57. Ang Pag-laban Kay Kamatayan

661 14 4
                                    

"Wala akong pakialam sa'yo!!" Tumakbo si Dionne papunta kay Abdul. Inatake niya ng inatake pero iniilagan lang siya.

"Pwede bang huwag dito? Dahil baka masira ang mga kasangkapan." Sabi ni Abdul habang umiiwas kay Dionne. Hindi kumikibo si Dionne. Panay lang ang sipa niya at suntok. "Pasalamat ka't wala akong planong pahirapan ka pa. Si Judah na ang bahala sa'yo!" Tumalon si Abdul sa labas kaya sinundan siya ni Dionne. Wala talagang planong huminto ni Dionne. Pero sa paglabas nila'y dumating si Judah. Humarang siya kay Dionne.

"Ikaw na naman ba? Wala kang kadala-dala!" Sabi ni Judah. Nakatingin lang si Dionne sa kanila.

"Handa akong mamatay! Kung plano niyo akong gawing alipin dito, patayin niyo na lang ako." Walang takot na sabi ni Dionne. "You're all fucking worthless."

Nainis ang itsura ni Abdul. "Huwag mo siyang papatayin." Utos niya kay Abdul. "Pahirapan mo lang. Hanggang maisip niyang mali ang kalabanin tayo."

Lumingon si Judah kay Abdul. "Ako ang bahala."

Nakaporma na si Dionne. Nakatingin siya sa paligid. Wala na siyang armas na pang-laban pero buo ang loob niya. Ibubuhos niya ang lahat ng makakaya niya. "Kamikaze!" Mabilis na sinugod ni Dionne si Judah.

"Alam ko na 'yan!!" Pinalaki ni Judah ang katawan niya kaya hindi siya tinablan ng suntok. Sakto sa sikmura niya ang kamao ni Dionne pero hindi siya natinag. Nanlaki ang mata ni Dionne.

"Ano ang nangyari babae?!" Nakangiting sabi ni Abdul. "Panonoorin ko kung paano ka maghirap. Sinisiguro kong ito na ang huli mong paglaban sa'min."

Tumingin si Judah kay Dionne. "Hindi na uubra sa'kin ang atake mong mabilis pero mahina naman." Ngumiti siya. Isang malakas na suntok ang pinakawalan niya. Nakailag si Dionne. Lumayo ito. Nanginginig na siya. "Hindi pa nga ako nag-iinit napapagod ka na."

Tumutulo ang pawis ni Dionne. At biglang may lumabas mula sa bibig niya na dugo. Nasuka siya at napaluhod. Nakatingin lang ang dalawa sa kaniya. "Wala pa kaming ginagawa sa'yo, nagsusuka ka na ng dugo?!" Tinawanan siya ni Abdul. "Ano pa ang hinihintay mo, Judah? Pahirapan mo na 'yan."

"Ako na ang bahala. Mukhang malas ang babaeng ito. Ano ang nakain mo?" Lumapit si Judah kay Dionne. Umatras si Dionne na puro dugo pa ang bibig. Pero halos hindi siya makakilos kaya nakalapit si Judah sa kaniya. Tinapakan siya nito sa tiyan. "Hindi man lang ba ako gaganahan sa'yo?!" Paulit ulit niyang tinapakan ito. "Tapusin na natin siya, Abdul. Mukhang wala na siyang pakinabang!"

"Maghinay hinay ka lang Judah." Tinigil ni Judah ang pagtapak kay Dionne. "Hindi natin siya dapat patayin. Ang mga taong bayan na ang pipigil sa kaniya pagtapos nito. Pero bigyan mo siya ng isang malupit na kahirapan para maisip niyang hindi na siya uulit pa."

Ngumiti si Judah. Kinuha niya si Dionne. Hinagis niya sa taas at sinuntok sa tiyan. Sa lakas ng suntok ay lalong naglabasan ang dugo galing sa bibig niya. Napapikit itong bumagsak sa lupa. "Ano?! Kaya pa?!" Tumalon ng mataas si Judah. "Tanggapin mo ito." Binagsakan niya ng isang malakas na suntok ang sikmura ni Dionne. Natulala si Dionne sa sobrang sakit ng natanggap niya. Ngumiti si Abdul. "Sa susunod, hindi lang 'yan ang aabutin mo. Gusto mo pa ba? Sige, huwag mo kaming sundin, paulit-ulit ka naming papahirapan."

"ATE DIONNE!" Boses ni Sono at agad siyang nagpunta sa harap ni Judah. "Tama na po!" Niyakap niya si Dionne, kitang kita niya ang mata nitong nakadilat pero halos wala nang malay.

Nakarating na din si Kaled. "Abdul! Tama na!" Sabi nito. Lumuhod ito sa harapan ni Abdul.

"Kaled, sabihin mo sa babaeng 'yan na sa susunod na labanan niya kami ay papatay ako ng maraming kalahi niyo!" Sabi ni Abdul at sinipa si Kaled sa mukha kaya natumba ito. "Judah, itigil mo na 'yan, baka mapatay mo pa 'yan." Tumingin uli siya kay Kaled. "Hindi ako nagbibiro Kaled. Papatay ako ng higit sa isang daang alipin at wala akong pakialam kung maubos kayo. Pigilan niyo ang babaeng 'yan at hikayatin na maging alipin na din. Sumagot ka!"

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon