79. Dropping The Bomb

483 5 2
                                    

Nakateleskopyo si Tina. Nakita niyang umalis na ang barko. Tinawagan niya si Jethro. "Hello, Jethro nasaan ka?"

"Andito parin. Nakaalis na ba?"

"Oo, papaalis na galing harbour ang barko."

Nakapwesto si Jethro sa tabi ng dagat kung saan malayo sa factory at sa mga barko. Hindi niya makikita mula dito ang barko. Kaya iniwan niya si Tina para malaman niya kung umalis na ang barko. Hindi niya kayang sundan ang barko sa pamamagitan ng paglangoy kaya kailangan na lang niyang gumamit ng de-motor na bangka. Dadaanan niya ang lugar kung saan dadaan ang barko para maabot niya at saka niya aakyating ang barko gamit ang lubid na may palawit na dala niya. Nakahanda na siya. May bangka na din sa tabi niya. Makikita niya kung nasaan na ang barko at saka siya aalis.

-

"Gaano kalawak ang kayang wasakin ng bomba na 'yan?" Tanong ni Dionne sa piloto habang nakatingin sa bomba na isasakay sa eroplano.

"Kayang magpasabog ng barko nito." Sagot ng piloto.

"Pwede na ang dalawang torpedo sa barko. Bubutasin lang naman natin 'yun para lumubog." Seryosong sabi ni Dionne kaya ikinagulat ito ng piloto.

"Saan mo gagamitin ang bomba?"

"Tinatanong kita, gaano kalawak ang kayang pinsalain ng bomba na 'yan?"

"Maliit lang 'to, kaya nito ang tatlong ektaryang lawak. Pero kinakabahan ako sa plano mo."

"Sige, ikarga mo 'yan."

"Saan mo planong patamain ito."

"Sa West."

"Walang Military base sa West."

"Pasasabugin natin ang pinakamalaking factory doon."

"Maraming madadamay na inosente."

"Palilikasin natin ang mga empleyado doon. Pero dalawa ang pinagpipilian ko. Ang idamay ang mga inosente para mapatay si Vince. Kung magkakataon na wala si Vince sa lugar ay sayang ang buhay ng mga tao kaya palikasin na lang natin sila."

"Para saan? Kailangan mo lang naman palubugin ang vessel hindi ba?."

"Doon ang pugad ng droga."

"Sigurado ka?"

"Oo at alam kong sumabog man 'yun ay hindi ito mabubuwag. Kaya kailangan ko ng parachute. Ibaba mo ako doon at ako na ang bahala pagkatapos."

"Hay, bahala ka. Malaking gulo ang gagawin mo na 'yan."

"Sundin mo na lang ako. Dahil oras na ibahin mo ang ruta ay sa taas pa lang tatapusin na kita!"

"Sabagay, magtataka pa na ako, kriminal ka nga pala."

Matapos maikarga ang bomba ay sumakay sila sa eroplano. "Alam kong naglalayag na sila ngayon." Sabi ni Dionne habang inaayos ang sarili at may dalang rifle na nakatutok sa pilito.

"Hawak mo ako ngayon kaya susundin kita. Pwede mo na nga akong tapusin sana dahil hindi ako takot mamatay. Ang akin lang ay bukod sa may dahilan ako kaya ko gagawin 'to--naniniwala akong mabuti ka. Pwedeng totoo ang sinasabi mo."

"Ang dami mong satsat."

"Okay, ready for take-off!"

Bumukas ang malaking pinto at lumabas sila doon. Umandar ng mabilis ang eroplano.

"Tawagan mo na ang factory." Utos ni Dionne. "Ipaalam mo na ang plano para lumikas na ang mga tao."

Umangat ang eroplano. "Sige."

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon