2. Steven Exile

2.8K 117 9
                                    

"Ngayon pa lang nalulungkot na ako sa paghihiwalay natin, Kelvin." Malungkot na salitang binitawan ni Dionne ng papalapit na ang pagtatapos ni Kelvin sa mataas na paaralan.

"Hindi ka naman dapat malungkot. Isa lang akong mabuting kaibigan na magdadaan sa buhay mo."

"Mabuting kaibigan? Wala na ba tayong pag-asa na magkita pa?"

"Pwede. Basta tatawagan na lang kita kung sakali."

"Gusto kong maging sundalo na lang din na kagaya mo."

"Bakit?"

"Para makasama kita sa trabaho."

"Ang sundalo ay dapat matapang. Hanggang ngayon ay inosente ka pa. At isa pa, kailangang malakas ka dahil hindi ka papasa sa pagiging sundalo kung mahina ka."

"Dahil ba sa babae ako?"

"Tama ka. Bibihira sa babae ang nagiging sundalo dahil mas malalakas ang mga lalaki."

Sa ilang buwan nilang laging magkasama ay hindi talaga maiwasan ni Dionne na malungkot. Nag-iisa siya sa kwarto niya at nag-iisip. Ayaw niya talagang mawala si Kelvin sa buhay niya. Lumabas siya ng kwarto at tinungo ang isang opisina sa loob ng malaking bahay nila. Walang tao pero makikita dito ang ilang mga baril na nakasabit. Kinuha niya ang isa at sumubok na itutok. Muli niyang tinignan ang baril.

Hanggang dumating ang araw ng paghihiwalay nila ni Kelvin.

"Mag-aaral ako sa kolehiyo kaya baka hindi na tayo magkita pa." Sabi nito sa kaniya habang magkasama uli sila sa rooftop. "Umuwi ka na dahil baka hinahanap ka na sa inyo."

"Ito na ba talaga ang huli nating pagkikita?"

"Hindi pa dahil plano kitang puntahan sa inyo kung papayag ka."

"Pero bawal sa'kin ang magkaroon ng bisita lalo pa't lalaki."

"Papasok ako sa inyo ng walang nakakaalam."

"Hindi pwede dahil maraming gwardya doon. Maraming camera sa paligid kaya hindi pwede ang gusto mo."

"Tutulungan mo ako. Kailangan mong sabihin sa'kin kung saan ako makakapasok nang ligtas. Gusto mo akong makita hindi ba?"

"Oo."

"Ang tanging pag-asa para magkita tayo ay makapunta ako sa inyo dahil hindi ka pwedeng lumabas ng eskwelahan ng walang kasama."

"Sige, papayag ako."

Ngumiti si Kelvin. "Umuwi ka na. Tatawagan na lang kita."

Biglang tumalon si Kelvin pababa ng rooftop palabas ng eskwelahan.

"Kelvin!" Walang nagawa si Dionne ng umalis ito.

-

Apat na taon ang lumipas.

"Sunod sunod na ang pagpatay sa mga gobernador." Dinig ni Dionne na sabi ng kausap ng ama niya. Tumigil siya sa paglalakad. Nabanggit kasi nito ang pagpatay sa mga gobernador.

"Baka ako na ang isunod niya." Nabigla si Dionne sa sinabi ng ama niya.

"Pero hindi ka pwedeng magtago." Sagot ng kausap. "Kailangan ka ng mga tao dito."

"Gagawin ko ang lahat para hindi ako mapatay."

Biglang nagpakita si Dionne sa ama niya. "Dad, sino ang papatay sa'yo?"

"Dionne!" Nabigla si Damien ng makita ang anak niya. Alam niyang narinig nito ang usapan nila ng kasama niya. Lumapit ito sa kaniya. "Matulog ka na. Bakit gising ka pa?"

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon