Hindi sinabi ni Dionne ang tungkol sa plano ng ama niya sa mga sundalo, dahil baka madaliin ng mga ito ang pagpatay sa ama niya. Ilang oras pa ay pagod na nakarating sila Dionne sa mansyon nila sa San Lorenso. Pagkakita sa kaniya ng mga hindi pa napapaalis na sundalo ay nag si-saludo agad sa kaniya. Ipinasok niya ang motor. Nakatingin lang sa palibot si Luna dahil ang haba parin ng tinatakbo ng motor kahit nasa tabi na sila ng mansyon. Parang mall ito na may parking lot sa basement. Bumaba sila at sumakay ng elevator. "Luna, huwag kang magsasabi kahit kanino na andito tayo ah. Baka makausap mo si Tina." Paalala ni Dionne habang nasa elevator sila at alam ni Dionne na sa mga oras na ito ay alam na nang ama niya na umuwi siya.
"Sige, ang laki pala ng bahay niyo." Komento ni Luna. Paglabas nila sa elevator ay may pinasukan silang kwarto na maraming pinto. Tapos bawat pasok nila ay may dinaanan pa silang ilang pinto bago makarating sa kwarto ni Damien.
"Dionne, mabuti at nagpunta ka?" Bungad agad ni Damien sa anak at nagyakapan muna silang mag ama.
"Dad, ano 'tong nabalitaan ko na ifufull out niyo ang mga sundalo sa labas bukas?"
"I'll never change my mind, buo na ang pasya ko."
"Dad, pwede bang 'wag muna ngayon, totoong triplet sila Steven, kasama ko ang dalawa. Ang pangatlo ang papatay sa'yo kung malalaman niyang maluwag ang dipensa mo."
"Pa'no mo napatunayan 'yan?"
"Mahabang kwento, Dad. Sigurado ako na totoo ang hinala ni Andrei. Pinaliwanag na niya kung bakit."
"Kung gano'n, malaya niyang maisasagawa ang plano niya nang hindi alam ni Andrei."
"Tama ka Dad, but if the cops and the soldier will stay, mahihirapan siya dahil ikaw lang ang plano niyang patayin, wala nang iba. Madaling kakalat sa media ang balak mo Dad, oras na malaman ni Steven 'yun, sigurado na ang katapusan mo."
"Kung hindi ka mananatili dito ay hahayaan ko na lang siya na patayin ako, tutal hindi na ako magiging masaya pa. Ang kapatid mo na ang bahala sa lahat. Nahihirapan na ako."
"Dad, give me more time. I'm going to save you. Basta sa ngayon kailangan mo munang ireserba ang buhay mo para sa'kin, mahal kita Dad, binigay mo ang lahat kahit may pangit na karanasan ka sa nakaraan. You treated me like a princess. I should go to Chinchao's laboratory and I wanted to kill him with the help of Steven. My purpose is to delay Steven's mission to kill you habang napapakinabangan ko siya sa magandang misyon. I'll bring it all back to start. Magtiwala ka sa'kin Dad. Huwag mong ituloy ang plano mo, hindi ka mapapatay ni Steven. Tutuparin ko ang hiling mo." Hindi na kumibo si Damien. Nakatingin lang si Luna. Nagsalita uli si Dionne. "I'll stay here for a while, para mapag planuhan muna ang lahat, aalamin ko kung nasaan ang totoong Steven, madadala sa pakiusap 'yan, Dad kaya kung ayaw mong magbitiw sa pwesto, manatili kang buhay para sa mga taong umaasa sa'yo."
"Pag iisipan ko ang mga sinabi mo, pero sa lahat ng krimen na ginawa ko, wala akong karapatang lumigaya."
"Dad, bukal sa puso mo ang pag sisisi. Katibayan niyan na nagbago ka na ayon sa sinabi mo. Umasa kang may maganda 'yang kapalit."
"Nakokonsensya na ako sa ginawa ko noon. Maraming pamilya ngayon ang hindi galit kay Steven dahil marami akong pamilya na pinatay. Ganyan ako kasama Dionne, hayaan mo nang ilagay ni Steven ang batas sa kamay niya. Wala nang magandang kapalit ito kundi kamatayan ko."
"Pero hindi aalis ang mga sundalo sa labas!"
"Aalis sila. Kapag nalaman ni Steven ito, 'wag ka nang makikipag laban sa kaniya para hindi ka na masaktan!"
"Daddy!!"
"Leave it all to me, I can manage this. Bago man ako patayin ni Steven, gusto kong ituloy mo ang layunin ko, gawin mo ang lahat para makatulong, ibibigay ko ang listahan ng mga pamilyang kailangan mong tulungan. Kalimutan mo muna ang pagpapabagsak kay Chinchao, anak! Sa langit ako mapupunta kaya 'wag ka nang mangamba, taos puso kong kinakausap ang Panginoon natin, hindi Niya ako papabayaan." Lumuha si Dionne, batid niyang maraming kasalanan ang ama niya. Kailangan lang nitong mamatay para wala nang pamilya ang magalit sa kaniya. Miski si Steven ay matatapos na ang misyon, matatapos na ang gulo.
BINABASA MO ANG
Dead Or Alive [Volume 1]
ActionMore on action fight scenes, missions, solvings, armies, terrorist, most wanted, killing, historical, mystery/thriller, science and superhuman fiction.