51. Ang Paghahamon Kay Judah

677 19 5
                                    

Nakatingin lang ang lahat. Alam ni Julius na pwede ngang matalo si Asser pero hindi niya inaasahan na ganito ka-bilis. Hindi gumagalaw si Asser kaya lumapit sila. "Hanggang doon lang pala ang kaya niya. Akala ko pa naman malakas siya." Kampanteng sabi ni Steven. Habang nakatingin si Julius sa walang malay na si Asser ay nilingon niya si Steven at napaisip.

"Maraming palatandaan kung bakit nangyari ang lahat." Sabi ni Julius. At sumenyas sa ibang sundalo na asikasuhin si Asser. "Sumunod kayo sa'kin." Sumunod naman si Steven at ang isa niyang kasama. Pumasok sila sa isang opisina.

"Kung alam niyo na kung nasaan ang mga kasama ko.. pwede ba kaming magsama-sama na lang?" Tanong ni Steven at umupo sa upuan.

"Dadating tayo diyan. Sa ngayon ay hindi pa pwede." Sabi ni Julius at umupo sa mesa niya. Tumipa sa computer. Nakatingin lang si Steven sa kaniya. "Natalo sa'yo si Asser." Duktong niya habang abala sa pagtipa. "Alam mo pala ang Bullet Attack?"

"Wala akong alam doon. Basta ang alam ko'y napakadaling gayahin ng ganung technique."

Napatigil si Julius at napatingin ng seryoso kay Steven. "Yun na nga ang inaasahan ko eh. Ginaya mo lang dahil halatang ngayon mo lang ito nakita. Dalawang technique ang posibleng alam mo."

Napataas ang isang kilay ni Steven. "Mag-usap muna kayo. Lalabas muna ako." Sabi ng kasama ni Steven. Sumaludo at umalis na.

"Teka muna! Saan ka pupunta?" Habol ni Steven sa lalaki. Tumayo siya para sundan sana ito. "Hindi ko pa alam ang pangalan mo."

Naiwan si Julius at Steven. "Huwag mo muna siyang kilalanin."

"Bakit?"

"Basta. Sa ngayon, mabisa kang panglaban sa malalakas na sundalo. Pero hindi ko pa alam kung hanggang saan ang kaya mong gawin ngayong may alam ka sa Vigour Echo."

"Ano 'yun?"

Napangiti si Julius. "Hindi mo alam 'yun?"

"Paano ko malalaman kung hindi mo sasabihin."

Nakatingin lang si Julius kay Steven. "Madali kang nakarecover kahit nasaktan ka ng matindi. Kung hindi mo alam ang Vigour Echo, baka nagpapanggap ka lang na nasaktan."

May naalala si Steven.

"Hindi pwedeng sabihin sa inyo ang technique na ito dahil baka hindi niyo mapigilang sabihin sa kalaban niyo. Mas maiging wala silang alam para kung matamaan kayo ng bala ay hindi agad kayo manghihina. 'Yun ang silbi ng technique na ituturo ko sa inyo ngayon. Sa ibang bansa lang meron nito. Hindi ito itinuturo basta basta. Kaya lihim lang ang pangalan ng technique na ito."

Naalala niya ang sinabi ng master nila noon ng mga bata pa sila. "Sa totoo lang, masakit talaga ang tama." Naging seryoso si Steven.

"Kung totoo ang sinasabi mo, hindi nga ako nagkakamali. At isa pa, may alam ka sa pangongopya ng literal na technique. Ang mga taong magaling mang-imitate ng technique ay may talentong natural. O dahil na din sa martial arts na alam mo kaya elastic ang katawan mo. Ano ang masasabi mo?"

"Madali lang naman kasi gayahin 'yun."

"Pero hindi mo alam kung paano aatake ng malakas. May ritwal doon para epektibo."

"Dahil ito sa pagpadyak sa lupa nang malakas."

"Yan ang tinatawag kong talento. Bibihira ang katulad mo. Matalino ka."

"Pero ano ba ang Vagour Echo?"

"Seryoso ka, hindi mo alam? Sabagay, bata ka pa. Halata sa ugali mo. Malamang itinuro ito sa'yo ng hindi sinasabi kung ano ang pangalan." Hindi makasalita si Steven dahil naniniwala siya dito. "Kaya kung kilala ka ng makakalaban mo ay mahihirapan siyang talunin ka dahil hindi niya magagamit sa'yo ang kakahayan niya na pwede niyang ikatalo gaya nang nangyari kay Asser."

Dead Or Alive [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon