31. Ang Pinaka-epektibong Plano

952 31 3
                                    

Habang nag-uusap si Dionne at Kelvin ay hindi maiwasan na magka-usap ng mga kasama nila. "Hindi na importante kung sino ang maglelead sa'tin dito. Ang importante ay matapos natin ang misyon. Napapansin kong gusto niyong gampanan ang malaking responsibilidad." Tahimik na sabi ni Jethro sa mga kasama niya. "Ako? Susunod ako kay Dionne. Hindi ko aaksayahin ang buhay ko pero kaya ko itong isakripisyo sa isang importanteng sitwasyon." Nakatingin lang sa kaniya ang lahat. "Gaya nga ng mga sundalo, handa akong mamatay kaya pinasok ko ang misyon na ito. Kung hindi tayo papalarin ay wala naman din tayong magagawa pero gagawin kong lahat ng makakaya ko. Kung takot rin lang akong mamatay, gaya nga ng ibang sundalo, aatras ako sa umpisa pa lang. Sa una pa lang dapat alam natin na panganib na ang pinasok natin." Naglakad si Jethro sa paligid habang nagsasalita. "Pareho kami ni Dionne ng nasa-isip."

Nagsalita si Andrei. "Sa tingin mo ba, kami hindi namin alam 'yan?"

"Wala kayong alam. Ang alam niyo lang ay makatulong."

"Ano naman ang mali doon?"

"Kailangan ng masidhing pagnanasa. Malalim na hangarin. Isang hakbang na lang nasa West na tayo. Gagawin ko kung ano ang utos ni Dionne dahil 'yun ang pinaka-epektibo. Marami akong naisip na iba pang paraan pero kailangang magkaisa tayo. Walang kontrahan. Sa nakikita ko sa inyo, sa sarili niyo lang kayo bumibilib. Pag inutos ni Dionne na isakripisyo ko ang buhay ko para lang makapasok sa laboratoryo... susundin ko dahil 'yun ang talagang hangarin ko. Hindi lang makatulong, para magbuwis ng buhay."

"Jethro." Mahinang banggit ni Tina.

Nagsalita si Steven. "Maraming paraan."

"Kung may oras pa tayo. Kayang kaya natin na gumawa ng plano. 'Yung wala nang magsasakripisyo. Pero kung malasin tayo at mamatay, wala nang magagawa." Sabi ni Andrei.

"Kaya nga kailangang magkaisa!!" Medyo tumaas ang boses ni Jethro. "Kapag nagsalita si Dionne ay huwag na kayong kumontra. Ang isang may masidhing pagnanasa sa isang bagay ay nakakapag-isip ng pinakatamang gawin. Gaya mo Andrei, kung may lulutasin kang kaso na matindi ay ganun ka din. Pero dahil ang kagustuhan mo lang naman ay makatulong dito, hindi ka makapag-isip ng tama kaya nadadaig ka ni Dionne." Nakatingin lang si Andrei kay Jethro. "Handa akong ibuwis ang buhay ko dito. Kung ano ang utos--susundin ko. Kahit iutos pa ni Dionne na patayin ko ang sarili ko. Ganun ko kahangad na sundin siya. Halimbawa lang naman 'yun. Pero alam kong si Dionne ang makakapag-isip ng tama para sa'tin."

Hindi makapagsalita si Andrei. Nagsalita si Jessica. "Basta ako, gagawin ko ang nararapat. Pero sayang ang buhay. Hindi ako takot mamatay kaya ako nagpulis. Pero kung buhay ko ang katumbas ng pagwawagi sa misyon. Hindi ko susundin si Dionne."

"Jessica. Hindi naman ganun kasama si Dionne." Sabi ni Jethro. "Sinasabi ko lang na gusto kong sundin siya. Pero hindi tayo magwawagi kung ngayon pa lang ay kokontrahin niyo na siya. Si Dionne din ang nakaisip ng misyon na ito kaya siya ang mas may masidhing pagnanasa. Sana naman magkaisa tayo! Kung may buhay na masasawi dito, 'yun ay ang kay Dionne kung katumbas ito ng pagwawagi. Hindi ko nakikita sa kaniya 'yung iutos na magbuwis dahil ang ama niya mismo ang nalagay sa panganib pero kabutihan parin ang inisip niya kaysa buhay ng ama niya." Hindi na sumagot si Jessica. "Kung puro selos ang paiiralin mo Jessica. Hindi tayo magwawagi. Hindi ka pipilitin ni Dionne na isakripisyo mo ang buhay mo dahil nababasa niya ang isip natin. Kaya gagawa siya ng mas mahirap na plano. Lalo tayong mahihirapan. Pero oras na makita niya sa mga mata natin ang matinding pagnanasa. Mas makakapag-isip siya ng mas maganda." Tumingin siya kay Andrei. "Gusto mo lang mamuno dahil pinoprotektahan mo ang Anak ni Damien. Ayaw mo siyang pabayaan. Kaya hindi ka makapag-isip ng tama dahil diyan. Gagawin mo ang plano na naisip mo ayon sa gusto mo para hindi manganib ang buhay mo. Pero kung masidhi ang pagnanasa mo, makakapag-isip ka ng delikado pero mas epektibo. Parang awa niyo na. Ibuwis niyo ang buhay niyo at huwag umasa sa himala. Oo kakampi natin ang Diyos. Pero kung wala na tayong iba pang options bukod diyan, hindi tayo magwawagi. Ang kalaban natin ay hindi basta basta. Mamatay tayo kung walang epektibong plano. Sinasabi ko sa inyo 'to hindi dahil nagmamarunong ako. Kapag inutos ng pinuno na patayin ko si Steven, gagawin ko. Sana alam niyo na ang ibig kong sabihin."

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon