12. Ang Kutob Ni Dionne

1.1K 48 2
                                    

"Kailangan nating sundan ang grupo nila, aalamin ko kung bakit nag sama sama sila." Sabi ni Andrei.

"Papunta sila sa direksyon ng south, itrap natin sila para mahuli si Steven." Sabi ng asistant niya. Nasa opisina sila ngayon dahil nabalitaan nilang magkakasama ang mga pulis at si Steven.

"Tawagan mo si General, titiyakin natin ngayon na mahuhuli natin siya."

Nagbuo ng grupo si Andrei at siya ang nagsilbing commander ng grupo. Nagpadala naman ng mga militar ang General. Apat na malulupit ang huhuli ngayon kay Steven. Mga inupahan na tao galing pang ibang bansa. Sisiguraduhin na nila ngayon na mahuhuli nila ito. Inunahan na nila ang direksyon na pupuntahan ng grupo ni Steven para nakorner ang grupo.

-

Samantala nagsimula nang umalis sila Steven, naglalakad sila ng biglang tinawagan siya ni Jethro. Humiwalay muna siya sa mga babae bago siya sumagot.

"Oh bakit?"

"Andito ako sa bandang unahan niyo, ginaya ko na ang suot mo pati ang buhok." Sagot ng kapatid sa kabilang linya. Kailangan kasi nilang magplano. "Kailan tayo magpapalit?"

"Tatawagan kita, basta dapat nasa paligid ka lang." Sabi naman ni Steven.

"Huwag mong hayaan na makahalata sila sa ugali mo ah at huwag mong papakialaman si Tina. Kawawa naman siya."

"Sabi mo eh. Kailangan kong magpakita muna para malito ang mga pulis at sundalo pero sigurado akong alam na ni Andrei kung nasaan ka, tumigil muna kayo sa iisang lugar, pag nakabalik ako, saka na kayo umalis, lilituhin ko lang sila."

"Ingat ka, tumaas na ang reward sa'yo, nakataya ang finger print mo, kailangan lang na madetect nila ito para isipin nila na nandito ang peke."

"Okay, huwag muna kayong aalis diyan, maghabap muna kayo ng matutuluyan na may TV para mabalitaan niyo. Isa pa, wala na silang pakialam sa finger print. Ang mahalaga sa kanila ay mahuli ang isa sa'tin dahil alam nilang magkapatid tayo."

"Sige, pero pag nalaman nila na ako ang peke panigurado na lalo nila akong pagdududahan na ako si Kelvin. Kailangang hindi nila makita si Kelvin para sigurado."

"Sige, gawan mo ng paraan 'yan, mamaya na uli."

Natapos ang pag uusap nila. "Sino 'yung tumawag?" Tanong ni Jessica.

"kapatid ko, magpapakita siya sa kabilang bayan, baka kasi alam na ni Andrei na nandito tayo."

"kailangang lituhin ang mga pulis." Sabi ni Dionne.

"Daan muna tayo sa malapit na hotel para makapag-usap." Sabi ni Steven.

Naglalakad ang kapatid ni Steven sa bayan ng Ohayo. Maraming nakapansin sa kaniya dahil kilala ang mukha niya sa bayan na ito. May mga babaing naglapitan sa kaniya. Karamihan sa mga babae ay hindi takot kay Steven dahil sa mga kumakalat na larawan sa internet. May mga pulis na lumapit sa kaniya habang kasama nito ang mga babae.

Humarang ang isang babae. "Hindi niyo mahuhuli si Steven, nakita niyo naman na mabait siya." Lakas loob nitong pagtatanggol.

Nakatutok lang ang baril ng tatlong pulis pero pinagpapawisan dahil kaharap nila si Steven. Pagkatapos magpakuha ng litrato ay diretsong naglakad ito at dinaanan lang ang tatlong pulis na nangangatog sa takot habang nakatutok lang ang baril nila. Kalmadong dinaanan niya ang mga pulis at nagpaalam pa sa mga babae na nakasama niya. Walang nagawa ang tatlong pulis dahil natatakot sila kay Steven.

Nagulat ang mga pulis dahil nag tugma ang finger print sa finger print ng tunay na Steven kaya pinaalam agad nila ito kay Andrei na kasalukuyang nag hahanda sa pag aresto kay Steven na kasama ng apat na babae. "Ano?! Paano nangyari 'yun? 'Yung kasama ni Tina at Luna ang totoo, dahil sa finger print na nakuha sa hotel sa Sahar, paano mangyayaring andyan ang tunay?" Sabi ni Andrei sa kausap sa telepono na isang pulis sa Ohayo.

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon