78. Dionne Attacks Air Base

512 9 2
                                    

Nakatingin sa dagat si Jethro at Tina. Umupa sila ng bahay sa tabing dagat malapit sa terminal ng mga barko. "Sa loob ng ilang oras ay maglalayag na ang barko." May gamit na teleskopyo si Jethro. Tinitignan niya ang barko kung nasaan ang barkong naglalaman ng mga droga.

"Kinakabahan ako sa gagawin natin. Baka makulong tayo." Sagot ni Tina.

"Hindi nagpapakita si Dionne at ang iba." Sabi uli ni Jethro. "May palagay akong wala sila ngayon. Alam kong sasabihin ni Dionne na gumawa tayo ng paraan. Ayokong magsisi kung magkikita kami pagtapos nito dahil hinayaan kong makadaong ang barko sa Pilipinas."

"Pero, wala naman siya! Kaya una niyang sisihin ang sarili niya."

"Tayo ang may pagkakataon." Tinanggal ni Jethro ang teleskopyo sa mata niya. "May dahilan kung bakit wala sila. Pwedeng nakulong sila o pwedeng patay na. Swerte tayo dahil ligtas tayo. Kaya para kay Dionne ang gagawin ko."

"Bakit ba parang si Dionne ang iniisip mo?"

"Secret." Ngumiti si Jethro.

"Nagagawa mo pang magbiro. Kung ako lang ang masusunod uuwi na ako. Palpak ang plano natin. Pero sige, andito na din tayo. Bahala na."

"Ganun ba?" Muling tumingin si Jethro sa barko. "Tamang tama ang view dito. Ilalagay ko ang earphone at kailangan mong tignan mula dito ang mangyayari at itawag mo sa'kin para malaman ko ang ibang detalye."

"Kinakabahan ako. Ano ba ang plano mo?"

"Mula sa factory ay kailangang walang makakita sa'kin. Lalanguyin ko ang barko ng hindi nila ako nakikita kapag malayo na ito. Saka ako aatake kung nasa barko na ako. Siguradong ganoon ang iisipin ni Dionne para mapalubog ito. Wala nang paraan. At kung lumubog na ay bahala na si kamatayan kung makakaligtas ako sa paglubog. Ang mahalaga'y hindi agad makarating sa bansa natin ang mga droga."

-

Nakatapat si Dionne ngayon sa isang air station. Malaki ang gate nito at maraming nakabantay kaya plano niyang dumaan sa mataas na bakod sa gilid. Naglakad siya sa maraming bahay hanggang nakarating sa malawak na lupain. Nakikita niya ang mataas na bakod. Kaya niya itong akyatin pero hindi niya alam ang nasa kabila ng bakod kaya hindi agad siya sumampa. Hindi din niya alam kung may malakas na sundalo ang nagbabantay sa loob. Nakatingin siya sa mga sasakyan na dumadaan. Lumakad siya sa tapat ng bakod at kinuha ang dalawang baril niya. Tumalon siya at sumilip. Nakita niya ang mga eroplanong pangdigma ng bansa sa 'di kalayuan at ilang mga bahay sa malayo. Nakita din niya ang mga sundalo na nakapila at sundalong nakaupo. Tamang tama ang pwesto dahil dito ang paliparan. Matindi ang dipensa pero bumaba siya sa bakod nang mabilis para walang nakapansin sa kaniya. Dahan dahan siyang lumakad sa parang isang baseball field ang lawak para puntahan ang mga sundalo hanggang mapansin siya ng mga ito. Tinutok niya ang baril magkabila habang naglalakad siya sa 'di kalayuan. Malayo pa lang ay iba na ang reaksyon ng mga ito. "Walang kikilos!" Sigaw niya kaya tinutukan din siya ng rifle ng ilang sundalo.

"Sino ka? Paano ka nakapasok dito?!" Tanong sa kaniya.

"Huwag niyo nang alamin!" Ngumiti si Dionne at mabilis na nagpaputok habang tumatakbo. Nagtago siya agad. Tumunog ang malakas na busina pagkatapos ng palitan ng putok. "Tawagin niyo si Commander Shiao!" Utos ng isa habang nakaporma ang mga sundalo sa lugar ng pinagtaguan ni Dionne.

Dumating ang commander. "Anong gulo ito?" Tanong nito.

"May babaing nakapasok dito at binaril kami. Mabilis siyang nagtago." Sagot ng isa.

"Ano daw ang kailangan niya?"

"Hindi sinabi pero magaling siya. Nailagan niya ang mga bala namin."

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon