33. Karen Wong

904 27 9
                                    

Wala nang nagawa ang nagmamaneho ng bus nang inutusan itong paandarin. Natakot ito sa grupo nila Dionne. Tahimik lang silang iniwan ang mga sundalong may tama ng baril. "Kasalanan niyo 'to!" Rinig nilang sabi ng isang nakasakay. Tumingin sila sa pinanggalingan ng boses. "Akala niyo natatakot ako sa baril niyo! Patayin niyo ako kung gusto niyo dahil masasama naman kayo!" Tahimik lang ang lahat habang pinapakinggan ang isang may edad na babae. "Binaril niyo ang mga tagapagligtas namin. Bakit may armas kayo? May gagawin kayong masama 'di ba?"

Sumagot si Dionne. "Ate, pwede naman kasing daanin sa maayos na usapan. Wala silang laban sa'min pero lumaban sila. Pati kayo madadamay kung hindi namin gagawin 'yun dahil babarilin kami habang nasa likod namin kayo!"

"DAHIL 'YUN SA INYO! MASASAMA KASI KAYO!" Sumenyas si Andrei kay Dionne na huwag nang magsalita. Kriminal na kasi sila sa paningin ng mga tao. "Patayin niyo ako kung gusto niyo dahil nagsalita ako ng masama sa inyo. Ganiyan naman kayo 'di ba? Punong puno na ako sa inyo. Pinatay niyo ang Anak ko. Kung hindi niyo ako papatayin dahil wala kayong mapapala sa'kin.. ipapahuli ko kayo sa malakas na sundalo!!"

Nanatili silang tahimik sa halip na mainis.. naawa si Dionne sa babaeng nagsasalita. Biktima ang ilan dahil dito sila nakatira. Nakaisip si Dionne ng ibang misyon habang magpaplano sila. Nakarating sila sa destinasyon. "Salamat po!" Sabi ni Steven sa driver. "Huwag kayong matakot dahil mabubuti kaming tao."

"Pero bakit niyo sinaktan ang mga sundalo?" Singit na naman ang babae.

"Malayo sa bintuka 'yun. Hindi namin sila pinatay!" Hindi na nagdahilan pa si Steven. Nagkatinginan ang grupo sabay bumaba na kasabay ng mga tao. Ang iba ay takot kaya hindi na nagsalita.

Sila na lang ang naiwan. Maraming taong naglalakad na hindi sila kilala. "Totoo kayang ipapahuli tayo ng babaeng 'yun?" Tanong ni Tina.

"Umalis na tayo. Maghanap muna tayo ng matutuluyan. Totoo man o hindi, kailangan nating mag-ingat." Sabi ni Dionne.

May nadaanan silang alahasan. Napansin nila ang isang kwintas na tadtad ng dyamante. Nasa isang sulok ito, nakasabit at may harang na salamin. Babasagin mo ang salamin bago mo makuha ang nasa loob. Kaya imposibleng hindi malaman ng matangkad na lalaki na nagbabantay. "Sa tingin ko, 'yung kwintas na 'yun ang pinakamahal sa tindahan na ito." Sabi ni Jick. Nakatingin lang silang lahat. Nasa may labas lang sila pero kita ang loob. Hindi na sila pumasok.

"Saka na 'yan." Sabi ni Dionne. Naalalang bigla ni Andrei ang ninakaw na ginto ni Jick noon.

"Sa darating na gabi, ay nanakawin ko ang Singsing na gintong pinaka-iingat ingatan niyo!!" Sigaw ni Jick sa mga pulis sa tapat mismo ng isang Museo kung nasaan ang singsing. Nalaman ni Andrei ang balita kaya agad siyang rumisponde. Hindi sila naniniwalang kayang kuhanin ni Jick 'yun pero nanigurado sila. Pinalitan nila ng peke ang singsing para kung manakaw man ay wala ding saysay.

Kinagabihan ay maraming nakabantay na pulis sa Museo. Isang lalaki ang nakita nilang kahina-hinala kaya hinuli nila ito. "Bakit niyo ako hinuli?" Sabi ng lalaki.

"Dadating si Jick dito dahil baka kasabwat ka niya. Pansamantala ay pinosasan nila ang lalaki.

"Oh my god, it's gone!!" Sigaw ng isang empleyado sa Museo. Inis na inis ang ilang pulis.

Nagpakita si Jick sa kanila sa pamamagitan ng pagputok ng baril. "Jick, napakahina mo!" Sabi ni Andrei.

Pinakita ni Jick ang singsing. "Nakuha ko na. At kung huhulihin niyo ako ay imposible na. Pero dahil mabait ako, isosoli ko ito!" Sabi ni Jick.

"Hindi na kailangan. Alam ko na kung paano mo nakuha ang singsing. Nagbutas ka sa taas ng daanan dahil doon ka dadaan. Nagpanggap kang pulis sa pamamagitan ng pagpapalit ng anyo. Hindi namin namalayan na nakadaan ka na sa taas matapos mong kunin ang singsing. Isa ka sa nasa loob. Hindi namin napansin ito dahil sa uniporme mo. Ginamit mo ang iyong stealing knife na nakakahiwa ng salamin na parang papel. Alam ko na 'yun. Pinaamoy mo ng pangpatulog ang kasama mo. Dahil sa walang tao sa loob ay walang makakakita sa'yo. May bantay sa taas dahil alam kong sa taas ka dadaan, pero lumabas ka doon ng makuha mo ang singsing tapos binaril mo ng baril na may silencer ang nakabantay sa taas na may pangpatulog. Hindi namin inaasahan na nasa loob ka manggagaling kaya hindi kami naging aware. Pero sa kasamaang palad, peke ang singsing na nakuha mo. Oo magaling ka, gusto mo lang maglibang kaya mo ginagawa ito. Hanga ako sa'yo. Ikaw lang ang nakakagawa niyan. Inutusan mo pa ang lalaking ito na dumaan para maisagawa mo ang plano." Tinuro niya ang lalaking nakaposas. "Napakabilis kaya habang kausap namin ang lalaking ito. Kung kukuhanin mo ang singsing nang hindi sinasabi sa'min ay mababaril ka kaya kailangan mong ipaalam para walang gaanong tao. Ano Jick, palpak ang plano mo kaya huwag mo nang ibalik pa ang singsing!"

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon