Isang pagdiriwang ang nagaganap sa palasyo. Maraming babaing sumasayaw sa gitna habang ang mga taong ginagalang sa bansa nila ay nasa paligid. Kabilang si Dionne sa mga tao na nakaupo. Umiinom ng alak ang ilan sa kanila. Ang lahat ay nagsasaya. Nakangiti din si Dionne habang kasama ang ilan sa kababaihan. Ito ay ginanap para magpasalamat sa ginawa niyang pagligtas sa bansang ito sa kamay ng mga terorista. Hinainan siya ng maraming pagkain. Tuwang tuwa si Sono dahil kasama niya ang ate niyang si Dionne.
"Ate Dionne, napakasaya ko. Gusto kong kasama ka sa mga susunod pang araw." Sabi ni Sono habang nakangiti ang lahat sa kanila.
"Huwag kang mag-alala Sono, dahil magiging masaya ka na habang buhay." Sagot nito.
"Binibining Dionne, dahil malaya na kami ay, pwede bang ikaw na ang maging pinuno ng lahat ng kababaihan dito?" Mungkahi ng isang babae. "Si Ginang Aba ang pumalit kay Ginang Luway na nasawi na. Mas pinili niyang mamatay kaysa magpaalipin. Masyadong sagrado para sa kaniya ang pagiging babae kaya lumaban siya upang hindi magpahuli ng buhay. Natakot kami kaya hindi man kami namatay ay pinagsamantalahan kami. Nakikita ko sa'yo, Binibini na ganun ka din."
Tumingin ang lahat kay Dionne para maghintay ng sagot. "Hindi ko kayang gampanan 'yan."
"Bakit?" Tanong ng isa. Biglang nalungkot si Sono na tila alam na niya ang dahilan.
"Hindi ko muna sasabihin. Sandali lamang dahil may naalala ako." Tumayo si Dionne at umalis. "Babalik ako." Nagtungo siya sa lugar na walang tao. Tinungo ang ulo sa lamesa. Nakahawak siya sa dalawang sintido niya.
-
"Nasaan ang Binibini?" Tanong ni Kaled ng napadaan ito sa grupo ni Dionne kasama si Sono.
"Babalik daw siya. Baka gusto lang pumunta sa palikuran." Sagot ng isang babae.
"Sono.." Tawag ni Kaled. "Paki sabi kay Dionne na may sasabihin ako. Kung pwede sana puntahan niya ako."
"Opo, Kuya."
Umalis si Kaled. Maraming naghahanap kay Dionne pero hindi pa ito nakakabalik. Nakapikit si Dionne habang nakaupo sa isang kwarto kung saan nagpupulong ang mga opisyal. Walang tao. Nakaramdam siya ng yabag ng tao kaya napalingon siya.
"Ano'ng ginagawa mo diyan?" Boses ni Kaled. "May sasabihin ako sa'yo pero ang tagal mo kaya hinanap kita."
"Gusto ko munang mapag-isa. Ayoko munang pag-usapan ang plano niyo."
"May gumugulo ba sa isip mo?"
"Oo."
"Ano?"
"Hindi ko alam pero laging pumapasok sa isip ko ang panaginip ko. Hindi ko kayang alisin ito."
"Ganun ba? Itanong natin sa matatanda. Ang alam ko ay may lunas sa ganiyan."
Napatingin si Dionne. "Ngayon lang nangyari sa'kin 'to. Ang akala ko ay dahil ito sa matagal kong pagkakatulog. Ang tawag ay coma. Normal lang ito."
"Pero gaano ba kasama ang panaginip mo?"
"Apat ang panaginip ko. Ang tatlo ay pare-pareho. Ang pang-apat ay hindi natapos dahil nagising ako. Nagtataka lang ako dahil hindi ko ito malimutan. Nasa isip ko pa."
"Pwede mo bang ikwento sa'kin?"
"Hindi. Sige, isama mo ako sa alam mong kayang ipaliwanag ang mga panaginip para marinig mo ang kwento."
"May matanda kaming manggagamot. Isa lamang siyang manghuhula. Pinapaliwanag niya ang mga panaginip ng sino mang gustong magpahula."
"Nagkakatotoo ba?"
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
ActionMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.