11. Confusing

1.3K 42 3
                                    

Nakasakay sa motorsiklo si Jessica pabalik sa Bluetown nang bigla niyang namataan na may motor din na sumusunod sa kaniya. Hinanda niya ang baril niya. Dala niya kasi ang binigay sa kaniyang reward. Pero biglang nawala ang motor at sumulpot ito sa unahan niya. Tumigil siya dahil humarang ang motor. Bumaba siya agad para sa posibleng pag-ilag kung aatake ang nakasakay sa motor. Tingin niya ay pakay ng nakamotor na 'to ang pera niya. Tinutok niya ang baril niya. Nabigla siya sa itsura ng kaharap niya. Nakita niya si Steven.

"Tamang tama, isa kang agent 'di ba?" Sabi ng lalaking kamukha ni Steven.

"Kelvin?"

Tumawa ang lalaki. "Gusto mo akong makilala?"

"Ano ang kailangan mo? Pera ba? Sige sa'yo na 'to." Sagot niya sabay nilapag ang bag.

"Hindi pera ang kailangan ko, gusto ko lang ipaalam na ako ang tunay na Steven."

Nagulat si Jessica. "Totoo ba 'yang sinasabi mo?"

"Pinapaalam ko lang para sigurado, kasama niyo ngayon ang kapatid ko na iniisip niyong totoong Steven"

"Oo nga, pero hindi niya itinanggi 'yun."

"Dahil hindi kayo maniniwala, pero hindi naman importante kung sino sa'min ang totoo, sinasabi ko lang, dahil ayokong malagay sa panganib ang kapatid ko. Tutal, andiyan na din 'yan. Lalabas kami sa mga tao ng sabay."

"Pero sino ang kasama namin?"

"Siya si Jethro."

"Paano ako makakatiyak na ikaw nga ang totoong Steven?"

"Hindi na importante 'yun. Pero baka maisip mong nagsasabi ako ng kasinungalingan. Pwede mo akong labanan o kaya naman ay ipasuri ang finger print."

"Hindi na kailangan, wala na akong paki kung sino ang totoo, basta ang alam ko pareho kayo ng katauhan. At hindi ko din naman mahuhulaan kahit labanan pa kita. Wala akong katibayan kaya pag aaksaya lang ng lakas ang labanan ka." Sumakay ng motor ang nagpakilalang Steven. "Hindi ba talaga ikaw si Kelvin?" Hindi na siya pinansin nito.

-

Pagdating ni Jessica sa Bluetown ay hinatian niya ng reward si Steven at Dionne. Umupa sila ng malaking kwarto sa isang hotel. "Wow ang dami naman niyan." Kumento ni Tina.

Nakapatong sa kama ang pera. "Tutal hindi naman ako talaga ang nakapatay kay Benedict, kasama ko kayo 'di ba? Kaya paghatian natin 'yan." Sabi ni Jessica.

"Alam ko na kung bakit ibinigay ang reward." Sabi ni Steven. "Para makita ng lahat na totoo na kahit sino pwedeng makahuli o makapatay ng kriminal at para na din mapadali ang paghuli sa'kin. Kahit sundalo o pulis ay makakatanggap ng reward. Basta mahuli lang ito."

"Gaya ng iniisip ko." Sagot ni Dionne. "Bukas din ay aalis tayo para sa misyon, mabuti at may pera tayong dala, baka hindi kasi tayo sumakay ng eroplano, kailangan natin ng baon. Pinag-iisipan ko pa kung hihiramin ang private jet ni Daddy."

Maya maya'y nagkasarilinan si Dionne at Jessica. Nagkwento si Jessica kay Dionne. "Kung gayon, peke pala ang kasama natin, pero sharp shooter siya 'di ba?" Sabi ni Dionne at napapaisip siya. "Sabi sa'kin ni Tina kanina, napigilan niya ang isang nagliliyab at umaandar na kotse sa tatlong bala lang. Eksakto itong tumama sa makina kung saan pwedeng pasabugin ang kotse."

"Maaring peke nga siya pero magkapareho sila ng galing ng totoong Steven." Sabi ni Jessica.

"Nakakalito talaga, baka hanggang ngayon ay hindi natin kilala ang tunay na Steven."

"Basta, malalaman natin ang totoo pag nai-pasa na natin ang finger print."

"Huwag mong gagawin 'yan? Baka mamaya ay mag positive, mahuli pa ang kasama natin." Payo ni Dionne. "Hindi importante kung totoo siya dahil lahat sila ay totoo."

"Oo na. Tama ka, saka na pag oras na nang mahihiwalay tayo sa kaniya. Sasama ako sa misyon mo dahil mahilig ako sa mahirap na gawain. Para makita din si Kelvin. Pinangarap ko din naman sumuong sa panganib basta sa kaligtasan ng marami."

-

Samantala, kausap ni Jethro si Steven. Magkausap sila gamit ang telepono. "Bakit mo ginawa 'yun?" May pagkagulat na sabi ni Steven. "Wala nga siyang nabanggit na nagkita pala kayo."

"Para lalo silang malito. Huwag kang papakasiguro sa dalawang 'yan. Dun sa dalawang in love sa'yo, maari pa. Alam mo naman na Ama ni Dionne ang papatayin natin."

"Kaya kailangan natin silang lituhin para sigurado, kailangan kong makausap si Dionne sa lalong madaling panahon dahil sa mga oras na 'to siguradong nakausap na niya si Jessica."

"Basta kailangan lang na wala si Jessica pag nakausap mo siya, gagawa ako ng paraan."

"Sige, tawagan mo ko at pupunta ako ngayon diyan sa Bluetown."

Balak nilang hindi magpakita ng sabay. Nasa hotel silang lima at dalawang kwarto ang inupahan nila. Wala pa si Steven kaya naisipan ni Luna at Tina na lumabas muna para mamili.

Nasalubong nila si Steven. "Sam? Bakit ngayon ka lang bumalik? Saan ka galing?" Tanong ni Tina.

Ngumiti si Steven. "Wala! May binili lang." Sabi ni nito sabay pinakita ang pinamili niya. May underwear at kung ano ano pa. Hinawakan ni Tina sa braso si Steven.

"Hintayin mo kami ah, may bibilin lang kami." Paalam nila kay Steven.

"Sure. Hintayin ko kayo ah!" Sigaw ni Steven nang makalayo na.

Naglakad na ang dalawang babae. "Kakapanibago naman siya!" Sabi ni Tina.

"Ano nagbago sa kaniya?"

"Wala, nevermind."

Maya maya lang pagkagaling nila sa malapit na mall ay nadatnan nila si Steven sa kwarto nila. "Saan ka ba matutulog?" Tanong ni Luna kay Steven.

"Dito na lang, papayag ba kayo na sa kabila ako matutulog?" Sagot ni Steven.

"Hindi no, pero ang sabi ni Jessica, mag isa ka dito mamaya at mamaya dun kami matutulog lahat." Sabi ni Tina.

"Tatlo na lang tayo dito." Yaya ni Steven.

"Pero ang plano 'di ba, hangga't hindi sila nakakatiyak kung sino si Kelvin ay wala munang tatabi sa'yo. Kailangan nilang makilala kayo pero wala silang paki kung sino ang totoo dahil walang peke sa inyo."

"Hayaan mo na siya dito, masikip pag apat tayo sa dalawang kama sa kabila." Sabi ni Tina. "Hindi ako naniniwala na hindi ikaw si Sam."

"Wala naman akong ibang gagawin. Nakakainis lang na matulog mag-isa. Sabihin natin na hindi tayo gagawa ng ika-sisira sa plano." Sabi ni Steven.

May kumatok at pinagbuksan nila ng pinto. "Nasaan na si Steven?" Tanong ni Dionne at sumilip sa loob.

"Andito bakit?" Boses ni Steven.

"Hoy, Steven, dito ka sa kabilang kwarto at kaming apat na lang diyan." Sabay pasok ni Jessica at Dionne sa kwarto. "Kung sino ang sumuway ay malilintikan sa'kin."

Natakot naman si Tina. "Haay naku, makapunta na nga sa kabila." Sabi ni Steven.

Nang makaalis na si Steven ay nagsalita si Jessica. "Mag ingat muna tayo dahil baka hindi siya si Steven na nakilala natin, nakilala ko ang kamukha niya kanina at sinasabing siya daw ang totoong Steven."

"Pero alam kong siya si Sam na nakilala namin, peke man o hindi, iisang tao lang ang nakilala namin." Sabi ni Tina. "Teka, sino bang kamukha ni Sam? 'Yung nakilala mo?" tanong ni Tina kay Jessica.

"Kulit mo rin eh. Steven nga daw po ang pangalan niya." Sagot ni Jessica.

"Basta dapat nating mag ingat pero naniniwala ako na mabuti ang magkambal na 'yan, kaya siguradong walang mapapahamak sa'tin." Sabi ni Dionne. "Kailangan lang natin malaman ang palatandaan kung sino ang Jethro at Steven para maayos natin silang makausap ng walang nalilito."

Ang totoo kasi ay ayon kay Jessica, baka si Kelvin ang kasama nila ngayon at nagpapanggap lang na Jethro o pekeng Steven.

Itutuloy ....

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon