63. Ang Pagsaklolo Ni Dionne

557 11 1
                                    

Nagpatuloy ang laban ni Demetri at Abdul. Sira na ang ilang parte ng kwarto kung saan sila na'ndoon. Nakahiga si Abdul. Nahihirapan siyang tapatan ang bilis at lakas ni Demetri. Nakatayo si Demetri sa nakahigang si Abdul. Dumilat ito at bumangon.

"Ang gusto ko sa'yo ay pala-asa ka." Sabi ni Abdul. Tumingin sa paligid. "Wala akong pakialam kung mawasak ang templo na ito. Madali naman itong ipaayos. Pero gusto ko lang maranasan ang labanan ka uli. Masarap sa pakiramdam."

"Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa ito bukod sa kapangyarihan. Pero kung bubuhayin mo ako ay baliwala din naman. Walang pinag-iba sa pagpatay mo sa'kin. Masaya ka ba sa ganito? Ang babaw ng kaligayan mo, Abdul."
Q
"Nanenermon ka ba, tanda?! Kahit matanda ka na ay wala kang karapatan na sabihan ako ng ganiyan."

Nawala na naman si Demetri at biglang sumulpot na lang malapit kay Abdul. Inatake na naman niya ito ng sunod sunod ng suntok pero hinarang ni Abdul ang kamay niyang bakal. Umaatras si Abdul. "Ano tanda? Hindi ka pa ba pagod?"

Isang sipa ang ginawa ni Demetri bilang panapos. Pero kamay ang tinamaan. Malakas ang pagkakasipa kaya umurong sa malayo si Abdul. Bumalik uli sa pagkakatayo si Demetri.

"Bakit ka tumigil?" Tanong ni Abdul. Napansin niyang medyo nanginginig na ang tuhod ni Demetri. "Pagod ka na agad?" Binirahan ng tawa ni Abdul.

Tumingin lang ng masama si Demetri. "Maglaro ka kung gusto mo. Masaya ka sa ganiyan, Abdul."

"Di ba sinabi kong huwag mo akong sesermonan?" Nakatingin lang si Demetri. "Masaya kung mapunta sa'kin ang Sacred. Wala nang makakatalo sa'kin."

"Ang Sacred ay para lang sa kabutihan. Pero kung mapupunta sa'yo ito ay tutugma ito sa katauhan mo. At baka lalo lang dumami ang papatay sa'yo dahil masama ka. Ang isang katulad mo ay hindi nakakapanghinayang na patayin."

Seryosong tumingin si Abdul kay Demetri. "Bakit ba nakikialam ka? Kapag nakuha ko ba ang Sacred ay mababago ang buhay mo? Masaya ka na sa mas mababaw na paraan kung mababaw ang tingin mo sa'kin. Kaya wala kang pakialam sa nararamdaman ko. Masaya akong maging makapangyarihan samantalang ikaw ay halos walang pangarap."

"Pangarap kong makatulong sa kapwa at natupad na naman. Kaya wala na akong patutunayan pa sa iba. Eh ikaw, oras na patayin mo ako. Walang tao ang matutuwa sa'yo dahil sa kasamaan mo at 'yun ang totoo!"

Nagalit si Abdul kaya siya na ang umatake. "Ikaw na ang mahina ikaw pa ang malakas ang loob sa mga ganiyan!!" Sabi ni Abdul sabay isang malakas na suntok ang pinakawalan niya. Tumalon si Demetri paatras. Sumugod uli si Abdul kaya umilag uli siya at binigyan ng isang sipa sa mukha pabalik si Abdul kaya tumalsik ito.

Bumagsak ito sa sahig. Nakadilat parin siya. "Yun lang ba ang kaya mo?" Tanong ni Abdul. Tumayo ito. "Napipikon na ako sa'yo tanda!"

Umatake uli si Abdul. Sunod sunod na suntok at ang iba ay sinasalag ni Demetri sa pamamagitan ng pag-atake din. Nagbabanggaan ang mga kamay nila pero umaatras si Demetri. "Wala ka nang lakas." Nakangiting tanong ni Abdul.

Tinuhod ni Demetri sa sikmura si Abdul kaya napalayo siya dito. Nakatigil lang si Demetri. Ngumiti si Abdul. "Kaya pa tanda?" Nanginginig na sa pagod si Demetri. Tumayo ng maayos si Abdul. "Sige pagbibigyan pa kita tanda. Saktan mo ako hangga't kaya mo!"

Seryoso lang itong nakatingin. Hindi ito gumagalaw. 'Kailangan kong mabuhay para makatulong ako kay Dionne. Ano ang gagawin ko?' Sabi ni Demetri sa isip niya.

"Ano tanda?! Magsalita ka! Sabagay, papahirapan pa kita at hindi agad agad tatapusin." Hindi kumikilos si Demetri. "Naiinip na ako. Ako na lang ang susugod uli."

Umatake siya ng mabilis. Inilagan lang ni Demetri ang bawat suntok. Gumanti siya ng sipa pero tumama lang sa bakal na kamay ni Abdul. Nag-alala si Demetri sabay umatras. Pero natakot siya dahil biglang bumawi ng sugod si Abdul. Nasa harap na niya ito. Sumuntok si Abdul. Papalapit na ang kamao. Kaya sinangga niya ito ng dalawang kamay pa-ekis. Nagawa niyang masalag ang suntok pero tumalsik siya at sumadsad sa sahig ang paa ng nakatayo at pinigilan ng paa niya ang pagtalsik. Tumigil siya sa pagsadsad at napaluhod saglit.

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon