lalaking malakas ang pang-dinig."
"Ano ang gagawin natin?" Tanong ni Steven. "Papatayin natin siya?"
"Patayin na natin siya." Sabi ni Dionne.
"Bihagin lang natin sila para makakuha tayo ng impormasyon." Suhestyon ni Andrei.
"Pero sa sobrang komplikado nila, malamang hindi parin tayo nakakakuha ng impormasyon sa kanila. Kung papatayin na natin ang taong malakas makarinig, wala na tayong magiging problema. Maliban sa baka ipahanap tayo sa mas malakas na sundalo."
"Makinig ka Dionne. Importanteng tao ang mapapatay natin dahil pambihira ang kaalaman niya. Itatago natin siya dahil kung mamamatay siya, malalagay agad tayo sa wanted list. Kung bibihagin lang natin sila, malamang ipapahanap tayo ni Vince pero hindi pa niya tayo planong patayin. Malay mo makakuha tayo ng impormasyon."
"Pwede, pero oras na hindi sila magsalita, wala na akong magagawa. Sagabal ang taong 'yun. Sa mga oras na ito, ipapahanap tayo ni Vince sa mas malakas na sundalo. Pareho din Kaya wala na tayong choice." Umalis si Dionne para balikan ang pinuno at ang lalaking malakas ang pang-dinig.
"Sandali!!" Sigaw ni Andrei. Sumunod siya. Nasa lubong nila ang pinuno.
Tumigil sila dahil nasa tapat nila ang pinaka-pununo. "Hindi pala kayo mga pangkaraniwan lang." Sabi sa kanila.
"Ngayong alam mo na. Sa tingin mo may habol ka pa?" Sabi ni Dionne.
Dumating sila Steven. Nainis ang itsura ng pinuno. "Huwag mo na kaming hulihin!" Sabi ni Steven. "Marami kami. Nagpanggap lang kaming mga duwag kagabi pero ngayon, hindi na namin gagawin 'yun."
"Alam na namin ang sikreto niyo!" Sabi ni Andrei.
"Alam niyo na?!!" Tumawa pa ang pinuno na halatang may kompyansa pang natitira. "Umalis na kayo dahil oras na malaman ni Vince ito, tapos na kayo!"
"Wala kaming pakay pa sa inyo." Sabi naman ni Dionne. "Umalis ka diyan kung ayaw mong tapusin kita." Humakbang palapit si Dionne kahit wala siyang dalang armas. "Tatapusin ko ang lalaking malakas ang pandinig."
"HINDI MO PWEDENG GAWIN 'YAN! MALALAGAY KAYO SA ALANGANIN!!" Biglang bumaril ang pinuno. Inilagan lang ito ni Dionne. Mabalis na lumapit siya sa pinuno. Hinawakan niya agad ang kamay nito at sinuntok sa sikmura nang malakas. Nabitawan nito ang baril at namilipit sa sakit. Pinulot ni Dionne ang baril. Tinutok sa ulo nito.
"Dionne. Kami na ang bahala sa kaniya." Sabi ni Steven.
Lumingon si Dionne. "Pero kailangang mawala sa landas natin ang taong malakas ang pandinig." Sabi niya. Pinaputukan sa hita ang pinuno at pinasok ang bahay. Sinundan siya ng mga kasama niya. Napansin nila ang mga nakahiga at may tama ng baril. Nakilala agad ni Dionne ang lalaking malakas ang pangdinig. Lumapit siya dito. Tinutukan ng baril. "Narinig mo naman ang usapan namin sa labas 'di ba?"
Hindi agad nakasalita ang lalaki. "Papatayin niyo ako?!"
Lumapit si Dionne. "Bibihagin ka lang namin."
-
Ngayon ay umaandar na ang sasakyan nila habang nakatali ang dalawang bihag. "Tutal, pinahamak niyo na kami dahil sa lalaking 'to--" Sabi ni Dionne. Dinikit niya ang dulo ng baril sa ulo ng lalaking malakas ang pangdinig. "Lulubos lubusin na. Papatayin na lang namin kayo kung hindi kami makakahanap sa inyo ng impormasyon."
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
ActionMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.