40. Ang Pakikipag Laban Kay Clark

740 23 2
                                    

"Hello, Steven." Sabi ni Dionne nang tawagan niya ito.

"Ano ang balita? Nag-iingat ba kayo?" Sagot ni Steven habang nakatingin sa mga kasamang niyang naglilibang. At walang pinagbago ang mga bihag. Nakatali parin.

"Doble ingat. Kung hindi ako nagkakamali, nagpaplano din sila. Hindi nila monitor ang buong West. Hindi din namin nakita si Vince kaya babalik na lang kami bukas."

"Mabuti na lang at hindi nila nakuhanan ng maayos ang mga itsura natin. Ano na ang pinakaplano?"

"Wala pa. Kailangan niyong magpunta dito para maging maganda ang gagawin kong pagpaplano. Wala kasi kayo pero may oras pa naman. Baliwala na ang mga bihag natin dahil pwede nating takpan ang bibig natin kung sakali. Kaya kung makikita nila tayo, kailangan nila tayong pigilan ng mano mano."

"Pero namukhaan na nila tayo?"

"Kaya mo bang patayin ang bihag? Makakasagabal sila kung kikilos tayo dahil walang taga-bantay."

"Okay sige, saka na pag-usapan 'yan. Bumalik na muna kayo. Ngayon na hangga't may oras pa. Wala na yata kayong gagawin pa."

"Pwede, hihintayin muna namin si Kelvin."

"Bakit? Nasaan siya?"

"Umalis lang saglit. Sinamantala dahil malaya pa siya. Pinayagan ko na dahil alam kong mahabang panahon din kayong nagtago."

"Nagtago? Si Kelvin at kami ni Jethro, sikat sa mga tao. Malaya kaming nakakakilos kahit pa wanted kami."

Nagulat si Dionne. Naalala niya ang gustong mangyari ni Kelvin. "Sige Steven, baka may binili lang siya. Mag-usap na lang tayo mamaya."

Alam ni Eagle at Andrei na kausap ni Dionne si Steven habang kumakain sila kaya hindi na sila nagtanong pa. Pero napansin ni Andrei na nakatingin sa kaniya si Dionne. "Bakit Dionne, may problema ba? Parang wala naman yata."

Ayon kasi sa narinig ni Andrei sa mga sinabi ni Dionne sa kausap, kahit hindi man nito marinig si Steven, alam niyang walang problema. Nagsalita si Dionne. "Naniniwala ka bang hindi malaya si Kelvin noon? Wanted siya 'di ba?"

Nag-isip saglit si Andrei. "Ang alam ko, siya mismo ang nagsasabi kung nasaan siya kaya hahabulin namin siya. At kung may tao man na magtip sa'kin noon, alam kong agad siyang umaalis kung malaman niyang andiyan kami. Hanggang sa maligaw na kami. Pero 'yun ay 'yung alam kong wala pa siyang kakambal."

Nanlaki ang mata ni Dionne. Tumayo siya. "Hindi kaya nagsinungaling si Kelvin. Kanina pa niya pinipilit ang gusto niya pero agad din naman siyang sumang-ayon. Tapos ngayon umalis siya nang nag-iisa na idinahilan na hindi siya malaya noon!"

-

Halos matakpan ang buong mukha ni Kelvin nang makapasok siya sa looban ng pabrika. Saulado niya ang loob dahil sa mapa ni Eagle. Ang hindi lang niya alam ay ang lagusan sa tabi ng dagat. Mas mahaba pa sa inakala niya ang pabrika. May iba na may sasakyan pa para makapunta sa pupuntahan. Naglalakad lang siya. Hanggang sa makita niya ang mga bisikleta na pwedeng arkilahin. Nanibago siya dahil puro tricycle sa Pilipinas. Dito ay bisikleta lang. Kaya hindi gaanong mausok. Ang mga sasakyan ay hindi nagbubuga ng maitim na usok. Payapa. Ang iba ay nakasakay sa bisikleta at ang iba ay naglalakad. Inalala niya ang mapa. Nakatingin sa tuwid na daan. Alam niyang malayo kaya kailangan niya ng bisikleta. Umarkila siya ng isa. Pwede siyang tumakbo ng mabilis na halos hindi makita ng tao pero ayaw niyang kumilos ng kahinahinala. Ngayon ay nagpipidal na siya. Umabot siya sa dulo. Ang pabrika na napansin niya ay pagawaan ng mga karton. Inalala niya ang mapa. Saka niya naalala na sa likod ng nakikita niyang pabrika ay daungan ng barko. At ang gitna nito ay pintuan na dinaanan nila Eagle pababa para makarating sa kulungan nila na malapit sa laboratoryo. May mga maliliit na sasakyan na naghahatid sa mga karton para makarating sa ibang maliliit na pabrika. May pabrika na pagkain ang produkto. Lumapit siya sa nga tao na inaayos ang karton. Inalala niya ang mapa na sa kabila nito ay may malaking espasyo. Hindi kita sa kinaroroonan niya kanina. Nang lumapit siya para nakita ito ay nabigla siya. Limang sampung talampakan na tao ang nakainupormeng pang sundalo ang nakita niya. May dala itong mga rocket launcher na akala mong rifle lang dahil sa laki ng mga sundalong ito. May lumapit sa kaniyang gwardya. "Ano ang hanap mo?" Tanong sa kaniya.

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon