81. Krimen At Batas

518 6 1
                                    

Ang ibang sundalo na kasama ni Dionne ay halos mawalan na ng malay. "Bilisan niyo! Malapit na tayo." Lumingon si Dionne sa likuran. Napansin niya ang dalawang sundalo na nadapa at hindi na makatayo. "Humingi kayo ng saklolo!" Utos ni Dionne sa mga sundalo at binalikan niya ang dalawa. Humigop siya ng maraming hangin ang sinuong ang lugar na may usok. Tinulungan niya ang dalawang sundalo. Lumingon ang isa. Nakikita niya ang ginagawa ni Dionne.

"Hindi siya masamang tao." Sabi nito habang tumatakbo. "Kaya niya tayo binabaril ay dahil binabaril natin siya."

"Kahit na." Sagot ng isa. "Kalaban parin siya ng gobyerno. Malaking puntos kapag nahuli natin siya."

"Nagbago ang lahat dahil sa pangyayaring ito."

"Humingi muna tayo ng saklolo."

Kinatok nila ang kahuli-hulihang pintuan.

"TULUNGAN NIYO KAMI! NAKAKULONG KAMI!"

Narinig ng nasa labas ang sigaw. Nagdadalawang isip ang mga ito kung tutulong dahil nakikita nila sa surveillance camera si Dionne.

"TULUNGAN NIYO KAMI!"

Narinig na naman nila ang sigaw. "Ano ang gagawin natin?" Tanong ng isa habang nasa control room sila sa bungad.

"Pero kailangang mapatay ang babaeng 'yun." Sagot ng isa. "Winasak niya ang buong factory."

"Paano ang mga sundalo?"

Nakaamoy din si Dionne ng lason kaya nanghina na siya habang akay-akay ang dalawa. Nakatingin sa kanila ang ibang sundalo na kumakatok.

"Dapat hindi na niya niligtas ang dalawang 'yun. Nanghinayang siya sa buhay ng dalawa kaya lahat tayo ngayon mapapahamak dahil wala na siyang lakas."

Napapikit ang isa sa nakikita. Papalapit na ang usok sa kanila nang bumukas ang pinto. Nakita nila ang mga sundalo sa labas. "Bilisan niyo!" Utos ng nasa labas. Lumabas sila. Pero isasara na ang pinto.

"Sandali lang!" Awat ng isa. "May natitira pa sa loob."

"Hindi na pwede. Kailangang mapatay ang babae na 'yan!"

"Tinulungan niya kami!"

Isinara ang pinto. Gulat na gulat ang ibang sundalo na tinulungan ni Dionne. "Buksan mo ang pinto!" Hiling ng isa.

"Mapanganib siya alam mo ba 'yun? Kapag nakaligtas siya ay papatayin niya tayong lahat para makatakas siya!"

"Hindi mangyayari 'yan!"

Nakarating si Dionne sa pinto pero umabot na sa kaniya ang usok kaya nawalan siya ng malay. Hindi na niya nagawang kumatok sa pinto. Tatlo silang nakahiga.

-

Nakasakay sa taxi si Jethro at Tina. "Ayos ka na Jethro?" Tanong ni Tina.

"Hindi ako kailan man mapapanatag kahit nakaligtas pa ako."

"Ang mahalaga ay tinulungan tayo ni Ursula."

"Tama ka pero hindi ko natulungan si Dionne. Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya."

Nalungkot si Tina sa naisip. "Wala na tayong magagawa."

-

Nagbabanggaan ang mga kamao ng Heneral at ni Ursula. Panay lang ang palitan nila ng atake. Nakarating sila sa isang gusali at aksidenteng tinamaan ang bubong ng unang palapag kaya bumagsak ito sa kanila. Naghiwalay sila at nagtitigan.

"Hindi naman kasi kailangang mataas ang bounty sa'kin." Sabi ni Ursula. "Kung tutuusin nga ay hindi ko kayang gawin ang ginawa ngayon sa factory. Masasama lang naman ang pinapatay ko."

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon