Unti unting bumabalik ang eroplano sa gawi ng West Jiao-long. Ramdam ni Dionne ang pag-ikot ng eroplano kaya sumilip siya para umisip ng paraan. Tinignan niya ang pinto papunta sa piloto. Walang tao kaya umusod siya para makalapit. Alam niya kasing nasa loob nun ang babae na nagsalita. Tinatakot nito ang piloto. Hindi siya pwedeng pumasok dahil alam niyang nakaabang ito. Sinubukan niyang magpaputok sa bandang itaas. Biglang gumanti ng putok ang nasaloob. Lumapit siya at unti unting binuksan ang pinto. Nang mabuksan niya ay wala siyang narinig na putok pero nakatago pa din siya. Kailangan niya kasing mapigilan ang babae. Naramdam niyang may lumabas kaya agad siyang nagtago. Hindi siya makasilip dahil magpapaputok ito. Inabangan niya na lang. Nakatago siya sa upuan sa unahan. Sinilip niya ang isang mata niya pero tinago niya uli dahil baka makita siya. Pero sa isang tingin niya na 'yun ay hinahanap siya nito habang nakatutok ang baril. "Lumabas ka na. Nahuli na kita. Wala ka na din magagawa kung magtatangka ka pa." Sabi nito. Pero wala siyang plano na sumuko. Ang eroplano ay ganap ng papunta sa West Jiao-long. Nilabas niya ang isang kamay niya. Nagpaputok siya kahit hindi niya nakikita ang inaasinta. Naramdaman niyang nagtago ito.
Sumilip siya. Wala ito. Hinanap niya ng tingin niya pero wala siyang makita. Biglang nasa itaas niya pala. Tinutukan siya nito ng baril. "Gotcha!" Mabuti at mabilis siya. Mabilis niyang tinukod ang kamay niya para makasipa paitaas. Tumalsik ang baril nito kaya nang siya naman ang tututok ay sinangga agad nito ang kamay niya para hindi maitutok. Naglalaban sila ngayon, lakas sa lakas. "Sumuko ka na! Wala kang laban sa'kin." Sabi uli nito at sinuntok si Dionne pero hindi bumitaw si Dionne sa baril. Dahil isang kamay lang ang hawak ng babae sa baril ay sinamantala ito ni Dionne. Inipit niya ang kamay ng babae para mas malakas ang pwersa niya. Nakatutok ang baril sa ibaba habang nasa kilikili niya ang kamay ng babae. Ang isang kamay naman nito ay sumuntok sa tagiliran niya pero habang hawak ni Dionne ang isang kamay nito ay siniko niya ang babae. Sinalag nito ang siko kaya hindi tumama. Pwersahang lumakad si Dionne kasama ang babae palapit sa piloto.
"Ibalik niyo ang eroplano!!" Sigaw nito. Siniko niya ng paulit-ulit ang babae pero hindi niya matamaan.
"Matigas ka ah." Sabi ng babae. Nakuha ni Dionne ang baril pero itututok pa lang niya ay mabilis na hinawakan agad ang kamay niya dahil malapit sila sa isa't isa. Hinagis na lang ni Dionne ang baril para labanan ang babae. Nagpalitan sila ng atake sa masikip na lugar.
"Ibalik niyo ang eroplano, ako ang bahala dito. Bilis!!" Sabi ni Dionne habang nakikipagpalitan pa ng atake sa babae.
"Huwag niyong gagawin dahil papatayin ko kayo!" Bawi naman ng babae kaya hindi nagbago ang direksyon ng eroplano. Tinamaan si Dionne ng sipa sa tiyan kaya napayuko siya. Sinapak siya at bumagsak. Dinaganan siya nito para hindi siya makagalaw. "You are under arrest." Sabi nito at narinig ni Dionne ang posas. Kinukuha nito ang kamay niya kaya inuntog niya ito kaya napalayo ito sa kaniya. Malayo ang distansya ng mga baril nila na nakalapag. Gumamit kasi siya ng hand gun para magaang. Ang rifle niya ay iniwan niya sa sulok. Sinipa niya ito ng makatayo sila pero sinangga lang. Bawat atake niya ay sinasangga lang ng babae.
"Ibalik niyo ang eroplano!" Sigaw uli ni Dionne. Suot parin nila ang parachute.
Pagkasuntok niya ay hinila siya ng babae sa dulo ng eroplano. Hindi niya ito napigilan kahit kontrahin niya. Naibalik kasi nito ang kamay niya. "Hindi ka na maririnig ng piloto. Nakarinig sila ng boses. "Dionne!" Tinignan nila. Lumabas pala ang piloto.
"Ibalik niyo ang eroplano! Ako ang bahala dito." Sabi ni Dionne.
"Huwag niyong gagawin." Utos naman ng babae.
"Kunin niyo ang baril diyan!" Utos ni Dionne kaya hinanap ng isang piloto ang baril. Binitawan ng babae si Dionne at tumakbo sa lalaki. Sinipa nito sa mukha ang lalaki pero biglang bumukas ang likuran ng eroplano kaya tumalon bigla si Dionne. Habang nasa ere pa lang siya ay napansin niyang tumalon din pala ang babae. Nasa itaas niya ito. Wala siyang dalang baril. Alam niyang wala din itong dala kaya binuksan niya ang parachute.
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
AksiMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.