30. Ang Mga Damdamin

961 26 4
                                    

Nakatingin lang silang lahat sa eroplanong paparating. Ito ang magdadala sa kanila sa East Jiao-long. Isang ilegal na paglipad. Pero siniguro nilang walang makakapansin sa kanila. Sumakay sila. "Sa East na ba talaga ang tungo natin?" Tanong ni Jethro.

"Oo, dahil kailangan nating magmadali. Dalawang buwan na pagpaplano." Sagot ni Eagle.

"Mas maganda sana kung wala tayong tinatarget na oras." Sabi ni Jick habang nagningning ang mga mata nito. "Sa ganda ng panahon ngayon, pwede tayong mamasyal sa beach!" Nakatingin lang ang lahat sa kaniya.

"Steven, sure ka bang mapagkakatiwalaan ang taong 'yan?" Tanong ni Dionne.

"Don't under estimate him." Sagot ni Steven.

"May masama ba kung magbebeach muna tayo?" Sabi ni Jick kay Dionne.

"Mukhang ang mga hubad na babae lang ang habol mo dun." Kalmadong sabi ni Dionne.

"At isa pa, malamig sa East Jiao-long ngayon." Sabi ni Eagle.

Nalungkot si Jick. "Okay lang."

"Pwes dadaan muna tayo sa lugar na hindi gaanong malamig para bumili ng kakailangin sa lugar na malamig." Sabi ni Dionne. "Mas maigi kasing hindi na tayo bibili pa doon sa mismong lugar para makakilos agad tayo."

"Tama ka diyan!" Nakangiti si Eagle.

Sampung oras ang byahe kaya umabot ng labing dalawa dahil sa mga pinamili nila. Pagbaba pa lang nila sa lugar ay nakaramdam na sila ng lamig. Nasa liblib na lugar sila kung saan walang makakakita sa kanila. Iniwan uli si ng eroplano pagkatapos maihatid. "Bago natin simulan ang misyon bukas, kailangang sauluhin muna natin ang lugar. Hindi pwedeng ituro lang ni Eagle. We have to familiarize ouselves with unfamiliar places specially with a new surroundings. Dalawang araw lang naman siguro 'yun." Sabi ni Dionne. Gumawa sila ng tent pansamantala. Nilabas ni Dionne ang mapa ng lugar kung nasaan sila. "Gagamit tayo ng tamang bilis sa pagtakbo bilang pangkaraniwang tao. Pero hindi tayo pwedeng magpahuli. Magiging pangkaraniwang tao lang tayo sa paningin ng iba."

"Siguradong bukas, may mga kriminal na tayong makikita. Kailangan sa loob ng ilang araw pa ay may listahan na tayo ng mga kriminal na posibleng iwasan natin." Sabi ni Eagle. Seryoso lang ang lahat na nakikinig. "Hindi ko pa kilala ang lahat dahil hindi pa ako tumatagal ng sampung taon sa paglalayag. Hindi ko pa nalilibot ang lahat."

"Oo nga. Kailangan 'yun. Para kung may mapatay man tayo ay kailangan isang kriminal talaga. Magkukunwari tayong hindi sinasadya ang lahat. Madali para sa'kin ang pumatay basta kinakailangan lang." Sabi ni Dionne.

"Pero hindi naman basta bigatin lang sila." Sagot ni Jick. "Kaya sila andito ay dahil hindi sila talaga nagtatago lang dahil din alam nilang maraming sundalo at pulis sa lugar na ito. May ibang dahilan ang karamihan."

"Mali ka!" Sabi naman ni Andrei. "Mistulang nakakulong ang mga kriminal dito. Sila 'yung mahihina na hindi makalabas ng bansa dahil nakaharang ang mga sundalo sa paligid."

"Tama si Andrei. Kaya una pa lang inisip ko nang imposible na magtipon tipon dito ang mga kriminal." Sabat ni Steven. "Sila 'yung mga kriminal na dito piniling pumunta noon dahil panahon ng terorista."

"Mali kayong lahat!" Napanganga si Steven sa sinabi ni Dionne. "Halos legal na dito ang gumawa ng krimen kaya ang mga naninirahan dito ay takot kahit maraming sundalo. Maraming malalakas dito hula ko dahil malalakas ang mga sundalo na katulad ng nabanggit ni Eagle. Ang mga kriminal mismo ang gustong makahuli nang kapwa kriminal na may mataas na bounty May ilan nang nabalita niyan sa Tv. Ginagawa nilang kasangkapan ang ilang kriminal dahil takot mamatay ang ibang sundalo. Maaaring nakakulong ang iba dito pero meron paring malalakas na kailangan nating iwasan. Oras na magpatayan ang mga kriminal ay libre nila itong madadakip. May posibilidad na hindi kumikilos ang mga sundalo para hulihin ang ilang kriminal na ipapain nila ang kanilang buhay para dito. Hindi na sila nag-aaksaya ng panahon."

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon