90. Risk

414 8 1
                                    

"Hindi ako makakapayag pang balikan mo ang lugar na iyon." Utos ni Matt kay Keith.

"Huwag kang mag-alala, Master. Hindi ako babalik doon nang paghihiganti lang ang nasa isip ko. Wala na akong plano pang magpa-isa sa mga 'yun." Sagot ni Keith. Kasama niya si Ursula habang kausap si Matt.

"May iba ka pa bang gagawin?" Tanong ni Ursula.

"Malaki ang utang na loob ko kay Dionne."

"Siya ba ang Marionette?" Tanong ni Matt.

"Oo siya nga. Pinangako ko sa sarili ko na makikipagkita akong muli sa kaniya. Kung wala lang akong hukbo na mauuwian ay hindi na ako aalis sa tabi niya." Tumingin ng diretso si Keith kay Matt. "Ang mga katulad niya ang masarap kasama. Hindi magdadalawang isip sa isang bagay kahit buhay pa ang kapalit. Walang pagsisisi kahit napakahirap nang dinanas niya at higit sa lahat, gagawin at gagawin niya uli ang bagay kahit alam niyang paghihirap uli ang kapalit basta sa kabutihan."

"Naiintindihan ko naman 'yun." Tumayo si Matt. "Pero kung pasasalamat lang ang habol mo ay madali sa akin na matunton siya basta huwag lang niya akong pagtaguan."

"Hindi naman siguro." Sabat ni Ursula. "Ayon sa kwento sa akin ng dalawang kasama ko, isa lang naman ang pakay nila. Isa pa, kilala ka na niya, Master dahil kay Keith."

"Gusto ko siyang tulungan dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko sakaling hindi niya mapagtagumpayan ang misyon niya habang utang ko sa kaniya ang kalayaan ko ngayon. Gagawin ko ang lahat para hindi na ako mahuli pa."

"Kung gayon, paano ka makakatulong kung wala kang ideya kung paano niya muling sasalakayin ang Jiao-long?" Tanong ni Matt.

"Alam kong matalino siya kahit malakas ang loob. Gagawa siya ng matinding plano sa susunod niyang hakbang. At alam kong aabutin nang matagal pang panahon bago uli mangyari 'yun. Huwag muna natin ipaalam sa dalawang kasama niya kung nasaan si Dionne. Sasagap muna tayo ng imposmasyon sa media."

"Malamang tataas ang bounty sa kaniya dahil sa pinsalang ginawa niya sa Jiao-long." Sabi ni Ursula.

"Mag-ingat sa paglabas ng lugar. Kung kinakailangan ay isa isa lang. At Keith, hindi muna kita papayagan na lumabas ng isla."

"Alam ko, Master. Pero hindi na nila ako maiisahan pa. Sa ngayon gusto ko munang ibalik ang sigla ng katawan ko't magpahinga."

-

Nasa isang restaurant si Luna habang hindi siya napakali. May hinihintay siyang tao. "Ang tagal naman." Tumingin siya sa relo. "Kalahating oras na pala ako dito."

Maya maya lang ay may tatlong lalaki na dumating. Lumapit ito sa kaniya. "Hay salamat." Sabi niya.

"Ikaw ba si Luna?" Tanong ng lalaki.

"Positive." Ngumiti ito at tinanggap ang attache case na naglalaman ng pera. Lumabas din agad siya at nagmamadaling tawagan si Jick.

"Hello, bilisan mo, nasa akin na ang pera. Iwan mo na ang bato diyan. Aalis na tayo." Bungad niya gamit ang telepono.

"Sandali lang, sayang ang bato. Kung hindi ko din lang ito mapapakinabangan, isasauli ko na lang ito."

"Paano?" Pumara ng taxi si Luna at sumakay.

"Basta, dumiretso ka muna dito."

"Kinakabahan ako sa'yo. Kailangan na nating magtago."

"Para din ligtas tayo kung sakali. Makikipagnegosasyon ako sa mga pulis para isurrender ang bato."

"Baka hulihin ka nila."

"Ano bang gusto mo, maging kahinahinala tayo? Mas maiging pormal kong ibalik iyon para walang mag-isip na may nagawa tayong kasalanan."

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon