Dumaong ang barko na sakay ng grupo ni Eagle. Pero bihag sila ngayon ni Karen. "Walang tatakas ah." Bilin ni Karen bago sila bumaba. "Ang lugar na ito ay hindi magandang destinasyon ng mga kriminal dahil kalapit ito ng America."
"Hindi kami tatakas, maliban na lang kung ikukulong mo kami." Sagot ni Andrei.
"Alam ko naman na wala akong kakayahan na ikulong kayo pero kung gugustuhin ko magagawa ko."
"Kaya kailangan mong ipangakong wala kang plano na ikulong kami dahil mapalalaban kayo." Sagot uli ni Andrei.
Tumawa si Karen. "Ang akala ko ba'y napagkasunduan na natin na magtutulungan tayo?" Sabi nito.
"Oo nga." Si Kelvin naman ang nagsalita. "Pero mukhang ikaw ang unang nagduda dahil ikaw ang unang nagtanong."
"Sinisiguro ko lang. Pwes hindi ko kayo ikukulong." Sagot uli ni Karen. "Pero may paraan ako para masigurong hindi kayo makakatakas habang isinasagawa natin ang misyon."
"Ano naman 'yun?" Tanong ni Eagle.
"May sikreto akong kaalaman na ang tanging nakaka-alam lang ay ang mga taong nakakasagupa ko pero karamihan sa kanila ay namayapa at naka-kulong na. Maliban lang sa kasamahan niyong si Parker."
Nagulat ang lahat. "Nagkalaban pala muna kayo." Tanong ni Kelvin.
"Oo, pero ang totoo ay hindi ko alam kung totoong buhay pa nga siya."
Nagulat ang lahat. "Ano ang ginawa mo?" Gulat na tanong ni Kelvin.
"Ginamit ko ang kakayahan ko para hulihin siya pero inagaw siya sa'kin. Huwag kayong mag-alala, may posibilidad na buhay siya."
"Oo buhay siya." Agaw ni Eagle. Nagtinginan sila lahat dito.
Nagsalita uli si Karen. "Kakampi niyo ako kung mabuti talaga ang hangarin niyo kaya saka na natin pag-usapan ang lahat. Kailangan kong makasiguro muna na hindi kayo lalayo sa'kin. Nangangako akong aalamin ko ang lahat ng sinasabi niyo tungkol sa Guardian na si Vince. Importante lang kasing unahin ang misyon na ito."
"Ano ba ang gagawin mo?" Tanong ni Andrei.
"Lalagyan ko ang bawat isa sa inyo ng sumpa."
Nagulat uli ang lahat. "Bakit kailangan pa?!" Tanong ni Andrei.
"Para sa siguridad. Makakaasa kayong pakakawalan ko kayo matapos kong makuha ang Black Gemstones."
"Bakit kasi kami pa ang kailangan mong isama?!" Galit na si Kelvin dahil magdududa na talaga sila.
Magsasalita pa si Karen pero si Eagle na ang nagpaliwanag. "Sundin natin siya. Ako na ang bahala. Sa pagkakataong ito ay pagkatiwalaan niyo ako!" Tumingin si Eagle kay Karen. "Pwede bang kausapin ko muna sila para kumbinsihin?"
"Sige. Saglit lang. Umaasa akong makikisama kayo sa'kin."
Humiwalay silang apat. "Eagle, duda ako diyan sa Karen na 'yan!" Sabi agad ni Kelvin.
"Makinig kayo." Bungad ni Eagle. "Lihim lang ang misyon na ito. Si Kevin ang nagsabi sa'kin. Oras na makuha natin ang Black Gemstones ay kukumbinsihin niya si Karen na huwag ibigay sa mga Amerikanong kaalyado niya ang mga bato. Kaya kayo o tayo ang kinuha nila ay para makalibre ang iba sa kanila sa oras. Malapit nang matupad ang propesiya sa world war. Miski ang kaalyado nilang bansa ay walang alam sa plano sa Gemstones. Hindi ko alam kung papayag na ibigay kay Karen ang mga bato pero magtiwala lang kayo. Oo pinahamak ko kayo pero sa pagkakataong ito ay pagkatiwalaan niyo ako dahil kay Kevin. Makukumbinsi niya si Karen dahil mabuting tao ito at wala itong planong ipahamak ang taong mabuti ang hangarin."
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
ActionMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.