Lumingon si David pero wala nang humahabol sa kaniya. Tumigil siya. Maya maya'y naramdaman niya ang isang kotse na paparating, natandaan niya ang kulay ng kotse. Nilabas niya ang baril niya at binaril ang makina ng kotse. Dumiretso ang kotse sa isang poste at sumabog. Biglang labas sa gilid niya si Dionne na may dalang baril. Inilagan niya ang pagbaril nito, mabilis na tumakbo at umakyat sa abandonadong gusali.
"Aray ko!" Sabi ni Luna dahil tumalon siya palabas ng kotseng kakasasabog lang. Nakita niya na pumasok si Dionne sa isang lumang gusali kaya sinundan niya ito. "Dionne!!" Sigaw ni Luna na nakatingin sa taas pag pasok niya. Biglang inilagan niya ang bala na galing sa taas. Kasalukuyang nakikipag barilan si Dionne kay David.
"Ano ba Luna?! 'Wag kang maingay, nasa taas si David" Sigaw ni Dionne na nasa ikalawang palapag na. Bumaril si Dionne sa taas ng makita niyang tumatakbo sa hagdan si David. Hindi tinamaan kaya hinabol niya. Inabangan siya nito sa pang anim na palapag. Buti nakailag si Dionne sa bawat bala ni David.
Tago, baril, tago, baril hanggang sa maubusan ng bala si Dionne kaya lumapit siya kay David para labanan na lang ito ng mano mano. Lumabas si David kaya nakita siya. Inilagan niya ang bala pero naubusan na din ito ng bala. Magpapalit sana ito ng magazine pero tinakbo siya ni Dionne at sinunggaban. Bagsak sila pareho. Pagbangon niya ay bumangon narin si David, nilapitan niya ito at nilabanan ng mano mano. Sinipa niya sa mukha si David pero hindi niya mabigyan ng suntok dahil may tama siya sa balikat. Agad umatras si David.
Umakyat si Luna at nakita niya na naglalaban ang dalawa. Inasinta niya si David pero hindi niya maasinta dahil sa pag-atras nito at natatakpan siya ni Dionne. Hindi siya makabaril. Nakita niyang sumipa si David habang umaatras kaya napayuko si Dionne, pagkakataon na para barilin si David pero lumayo ito kaya hindi niya maasinta. Lumapit si Dionne dito pero biglang mabilis na sumunggab ito kay Dionne. Sinunggaban niya si Dionne at mabilis na sinakal siya sa leeg. Sinasakal ni David si Dionne para mamatay ito pero lumalaban si Dionne. "Magaling ka pala sa grappling." Bati pa ni Dionne.
Nag-alala si David dahil napansin niyang hindi nahihirapan ang itsura ni Dionne. Mas lalo niya itong sinakal. Kinokontra ni Dionne ang kamay nito, walang magawa si Luna kundi manood sa dalawa dahil hindi niya magawang makatulong. Inaasinta niya ito pero gumagalaw ang dalawa. Nakaharang si Dionne kaya sinubukan niyang lumapit. Nasiko ni Dionne si David pero hawak parin siya nito kaya ginawa ni Dionne ay tumalon ng pabaligtad. Natumba si David. Nakahiga sa ibabaw niya si Dionne. Nakasakal parin ito sa kaniya.
"Mamamatay ka na!" Sabi ni David pero nagawang iuntog ni Dionne si David kaya lumuwag ang pagkakasakal nito. Kahit umiiwas si David kada galaw ng ulo ni Dionne ay natatamaan parin siya kaya bumitaw ito kay Dionne at umatras. Dumugo ang ilong niya dahil sa ulo ni Dionne pero ngayon ay nagtaka siya dahil mabilis na nahawakan ni Dionne ang isang kamay niya. Nasa harapan na niya si Dionne. Tumigil naman si Luna nang makita niya ang nangyayari.
"Tapos na ang laban." Sabi ni Dionne at ngumiti. Basag ang ilong ni David nang hilahin siya ni Dionne papalapit at binigyan ng malakas na suntok. Pero isa na naman siko pababa sa hawak ni Dionne na kamay ni David. Bali ang braso nito. Isang sipa sa tagiliran at sipa uli sa sikmura. Napakabilis ng ginawa niya. Binitawan niya at sinipa niya nang malakas sa mukha ito.
Dilat ang matang napatalsik si David, sabay talon ni Dionne para bagsakan ito ng sipa sa dibdib. "Aah!" Mahinang bigkas ni David ng tumama ang paa ni Dionne. Napahinga ng maluwag si Luna.
Nakita niyang humihinga pa ito. "Sagabal siya sa plano natin." Tumingin si Dionne kay Luna. "Akin na ang baril." Sabi ni Dionne. Binigay ni Luna at lumapit kay David. Binaril nito sa noo ang nakahiga na si David.
"Napatay mo siya Dionne. Matagal na siyang wanted. Maraming takot sa kaniya." Sabi ni Luna.
"Iwanan na natin siya!"
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
ActionMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.