"Dionne.." Tawag ni Kelvin.
Hinawakan ni Dionne sa balikat ang sundalo at hinila pataas para makatayo. Hindi tumingin si Dionne kay Kelvin. Hindi din kumikilos ang sundalo habang nakatingin lang kay Dionne.
Walang umiimik, nag-aabang lang sa gagawin ni Dionne.
"Dionne, tama na!" Sabi naman ni Andrei. "Nakuha na natin ang mga bato. Pinaubaya na nila. Umalis na tayo."
"Walang karapatan na makaligtas ang mga taong masasama." Sagot ni Dionne.
Isinara niya ang kamao niya at inangat.
"Dionne!" Sabi uli ni Andrei. "Sumusuko na siya. Umalis na tayo."
"Hindi pwede 'to!" Nainis ang itsura ni Dionne. "Matapos ang lahat hahayaan niyo na lang?!"
"Hindi ka masamang tao, Dionne."
Nanginig sa galit si Dionne pero hindi siya makakilos. Nakatingin lang ang lahat sa kaniya.
"Dionne, saka na tayo lumaban uli." Sabi naman ni Kelvin. "Gagantihan ko sila. Hindi pa kami tapos. Lalo na ang malaking lalake na 'yan." Tumingin siya kay Gareth na wala parin malay. "Pero hindi sa ganitong paraan. Ikaw ang lumaban hindi ako. At ang isang 'yan ay sumusuko na. Hayaan mo na siya. Wala na silang laban."
Binitawan ni Dionne ang sundalo kaya nakahinga ito ng maluwag.
"Pasalamat kayo." Sabi lang ni Dionne.
"Umalis na tayo." Tumayo si Kelvin.
Nagtaka si Karen. "Nakakatayo pa siya." Pagtataka nito. "Mukhang may kakayahan ang isang iyon!" Tumingin siya kay Dionne. "Hindi pwede ang ganito!" Binuksan niya ang bintana na salamin.
"Ano ang gagawin mo?!" Tanong ni Agatha.
Pero hindi na sumagot si Karen at bigla itong tumalon pababa. Nakita ng lahat si Karen na lumundag buhat sa itaas.
"Hindi pa tapos ang laban!" Sabi nito. "May natitira pang lalaban sa'yo!"
"Karen!" Pagtataka ni Dionne.
Hanggang sa makababa ito. "Parang kahapon lang tinalo kita." Sabi uli ni Karen habang nanlilisik ang mga mata.
"Karen!" Pigil ni Andrei pero parang wala itong narinig.
"Cyclone!!" Tinaas ni Karen ang dalawang kamay niya at umamba.
Agad itong umatake kay Dionne. Hinanda naman ni Dionne ang sarili niya at nakipagpalitan ng atake kay Karen. Mabilis na nagbangga ang mga kamao nila.
"Hindi na kita pagbibigyan ngayon!" Sabi ni Karen habang umaatake nang mabilis. Umaatras si Dionne pero hindi niya hinahayaan na matamaan siya.
"TORNADO!!" Biglang umikot si Karen at mabilis na tumama kay Dionne ang umiikot na katawan nito. Wala siyang magawa kundi sumangga lang kaya napaatras siya lalo sa lakas ng tama. Sinasangga niya ito gamit ang braso. Kumakaladkad sila pareho. Lumakas ang hangin dahil sa nangyayari.
Nag-alala naman si Andrei.
"Karen, sandali.. Hindi kayo magkalaban!" Sigaw nito pero patuloy parin sa pag-atake si Karen kay Dionne gamit ang tornado.
Humanap ng tyempo si Dionne at hinuli ang umiikot na paa ni Karen. Inikot niya ito kaya tumalsik si Karen sa malayo. Nagiba ang pader na pinagtalsikan nito. Tumayo siya at humarap kung saan ito tumalsik.
Nakatingin lang ang lahat. "Karen!" Tawag ni Agatha mula sa itaas.
"Dionne.." Tawag naman ni Andrei. "Huwag mo siyang labanan."
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
AksiMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.