Mabilis na tumakbo papalapit si Dionne papunta kay Judah. Papalapit pa lang siya ay nakita na niya ang reaksyon nito kaya hindi niya ginawang umatake agad. Mabalis siyang gumilid kung saan walang dipensa si Judah. Sinipa niya ito ng malakas sa tagiliran. "Ahhh!" Napasigaw lang si Judah. Plano nitong bumawi ng suntok pero lumayo na si Dionne.
Nang mapansin siya ni Judah na nawala ay hinanap ng mata niya si Dionne. Hanggang sa nagpakita ito sa likod. "Andito ako." Sabi ni Dionne kaya haharap pa lang si Judah ay malakas na agad siyang sinuntok ni Dionne sa mukha. Bumagsak siya. Tumayo si Dionne sa harap ng nakahiga na si Judah.
Tumayo si Judah at ngumiti. "Yun na ba ang pinagmamalaki mo?! Hindi ko inaasahan na may angking lakas at bilis ka pala." Kampante niyang sabi. Nakatingin lang si Dionne sa kaniya. "Pero akala mo lang na mananalo ka sa'kin."
"Kailangan mong ilabas ang iba mo pang nalalaman." Sabi ni Dionne dahil alam niyang hindi agad agad matatapos sa ganito ang laban.
"Kaya kong manalo ng ganito lang." Agad na lumusob si Judah pero panay lang ang ilag ni Dionne sa bawat atake nito hanggang sa nakahanap siya ng tyempo para sikuhin si Judah sa sikmura. Matangkad si Judah kaya sa ganoong pag-atake siya makakalamang. Namilipit sa sakit si Judah kaya sinundan ni Dionne ng dalawa pang suntok sa tiyan at isang malakas na sipa pataas sa mukha kaya bumagsak uli ito sa lupa. Tumayo uli si Dionne sa harap ng nakahiga na si Judah. Dahan dahan uli itong tumayo kahit nasasaktan pa. "Hindi ko akalain na kaya mong gawin sa'kin ang ganun. Magbabayad ka ngayon."
Seryoso lang na nakatingin si Dionne sa kaniya. Hinarap uli ang palad niya. Bigla siya uling nawala sa paningin ni Judah. Sumulpot na lang siya sa tagiliran nito. Mabilis siyang nakita ni Judah kaya sinipa siya pero bigla lang siyang nawala kaya nagtaka uli si Judah. Nasa likuran siya uli nito sumulpot. Buong lakas na sinuntok ni Dionne ang likuran ni Judah. Napausod ito at napangiwi sa lakas. Dahil sa sandaling hindi makakilos si Judah ay nagawa ni Dionne na lumipat sa harap nito paulit-ulit na suntukin at sipain sa katawan. Pang huli ay malakas na uppercut kaya tuluyan nang bumagsak uli sa lupa si Judah. Nanatiling nakatayo si Dionne. Pero nagtaka siya dahil nanginig ang buong katawan niya. 'Bakit ang bilis ko naman yatang mapagod?' Bulong ng isip niya. Nakita niyang gumalaw si Judah at unti unting tumayo.
"Ganiyan na ganiyan din ang naging laban namin ni Kaled noon." Kalmadong saad ni Judah nang makatayo at medyo nanghihina pa. "Akala niya, siya na ang nanalo sa laban. Bukod sa kakampi ko si Abdul.. hindi niya naisip na hindi ko pa binibigay ang lahat sa simula pa lang." Alam na ni Dionne ang bagay na 'yan pero nanatili siyang nakatahimik dahil sa nakakaramdam siya ng pagod. "Kung tutuusin nga ay mas malakas pa ang mga suntok ni Kaled kaysa sa mga sipa mo." Ngumiti ito at pumikit. "Bibigyan kita ng magandang laban." Hinanda ni Dionne ang sarili niya. "HAAHHHH!!" Sumigaw si Judah. Nakatingin lang si Dionne habang tila nasa isang pagninilay si Judah. Biglang lumaki ng bahagya ang katawan nito. Medyo nakaramdam ng kaba si Dionne. "Ngayon, pwede ka nang umatake!" Sabi uli ni Judah. Pero hindi kumikilos si Dionne dahil miski sa sarili niya ay wala siyang tiwala. Puno siya ng pagtataka. "Kapag hindi ka parin kumilos. Ako na ang aatake." Hinanda ni Dionne ang sarili niya. Mabilis na tumakbo si Judah sa kinaroroonan niya. "Yaahhh!!" Isang malakas na suntok ang pinakawalan nito. Mabagal kaya nakailag si Dionne. Lumayo siya kay Judah. "Ano ang problema?! Lumaban ka!!" Umatake na naman si Judah ng suntok. "Yaahhh!!" Umilag uli si Dionne pero wala siyang magagawa kung puro ilag lang siya kaya siniko niya sa tiyan si Judah. Pero laking pagtataka niya dahil hindi nito ininda ang atake niya. Hindi niya maintindihan kung bakit. Kung mahina na ba siya dahil sa pagod o pinalakas lalo ni Judah ang dipensa niya. "Baliwala 'yan!" Tumawa ng malakas si Judah at inatake uli si Dionne. Nakailag uli siya sa isang malakas na hampas nito kaya lumayo siya. Takang taka si Dionne. Tumingin siya sa kamay niya.
'Hindi pwedeng mangyari ito.' Sabi niya sa sarili. Tumingin uli siya kay Judah. Tumatakbo uli ito palapit sa kaniya. Bigla itong tumalon ng mataas kaya sa itaas siya napa-tingin. Binagsakan siya nito ng malakas na tapak.. inilagan niya pero dahil sa lakas ng pwersa ng bagsak nito sa lupa ay apektado siya kahit hindi tinamaan ng mismong atake dahil sa nagtalsikan na maliliit na bato at lupa. Umatras siya pero mula sa tagiliran ay may kamay na kumuha sa kaniya. Sinakal siya sa leeg ni Judah at inangat. Habang sinasakal siya ay sinipa niya ng sinipa sa katawan si Judah pero tinatawanan lang siya nito. Hindi ito tinatablan ng atake niyang bukod sa mahina na, lumakas pa ang katawan ni Judah. Wala siyang magawa.
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
ActionMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.