61. Holy Hyper Mode

615 13 3
                                    

Lumaki ang katawan ni Judah. Inaasahan na ni Kaled at Hagad ito kaya nakahanda sila. "Sino ang mauuna?" Tanong ni Judah.

Sumensyas si Kaled kay Hagad at sabay silang umatake. Nakikita sila ng ibang kababayan nila at mga nalulungkot lahat habang nakikipaglaban sila.

Isang sipa sa mukha ang ginawa ni Hagad at sa katawan naman kay Kaled pero sinangga naman agad ni Judah ito. Kabilaan ang kamay niya. Sabay matapos nagpakawala siya ng suntok kay Hagad. Sapul ito sa mukha kaya tumalsik ito. Pero bumawi si Kaled ng isa pang sipa sa tagiliran. Sapul naman si Judah pero hindi ininda. Nadismaya ang itsura ni Kaled nang biglang nakita niyang isang sipa ang sumalubong sa kaniya kaya solido siyang tinamaan sa mukha. Tumalsik siya sa malayo. Nakangiti lang ang mga sundalong terorista na nakakakita.

Bumangon silang dalawa. "Wala kayong silbi." Pang-aasar ni Judah.

Nagkatinginan uli si Kaled at Hagad. Sabay uli silang umatake. Sa pagkakataong ito ay hindi nila tinuloy ang atake nang makalapit sila. Lumayo sila pareho at sabay uli na sumugod. Tinamaan si Judah ng suntok ni Hagad at sipa naman kay Kaled. Natumba ito. Susundan pa sana ng isang sipa pababa ni Hagad pero binaril siya ng isang sundalo. Kaya napatigil siya. Muntik na siyang tamaan. Naagaw din ng pansin ni Kaled ang nangyari.

Bumangon si Judah. "Walang makikialam!" Sabi nito. "Naglalaro lang ako. Kaya walang magpapaputok."

"O-opo!" Sagot ng sundalo.

Nakatingin lang ang dalawa kay Judah. "Hagad, tama na!" Sigaw ni Helena.

Tumingin si Hagad sa kapatid. "Helena, hindi pwede 'to." Malungkot niyang turan sa kapatid.

"Wala kang magagawa, Hagad. Akin ang kapatid mo!" Ngumiti pa si Judah. Pumikit ito at lalo pang pinalaki ang katawan. "Dalawa kayong kalaban ko kaya pwede na ito.

Sumama lang ang tingin ni Hagad kay Judah. Umatake ito. Nabigla si Kaled kaya umatake din siya. Kapwa nila tinamaan si Judah pero hindi ito tinablan. "Ano kaya pa?" Pang-aasar na naman ni Judah. Sabay kapwa din sila nitong hinawakan. Pinagbanggaan niya at sinuntok bigla si Kaled. Bumagsak ito. Hinawakan niya si Hagad. Hindi maalis ni Hagad ang kamay niya kay Judah kaya umatake na lang siya ng maraming suntok at pero hindi naman ininda ni Judah. Hanggang sa sinikmuraan siya nito. Duguan ang bibig niyang bumagsak sa lupa.

Umatake naman agad si Kaled ng makatayo pero wala din itong silbe. Sinakal siya ni Judah at inangat. Hindi siya makagalaw. Hawak lang niya ang kamay ni Judah hanggang pwersahan siya nitong tinuhod sa sikmura. Namilipit sa sakit si Kaled kasabay ng pagsipa sa kaniya kaya tumalsik din siyang duguan ang bibig. Hirap si Hagad pero bumangon siya.

"Tama na!" Hiling na naman ni Helena.

Hindi siya pinakinggan ni Hagad dahil iaalay niya ang kaniyang buhay para sa kapatid. Hindi pa nakakabangon si Kaled pero umatake na si Hagad. Kahit anong gawin niya ay hindi niya masaktan si Judah. Duguan na naman siyang tumalsik. "Matatapang kayo ah. Napuno na ba kayo sa'kin? Hindi niyo ba naisip na wala din kayong laban?" Sabi ni Judah. Si Kaled naman ang umatake pero isang sipa sa mukha at biglang binayo siya sa likod ni Judah kaya wala din siyang nagawa. Nakahiga siya sa harapan ni Judah. Tinapakan siya nito sa likod. "Walang sino man sa inyo ang makakapigil sa'kin."

Bumangon si Hagad. "Pipigilan kita Judah." Hirap na sabi nito.

Umiiyak lang si Helena. "Hagad."

Umatake uli si Hagad pero wala na namang nangyari. Napapikit lang si Helena dahil isang malakas na tuhod ang ginawa ni Judah sa sikmura uli ni Hagad at sinuntok na naman ito. Tumalsik na naman sa malayo si Hagad.

-

Nakarating sa templo si Abdul kasama si Demetri na may bakal sa katawan. Dalawang kamay kasama ang katawan ang nakaposas sa kaniya. Isang malaking posas kaya hindi talaga ito makakagalaw. Lumakad sila sa itaas. "Dito lang kayo." Senyas niya sa mga tauhan at dalawa lang sila ni Demetri ang umakyat. Naglakad sila pataas sa hagdan. "Akin na ang bansang ito pagkatapos. 'Yun na lang ang tanging pakinabang mo sa'kin tanda!"

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon