3. Ako Si Sam

2.5K 97 8
                                    

"Hoy Kelvin!!" Gulat ni Jessica na kaklase ni Kelvin sa kursong criminology.

Napabalikwas si Kelvin pagkat nagulat siya sa sigaw ni Jessica. "Bakit Jessica?"

"Alam ko na ikaw ang most wanted kaya 'wag ka nang tumanggi!"

"Ang kulit mo talaga, crush mo ba 'ko?" Piningot ni Jessica si Kelvin tanda na matagal na talaga silang malapit sa isa't isa.

"Bakit mo binura ang account mo sa Facebook?"

"Gagawa na ako ng bago, nahack ang account ko."

"Lumang style na 'yan Kelvin, bakit kasi ayaw mo pang umamin? Matalas ang isip ko at hindi mo ako kayang linlangin."

"Wala akong aaminin dahil wala akong tinatago sa'yo."

"Sino si Steven aber? Pati ang kilay niyo pareho, paano mo mapapaliwanag 'yun?"

"Nalaman kung sino ang most wanted? So hindi talaga ako 'yun. Kaya kung ikaw ang nag-iisa sa school ang nag-iisip niyan ay hindi ka paniniwalaan ng mga tao!"

"Lalabas din ang totoo, Kelvin. Hindi imposibleng ikaw ang gumawa ng ilang pagpatay dahil hindi kita kasama sa mga oras na nangyayari ang krimen."

"Kaya ba ako ang pinagbibintangan mo? Tignan mo nga ang buhok namin." Nahihirapang magpaliwanag ni Kelvin dahil alam niyang marami na itong natutunan sa kaniya.

"Maraming paraan para makapag-panggap, Kelvin, umamin ka na para mailigtas pa kita. Umamin ka lang ay magiging magkakampi tayo dahil hindi ako galit sa'yo o kung ikaw man ang napapabalita na most wanted."

"Hindi ako mahuhuli kaya 'wag ka nang mag alala pa diyan. Walang huhuli sa'kin dahil wala akong tinatago sa'yo. Sobrang imposible ng sinasabi mo." Nakatingin lang sa kaniya si Jessica.

Si Jessica ay asintado na gaya ni Kelvin at alam ni Jessica na si Kelvin lang ang kapareho niyang magaling kaya ayaw niyang maniwala na hindi ito ang most wanted. Magkapareho kasi sila ng abilidad.

-

"Baka ako na nga ang isunod ng Steven na 'yun?" Sabi ni Damien na Ama ni Dionne na hinihinalang isa sa mga gobernador na papatayin.

Hindi alam nang ibang mga gobernador kung sino ang isusunod ng most wanted kaya lahat naghahanda na at 'yung iba ay tumakas na. "Damihan pa po natin ang mga security niyo para sigurado." Payo sa kaniya ng isa sa umaalalay sa kaniya.

"Magdadagdag ako ng mga security cam sa mansyon ko at dadamihan ang securities sa village."

"Pero gob! Sigurado ba kayo na ikaw ang target ng most wanted? Baka naman hindi? Baka akala lang natin 'yun?"

"Oo ako, pagkat ang ilan sa pinatay ni Steven ay mga kasama ko noon sa isang malaking sindikato. Palagay kong kami ang target dahil sa mga kasalanan namin noon." Biglang lumabas si Dionne na kanina pa pala naririnig ang usapan.

Tumulo ang luha niya. "Daddy totoo ba 'yang sinabi mo?"

"Anak! Kanina ka pa ba na'ndiyan?"

"Sagutin mo ang tanong ko, Dad!"

"Anak! Nag sisisi na ko sa lahat ng kasalanan ko."

"Ano ba ang kasalanan mo, Dad?"

"Basta marami anak. Pero maniwala ka, nagbago na ako."

"Daddy! Hindi ako makapaniwala, bakit ka paghihigantihan ng taong 'yun? Siguro malaki ang kasalanan mo? Ano ang kasalanan mo sa kaniya?"

Naalala niya ang mga bagay na tinanong sa kaniya ni Kelvin. Nagtanong ito kung nasaan ang mansyon nila sa San Lorenso.

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon